CHAPTER 1

170 9 4
                                    

GELA LAYSHA POV:


"Hi Mom!" Tawag ko kay mommy habang bumaba ng hagdanan.

"Oh! Honey! Good morning, Halika na at kumain na" Pag bati sakin ni mommy at pag aayang kumain

Nilapitan ko sya at kasabay nun ang paghalik sa kanyang pisnge. at ganun din naman ang ginagawa ni mommy sa akin. Umupo na ako at kumuha na ng kakainin ko.

Nagpalinga - linga ako, dahil hinanap ko si daddy maging ang dalawa kong kuya na sina Kuya Gristobal at Kuya Ghrissar. Nasan kaya ang tatlong iyon?

"Mom, where are daddy and my two brothers?" Pagtatanong ko kay Mommy

Tinapunan naman ako ng tingin ni Mommy at ngumiti.

"They left early honey, because their meeting was said to be early" Sagot sa akin ni mommy

Napatango nalang ako kay mommy, at nagsimula ng kumain. Minsan ko lang talaga makasabay sila daddy at ang dalawa kong kuya na kumain.

Dahil palagi silang busy, Nakakatampo na nga dahil ganon sila jusko! Kaya ang ending si mommy palagi ang kasama ko dito sa bahay. O hindi naman kaya minsan ang mga kaibigan ko.

Binibisita nila ako minsan dito sa bahay. Minsan naman Gumagala gala kami. Syempre kapag pinayagan. Kahit wala sila kuya, bantay sarado pa rin ako. Dahil sa mga bodyguard na iniiwanan nila.

Pero Okay lang dahil may taga bitbit ng mga pinaminili ko. Lalo na kapag kasama ko ang mga kaibigan kong pasaway. Almost Two years na kaming magkakaibigan.

And masaya ako kase palagi silang nandyan sa tabi ko. Kahit magkaroon man ako ng problem. Maging sila. Tulungan lang kami ganon. Ang pangit kase sa magkakaibigan ang nagpapainggitan.

Mas maganda ang Magkakaibigan kayo na nagtutulungan. Kung May problem ang isa ay dapat lang na tulungan. Dahil Hindi naman basta - basta magkaibigan lang ang turingan naming apat.

Magkakapatid, Yes, We are sisters. At wala akong kapatid na babae but I'm lucky because, I have a 3 Sisters/Friends. Sa kanila lang Okay na ako.

Natapos na akong Kumain kaya nagpaalam na ako kay mommy na papasok na. For sure hinihintay na din nila ako sa school. Anong oras na din naman kase.

Nakasakay na ako sa kotse ko and Of course ako ang nagd-drive may mga nakasunod lang sakin. Yun yung mga bodyguard ko na Hindi ako pinapayagang Umalis ng mag isa.

kaya sige. Sumunod lang sila. Jusko!

Nandito na ako sa School namin. At natatanaw ko na ang mga kaibigan ko. Kumakaway si Blantch sa akin maging si Kate. Kumaway din ako pabalik sa kanila. and Now binigay ko ang key ko sa isang bodyguard.

sya na ang bahalang mag park ng kotse ko. at ang dalawa naman ay nakasunod sa akin. Sila Blantch, Kate and Diane may mga bodyguard din.

Nakikita kong nasa gilid lang nila. Palapit na ako sa kanila ngayon. hindi matanggal ang ngiti sa labi nilang tatlo. jusko ang saya sa feeling na excited silang nakikita ako.

"Hi Mga Mahar ko!" bati ko sa kanilang tatlo ng makalapit ako sa kanila

"Grabe ha!? Ang Bilis mong nakarating!" Sarcastic na sabi sa akin Ni Blantch.

Sa tatlo talaga ito ang nagmana sa akin. na mainipin. Jusko! kung hindi ko lang kaibigan ito nasampal ko na bigla! Chararet lang! Mahal ko mga kaibigan ko.

"Sa sobrang Bilis nga nababad na tayo sa init dito!" Singit pa ni diane.

Isa rin ito eh!

"Edi sana hindi nyo na ako hinintay!" Nakataas na kilay na sabi ko sa kanila

My Beautiful Fiance Where stories live. Discover now