Kabanata 3

124 23 28
                                    

Offer




Tinuro ko ang kaibigan na nakaupo sa gilid ng silid namin at ang mga mata ay nasa malayo. Nanonood sa mga kabayo na nasa likod lang din ng school namin.

"Huy!" pukaw ko.

Hindi ito nagpatinag at tulala pa rin.

Naupo ako sa bakanteng upuan nito habang umiinom ng tubig galing sa tumbler niya.

"Iyong ready kana sana mag commit at mag take risk tapos malalaman mong limang taon sila ng ex niya," pagsasabi ni Vien.

Natawa ako nang bahagya. Gago, pinagsasabi nito.

Umiling na lang ako. "Nakain mo?"

"Raw egg," sumimangot siya sa akin.

"Baliw!" pagtataboy ko rito.

"May kanta ba kayo d'yan? 'yung pang broken sana. Sawi ako," pagpapatuloy ni Vien.

"Pagbigyan niyo na. Minsan lang 'yan mabaliw," natatawa kong sabi.

Tumayo ako and the moment I stepped out of the classroom, I heard them singing with my friend.

"And you call me up again just to break me like a promise~"

Busy ang lahat para sa Club contest. May mga cheering din na magaganap and the rest is about academic purposes pa rin. I am looking forward for some fun events and games sana na hindi related sa academic but seems like I am looking for too much.

"Need water?" si Dion nang makita ako.

Medyo nakakausap ko na rin ito minsan nang hindi naiilang dahil sa ilang araw na preparation.

At noong araw na paghatid niya sa'kin, tahimik lang buong byahe and he offered to pay me. Para less talk at gumagabi na, I agreed na lang.

Pinunasan ko ang pawis na kanina pa nararamdaman. Bago tinanggap ang bottle ng water. Binigyan naman niya lahat pero bakit iba ang dating sa'kin. Anyways, he's responsible to it. He's the head leader of our Club.

"Dion baby!"

Napalingon kami sa mga dumaan. Mga binabae from Education Dep.

"Pwede raw pa-kiss sabi ni Ponda?" hagikhik ng isang bading.

Natawa ako bahagya, muntik pa masamid. Salubong ang kilay ni Dion nang sumulyap sa'kin.  Tumikhim ako at pinigilan ang tawa.

"Alagaan ka na lang daw niya. Uwi ka na raw hindi na siya galit," isa pang bayot sa malanding boses.

Kinagat ko ang pang ibabang labi dahil nararamdam kong ilang segundo lang, matatawa na ako.

Sinulyapan ko siya na nasa harapan ko. Kunot ang noo at may bahid ng inis sa mukha. Lumingon siya sa mga bading sa gilid at napalunok bago lumingon sa'kin ulit.

"Thank you," finally, hinarap niya na ang mga ito. "I hope you'll understand that we are in hurry right now and we need to finish this as soon as possible today. I'm sorry for interrupting, but can you guys give us some space? Thank you again."

I thought he will going to shoo them unprofessionally. Medyo umiba pa naman ang hangin nang makita ang reaksyon niya kanina. Ayaw niya sa mga bakla? O inis lang dahil sa pagtawa ko? Whatever it is, I find him cute. Still a man.

"Avi pasabuy ako," a familiar voice made me stop.

Lumingon ako. Nakita ko si Dave sa malinis na uniporme. Hindi man ito nanggaling sa marangyang pamilya, ngunit kakikitaan nang kaayusan sa pananamit. He's neat and always has that good vibes that everyone would like, for sure. Hindi na ako magtataka kung bakit marami sa mga lower grades ang kaibigan niya. Even from other department!

Until Our Last Sunset (Scenery Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon