Kabanata 15

89 13 1
                                    

Caught


Nakita ko si tita na hawak ang kamay ko. Nasa malayo si papa at kausap ang isang doctor. I closed my eyes again. Namamanhid ang mga paa ko. Hinawakan ko ang sentido ko nang maramdaman ang pagkahilo. Nakita ni tita ang paggalaw ko kaya agad tumayo at tinawag ang doctor.

The doctor did check on me. Ramdam ko ang panghihina ng buong katawan. Ilang minuto lang iyon nang lumabas ang doctor. Tinanaw lang ako sa malayo ni papa at umiling saka lumabas.

Naiwan kami ni tita. He caressed my other hand and took a deep breath.

"Gutom ka naba?" tanong nito at may kinuha na lugaw sa gilid.

Umiling ako.

"Dalawang araw kang nakahiga dya'n. Hindi ka man lang ba kakain kahit kaunti?"

Umiling ulit ako. Tumagilid ako nang pagkakahiga para iwasan siya.

"Hindi ko alam kung anong gagawin sa iyo. Gusto ko lang na lumakas ka kahit papaano. May dumating na lalaki rito kaninang madaling araw. Nakipag-awayan pa sa mga security sa labas ng hospital dahil ayaw papasukin ng papa mo."

Pumikit ako dahil sa narinig. Mas lalong kumirot ang sakit. Napansin iyon ni tita kaya nanahimik na lang.

Ilang minuto nang marinig ko ang pagbukas at pagsarado ng pintuan. I looked back and saw nothing, lumabas siya.

Bumuntong hininga ako at sinubukan na maupo. I want to check my phone. I saw it near my table. I was about to reached it when a sudden pain hit me again.

Bumukas ang pintuan at niluwal si Waheed na may dalang paperbag. Agad dumalo sa akin nang makita ako. I was holding my head and closed my eyes. Pinahiga niya ulit ako.

"Just stay for a while, Avi. Huwag makulit," saway nito.

Natahimik ako at tumitig na lang sa puting kisame. Nilabas naman niya ang mga dala at nilagay sa table sa gilid. Paminsan na sumusulyap ito sa akin.

"Ilang araw na ako nandito?" tanong ko.

Nagulat siya sa biglaang tanong ko. "Dalawang araw pa lang."

"You skipped your gigs?" sabi ko dahil alam kong kahapon ang schedule ng isang event na dadaluhan nila sa Davao.

"Binantayan kita, Avi."

"I didn't asked you to do it," I replied back.

Natahimik siya at nagpapatuloy na lang sa ginagawa. I heard him sighed.

"If you kept on lending times on me, hindi ka makakapag-aral. Hindi ka makakapag-ipon," sabi ko dahil alam kong lahat ng perang nakukuha niya sa pagbabanda ay iniipon niya.

"I'm fine. Hindi pa naman kinakailangan ngayon. May mga next gig pa naman."

Hindi na ako nagsalita. Tingin ko kung makikipagtalo pa ako, mas lalong magpapalala lang sa kundisyon ko.

"Pumunta ba si Dion?"

Nakaupo na si Waheed sa gilid ko. Nakatingin siya sa akin nang mariin at kalaunan ay tumango. Binigay niya sa akin ang isang mansanas.

"Oo. Umuwi rin naman kaagad dahil hindi pinapasok," nag-aalanganin niyang sagot.

Tumango ako at inubos na lang ang kinakain. Hindi ko alam kung ano pa ang gusto niya at pumunta dito. Tapos na kami sa huling pag-uusap namin. Wala na rin akong update sa nangyayari sa labas dahil nakapatay ang cellphone ko. Wala na akong gana na i-charge iyon.

Kagagaling lang ni Waheed sa school at dumeretso dito. Kaaalis lang ni tita at uuwi dahil kukuha ng mga bagong damit sa bahay.

I was listening the whole time to him while he's telling me about his classmate. Hindi ko akalain na may pagka-judgemental pala ito.

Until Our Last Sunset (Scenery Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon