Kabanata 9

74 14 0
                                    

Kissed



The sky was dark, almost raining. Nasa labas kami ng classroom namin at hinihintay ang pagtila nito. Nasa gilid ko si Vien at ang backpack na suot katulad ko ay nasa unahan.

Bawat dumadaan na estudyante ay may dalang payong. Napatalon ako sa gulat ng may humawak sa likod ko. I saw Elisha smiling.

"Hey," she greeted and smiled.

I smiled back before glancing at Vien who was now looking at her.

"Civil?" she asked.

Tumango ako. She seems interested to talk with me. Bumalik ako sa pwesto kanina nang tumabi siya sa amin. Nakahawak ang kamay niya sa railings at pinagmamasdan ang bagsak ng ulan.

"Ikaw?" tanong ko pabalik sa kan'ya.

Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Civil rin. Your senior."

Halata ang gulat sa mukha ko kaya napangiti siya. Nakita ko rin ang gulat sa mukha ni Vien bago tumingin sa akin at nagtatanong. Tumango na lang ako sa kan'ya.

I was about to answer her when Kira appeared beside her.

"Kanina ka pa namin hinahanap. Nand'yan na 'yung sundo mo," Kira informed her.

Ngumiti si Elisha at nagpaalam sa amin. Naiwan naman si Kira sa tabi namin. She raised her eyebrow towards me.

"So, girlfriend kana pala ni Dion?" Kira asked.

"Ba't mo tinatanong?" si Vien.

Ngumisi si Kira at inayos ang buhok nito na hanggang leeg. Her dark make-up was slightly washed away by the rain.

"Wala lang. Sabi sa chismis eh," Kira answered.

Vien smirked at her. "Sabagay. Chismosa ka pala."

Agad nagbago ang ekspresyon ni Kira. Ang ngisi nito ay nahaluan ng inis sa mukha.

"Alam mo, mas mabuting bigyan mo na lang ng advice kaibigan mo, mababaw lang naman ang tingin sa kan'ya ng Mercado, ah?" ngumiti siya. "I suggest her for a little glow up para naman pleasing siya sa mata ng lahat. Elisha is far beautiful than her."

Tinaasan ko ito ng kilay. The hell is happening with her?

"Alam mo Kira, hindi rin valid ang opinion ng isang malandi," Si Vien at humalukipkip at tamad na tumingin sa kausap.

"At hindi kailangan ni Avi na magpaganda para magustuhan kasi sa una pa lang, nabingwit na niya ang Mercado na tinutukoy mo," lumapit si Vien sa kan'ya.

Hinawakan ko naman ang braso nito para pigilan. Dealing with Kira is such a waste of time. Masyado nakaka-umay. Puro nonsense pinagsasabi.

"Mas mabuti siguro kung ayusin mo na lang 'yang mascara mong melted. Panget na nga ugali mo, panget pa mukha mo," Si Vien saka ngumisi bago ako hilahin at lumipat sa kabilang railings.

Natatawa ako nang bitawanan niya ako. She really did spend her time arguing with that brainless Kira.

"Gusto ko pa sana makipagtalo sa kan'ya pero masyadong nakakailang makita make-up niyang nalulusaw," si Vien at tumawa.

"Gago," I cursed.

I saw Dion from the other way. May payong ito na hawak at isa pang dala. Papunta sa department namin. I waved my hand. Hindi niya ako nakikita. Huminto pa ito saglit nang kausapin ng isang lalaki.

Kinuha ko ang cellphone ko at nakita ang message niya. Kanina pa siya tumatawag. Inangat ko ang tingin sa kan'ya sa malayo, binalik ko naman ang tingin sa hawak na cellphone at nakita kong tumunog iyon. Napangiti ako bago sagutin iyon.

Until Our Last Sunset (Scenery Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon