GELA LAYSHA POV:
"Baby.... Wake up" Rinig kong pang gigising sa akin ni Aries
"Hmmm?"
"Get up and eat" Malambing na utos nya sa akin
Hindi ko pa din minumulat ang aking mga mata. Dahil parang gusto ko pang matulog.
"Pwede bang mamaya nalang?" Tanong ko sa kanya habang nakapikit pa
"No, Baby. Get up"
"Aries naman! Pinagod - pagod mo ako tapos ayaw mo pa akong patulugin ng maayos!" Sigaw ko sa kanya dahil naiinis ako.
Hindi ko narinig ang kanyang sagot. Ang narinig ko lang ay Pag bukas at sara ng Pintuan. Kaya napadilat ako ng mata. Wala na nga sya sa kwarto marahil lumabas sya. Pero nakaramdam ako ng kirot sa aking puso.
"Nag tatampo kaya sya?" Tanong ko sa sarili ko
Agad akong bumangon at nag bihis ng damit. At lumabas. Agad kong hinanap si Aries, Pero hindi ko sya makita. Tinignan ko na din ang ibang kwarto dito sa loob ng condo nya. Pero wala sya.
'Saan kaya pumunta ang Mokong na yun?'
Nang mabigo akong mahanap sya pumunta ako sa Kusina. Nakita ko doon ang pagkain na hinanda nya. Napag pasyahan kong kumain nalang. Wala din naman si Aries. Hindi ko alam kung saan nag punta.
NATAPOS akong kumain at ngayon naghuhugas ako ng pinggan. Narinig kong bumukas ang pintuan ng condo ni Aries kaya Dali - dali akong pinuntahan iyon.
Hindi ako nagkamali at si Aries nga ang niluwa ng pintuan. Nginitian ko sya pero hindi nya ako pinansin. Dinaanan nya lang ako. Tinignan ko lang sya. At akma na akong lalapit sa kanya kaso dumeretso sya sa kwarto nya.
Sinundan ko sya hanggang sa loob ng kwarto nya. Nakatalikod sya sa akin ngayon. Nagbibihis sya. Hinintay ko syang magbihis. Tahimik lang sya habang nagbibihis.
Nang matapos syang magbihis. Yayakapin ko sana sya mula sa likod pero umikot sya papunta sa kama at humiga na, Nakapikit na din sya. Anong oras palang naman.
'Hindi nya ako kinakausap'
Lumapit ako sa kama nya at umupo sa tabi nya. Tinignan ko pa ang kanyang buong mukha. Ang gwapo nya kapag nasa malapitan.
'Mukhang tulog na si Aries.'
Pinakatitigan ko ang mukha niya. Mula sa kanyang pilik mata, ilong hanggang sa labi niya. Nabasa ko ang sariling labi ko saka iyon kinagat.
Inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya muli at hindi ko napigilan ang sarili ko at hinalikan ko ang labi ni Aries kahit alam kong tulog na ito.
Nanatiling nakadampi ang labi ko sa labi niya. Ipinikit ko ang mga mata ko at iginalaw ko ang labi ko kahit pa alam kong maaari itong magising dahil doon.
Patuloy ako sa paghalik sa kanya hanggang sa may biglang dumamping palad sa uluhan ko at bigla niyang idiniin ang mukha ko sa mukha na siyang naging dahilan para dumiin ang paghahalikan namin.
Naimulat ko ang mga mata ko at biglang nagtama ang mga mata namin ni Aries. Patuloy ang pag-galaw ng mga labi namin habang nagtititigan kaming dalawa.
Naramdaman ko ang isang kamay niya na napunta sa loob ng paldang suot ko.
"H-hmmm." Napaungol ako sa pagitan ng paghahalikan naming dalawa nang haplusin ni Aries ang mga hita ko. Pakiramdam ko ay may dumaloy na kuryente sa katawan ko dahil sa simpleng galaw na iyon.
YOU ARE READING
My Beautiful Fiance
Любовные романыPaano kapag nalaman mong High school ka pa lang may fiance ka na? What will Gela do when she finds out that? Magagalit ba ito sa mga magulang nya? O iisipin nyang benebenta sya ng kanyang mga magulang?