Accompany
"Avi, dalhin mo na kasi."
Galit ang isa kong kaklase habang inaabot sa 'kin ang isang sako na may laman ng mga gamit namin para sa paggawa ng video.
"Kung hindi kayo umayos, mapipilitan akong alisin kayo sa grupo," pagalit nitong sabi at nakita kong umirap sa banda namin.
"Lah. Pabida naman nitong si Celine. Akala mo naman may ambag. Sama ng loob lang naman laging bungad sa 'tin," bulong ni Vien sa 'kin.
Siniko ko ito kaya natigil din sa pagbubulong.
Nasa dulong parte kami ng lupa ng mga Alderiste. Sa kanang bahagi makikita naman ang lupa ng mga Caballero. Halos mga prutas ang mga Puno.
Sa kinatatayuan namin, malawak na taniman ng palay. Sa dulo nito makikita ang maliit na sementadong daan. At hindi pa kami nakakapagsimula ay dumaan na ang mga kabayo lulan ang mga lalaking hindi pamilyar sa 'min.
"Cut muna," sigaw ni Celine. Ang mga mata nito'y katulad namin, nasa mga dumaan.
Kumunot ang noo ko. They didn't look like they live here in the province. Parang dayo sila rito. At tama ang hinala ko nang makita si Dion na sakay ng panghuling kabayo. May kausap ito na lalaki habang nakikipagtawanan.
"Hindi taga-rito 'yan," isa sa mga kaklase ko.
"Hindi ba sa Maynila galing iyang Mercado?" sabi ng isa pa. "Baka siguro kaibigan niya ang mga iyan?"
Napalingon ako roon sa kaklase. Medyo napaisip.
Ano naman ginagawa ng mga laking Maynila na mga ito? All I know is that they underestimate our place. Too boring daw sabi pa ni Georgina Lu, na anak ng isang tsinong nanalo bilang gobyernador sa lugar namin.
"Miss Algabre. Bagsak ka na naman sa quiz. Balak mo ba mamaalam sa kurso mo? Pagbutihin mo. Baka hindi ka na umabot sa susunod na semester," may katigasan na sabi ng isa kong guro sa major sub ko.
Ginagawa ko naman lahat. Sadyang mahirap nga lang. I never thought how hard it is until I am here doing these things. Bagsak ako sa Chem. Medyo nahihirapan rin ako sa laboratory namin kaya hindi na nakakapanibago ang grado.
Napasinghap ako at inalis ang kamay ni Vien na umaalo sa'kin.
"Tuturuan kita every weekend. Huwag ka na malungkot. Ayos lang 'yan," pag aalo pa niya.
Ngumiti ako. Ayos para sa kan'ya pero para sa 'kin, hindi. Magiging maayos ako dito pero panigurado, pagdating sa bahay bubuhos lahat.
Hindi na bago ito. Lagi naman palpak mga grado ko pero never akong nawalan ng gana. I've always wished for another chance for another day. I'd never get tired of chances even thou I see no improvement within myself.
At mali iyon. Hindi ayos sa 'kin ito. Hindi pwedeng ganito na lang palagi. Mahirap na nga kami tapos bobo pa ako. Bakit kasi ang hirap.
Napasinghap ako at umayos ng upo. Naka upo ako sa isang kawayang gawa ni Papa sa ilalim ng maliit na puno sa dalampasigan.
Mabuti at sa gilid lang din ng baybayin ang bahay namin.
Lumabas galing sa kawayang gawa na bahay si Papa. Kadarating lang nito galing sa pagtatrabaho sa koprahan ng mga Alderiste.
Huminto si papa at nakaharap sa malawak na dagat, malayo ang tingin. Kalaunan, pumasok ito pabalik sa loob.
Nakakapanghina ang lahat. Gustong gusto ko umayos ang buhay namin. Grado na nga lang ang pag-asa ko, hindi ko pa kaya ayusin.
Tahimik akong naglalakad palabas ng paaralan. Tapos na ang exams namin. Lumabas na ang resulta. Hindi ako pwedeng panghinaan. Nanganganib ang grado ko. Ngayon ko dapat tatagan ang loob ko.
BINABASA MO ANG
Until Our Last Sunset (Scenery Series #1)
Romansa[COMPLETED] She breathes, a shallow, ragged gasp that echoes in the dim, sterile light of the interrogation room. The air is thick with tension, the silence punctuated only by the rhythmic click of the clock on the wall. Her eyes, wide with fear a...