CHAPTER 19

20 1 0
                                    

GELA LAYSHA POV:




"Stay away from kyle!" Si Aries yan

Kadarating palang galing sa loob ng Seven Eleven, Nanenermon na kaagad.

"Who kyle?" Tanong ko naman

"The man you say is jacklin" Sagot nya

"K-kilala mo sya?" I ask

"Quite a bit" Sabi nya

'Hindi rin bwesit'

"Aries naman!" Dahil nanggigil na ako

"Yes, I know him. He is Jacklin kyle Hermosa and My old friend" Sagot nya

"Wait, Sya ba yung nasa picture frame? Doon sa may hide out nyo?" Tanong ko ng hindi makapaniwala

"He is" Tipid nyang sagot

"B-bakit hindi mo sabihin kala lance, Para makapag bonding kayong apat" Sabi ko pa

"Baby! No need, he's been dead for a long time for us" May halong inis na sambit nya

Ang sama naman ng mga ito. Mukha namang mabait si Jacklin. Imbis na sumagot nanahimik nalang ako. Mukha yatang may mga pinagdaanan sila. Hindi na ako makikialam.

"Listen to what I have to say, Stay away from that man baby, Please." Pakiusap na parang bata ni Aries.

Jusmiyo. Kanina lang nagagalit sya. Ngayon naman parang inagawan ng lollipop.

"Okay, Lalayuan ko" I said to him para kumalma naman kahit papaano.

Kapag ka sabi ko nun ngumiti sya at saka lalong lumapit sa akin para ako ay halikan. Ngumiti naman ako ng matapos nya akong halikan.

Hindi ko nalang iisipin kung ano ang dati nilang pagsasama ni Jacklin at kung bakit sila nagkahiwalay.  Mukhang hindi pa naman ready mag open si Aries. Halata naman sa kanya. But for now Kung maaari. Lalayuan ko si Jacklin.


Pinaandar na nya ang sasakyan. At ako naman ay kumakain. Papunta na kami sa school. Inabot na kami ng anong oras dahil sa sermon nya. Akala nya sinadya ko kaninang makipag kita kay Jacklin. Mabuti nalang at nakinig sya sa akin. Dahil pinabasa ko sa kanya ang conversation namin ni Jacklin sa messenger.


Gusto nya pang Iblock ko pero hindi ko sya pinansin. Jusmiyo. Sobra na pagseselos nya. Nanahimik yung tao. Pero dahil alam ko ng kaibigan ni Aries si Jacklin dati. At mukhang may pinagdaanan sila na hindi ko pa alam. Sa susunod nalang siguro ako magtatanong.


Nakarating kami sa school nang maayos. Maayos talaga dahil hindi na nya ako inimikan. I don't know why. Kanina lang nanenermon sya ngayon ang tahimik na.

Pumasok na kami sa loob ng school. Ganon pa din walang imikan habang nakahawak sya sa bewang ko. Ano pa nga bang magagawa ko? Kung tahimik sya? Nakita na namin sila Blantch. Agad naman kaming lumapit sa kanila. Sinalubong naman nila kami.

Binati nila Rey, Lance at Jhester si Aries. Pero tumango lang si Aries sa kanila. Hindi man lang ngumiti. Hay ewan. Binati din naman nila ako maging sila Blantch. Binati ko na din naman sila. At sabay - sabay na kaming pumasok sa loob ng classroom.


Pagkapasok namin nakita ko si Lance na lumapit kay Aries. Hindi ko alam kung anong Sinabi o tinanong ni lance at rey kay Aries. Hindi pa naman kasi nakakaupo si Aries sa tabi ko. Nandon pa sya sa pintuan.

Pinauna nya lang ako na umupo. At doon nakita kong papunta sa gawi ko si Aries. Tinignan ko lang ito habang papunta sa gawi ko.

"Gela, I'm going home first, I just need to take care of something and find out" Pagpapaalam nya sa akin.

My Beautiful Fiance Where stories live. Discover now