Kabanata 27

73 8 0
                                    

Befall


Nakatingala ako sa ulan na dumadaan sa butas ng yerong atip. Malakas ang ulan. Natanaw ko sa malayo si Conrado at nakaupo sa gilid ng puno. May tinitignan siya sa malayo. Tumayo siya saglit. Basa ang buong katawan dahil sa ulan. Umatras siya at patakbong pumasok sa bahay.

Nangunot ang noo ko at sinalubong siya. Nagkalat ang basa sa kung saan siya nakatayo. Ano bang meron at parang hindi ito mapakali.

"I think you need to know this," lumingon siya sa pinanggalingan niya bago tumingin ulit sa akin. "Kaninang umaga pa may umaaligid sa labas."

Kinakabahan akong napakapit sa kamay. Kaninang umaga pa umuulan. The storms are raging, pooring water around the area. Lumabas ang ginang at ang batang lalaki mula sa loob.

"Anong meron, Conrado?" tanong nito sa kan'ya saka sinipat ang basa nitong katawan.

"May mga lalaking nakaaligid sa labas, mama. Pakiayos na lang po ng mga gamit na kakailangan niya, dadalhin ko na lang siya kay amor."

Nataranta ang ginang at saka hindi alam ang gagawin. Naiwan akong nakatingin sa kay Conrado bago sa malakas na ulan sa bintana.

"Where's the tracking device?" tanong nito na ikinalingon niya.

"Bakit?"

"Kaya ka natunton dito ay siguro dahil doon. Give me that, I'll smash it." Nakalahad ang kamay nito.

Umiling ako. I was so sure that Dion put this inside my tube. I thought he was just playing with me and trying to flirt. He did put this trucking device on my bare boobs!

"Hindi tayo nakakasiguro na sa kakilala mo iyan galing," dagdag niya.

"It was my boyfriend... who put this in my dress," ako.

Tinitigan niya ako. Mas lalong lumakas ang bagsak ng ulan sa yerong atip. Tumango siya saka binaling ang tingin sa kan'yang mama.

"Maghanda ka. Dadalhin kita kay Azel," ani Canrado at kinuha ang malaking plastic bag sa kan'yang mama.

Tumingin sa akin ang ginang at naluluhang ngumiti.

"Pasenya na, nak Avi. Hindi na namin masigurado ang seguridad mo rito. Ililipat ka n'ya sa bahay ni Azel. Sa kasintahan niya. Maayos at mataas ang bahay nila kaya paniguradong hindi basta mapasukan ng ibang tao," pagpapaliwanag nila.

I was so desperate that time. Parang ayoko pang umalis sa lugar pero kinakailangan. At ayoko naman na rin na mapahawak sila dahil sa akin at paniguradong iyon din ang gusto ni Conrado. Ayaw niyang mapahawak silang mag-ina.

Tahimik naming tinatahak ang madulas na bundok. Sa likod kami dumaan dahil may mga hindi kilalang lalaki sa harapan. I was wearing a long blanket just to cover my whole body. Hawak ni Conrado ang gamit ko na nakabalot sa plastic.

I looked down on my bare foots. It was full of mud. I smiled bitterly. Parang ramdam ko sa araw na ito na ayaw sa akin ng mundo. As I step forward, nothing but the viscous mud wrapped around my feet.

Lumingon ako sa pinanggalingan at malayo na iyon sa kung nasaan ako nakatayo. The wind blew and I felt a quivered of cold. 

"Tara na. Mukhang magbabaha pa. Mahihirapan ako bumalik mamaya," si Conrado sa likod ko.

I nodded and started walking again. We reached the edge of the countryside. We stopped in front of a concrete house as the thunderstorm heard. Nilalamig na ako pero paniguradong mas nilalamig si Conrado dahil wala itong pantakip sa katawan. Isa pa ay kanina pa ito basa sa ulan.

He knocked on the door three times before it opened. Lumingon ako sa walang katao-taong daanan sa likod namin. Kung titignan, mas maraming bahay dito sa lugar kaysa doon sa lugar nila Conrado.

Until Our Last Sunset (Scenery Series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon