GELA LAYSHA POV:
"Punta tayo sa bar ngayon" Sabi ni Blantch
"Nandito na tayo sa bahay nila gela ah" Sabi naman ni Kate
"Hindi naman tayo pwede mag inom" Blantch said
Nag iinom kasi sila Aries. Kasama sila kuya Ghrissar at Gristobal. Dumating sila kanina nung pagbaba namin sa rooftop ni Aries. Okay na din naman kami nila kuya. Humingi sila ng tawad sa akin. Kahit nagtatampo lang naman ako.
At ngayon nag B-bonding silang anim. Tamang inom lang sila tapos kaming mga babae Bawal. Biruin nyo yun Juice lang binigay sa amin. Basta talaga kasama sila kuya hindi pwede. Si Aries naman pwedeng uminom wag lang beer.
Kaya doon na ako kay Aries. Napapayag ko pa pero itong mga kuya ko jusmiyo. Mas Strikto pa kala mommy and daddy.
"Walang iinom sa inyo girls" Imik ni kuya Gristobal
"Sabi nga namin Kuya" Sabi pa ni kate
Tumango tango naman silang anim. Masaya silang nag K-kwentuhan. Nasa ibang table kasi sila. Hindi daw pwede kami doon kasi daw baka maayos daw namin ang amoy ng alak. Diba? Ang arte. Ang sarap talaga sakalin nila kuya pa minsan eh.
"Mih?" Tawag sa akin ni diane
"Bakit?" Tanong ko
"Baka pwede mong kausapin si Papa Aries jay" Sabi ni diane
"Kausapin for what?" Tanong ko
"Syempre para makainom tayo" Sabat pa ni Blantch pero bulong lang
"Lambingin mo si Papa Aries, Yung sa amin hindi kami papayagan nun kapag hindi nagsabi si papa Aries" Kate said
"Kaya nga pati sila kuya Gristobal at Ghrissar." Diane
Napa Buntong hininga nalang ako.
"I'll try" Sabi ko sabay tumayo at lumapit sa gawi ni Aries
Nakita naman ako ni Aries na papalapit sa kanya. Kaya inamba na nya ang kanyang kamay para hawakan ako sa bewang. Nakahawak na sya sa bewang ko at kaya hinalikan nya ako sa labi.
"Do you need anything baby?" tanong sa akin ni Aries
"Sweetie, I said wag ka dito at maamoy mo ang alak" Si kuya Gristobal
"Hay naku, Kuya. Ang OA ha? May sasabihin lang ako kay Aries" Sabi ko pa kay kuya Gristobal
"Hayaan mo na, Gristobal. Baka may sasabihin lang sa Fiance nya" Mabuti naman at pumayag itong si Kuya Ghrissar
Kaya bumaling ako sa mga kaibigan ko at sige ang senyas nila na kausapin ko si Aries. Kaya bumaling na din ako kay Aries na ngayon ay nakatingin lang sa akin.
Lumapit ako sa may tenga nya at bumulong.
"I want to drink" Bulong ko sa kanya
Nakunot pa ang Noo nya sa binulong ko.
"No, Baby" Sagot nya
"Aries naman, Konti lang naman eh" Pag pipilit ko pa sa kanya
Narinig ko pa ang pag Buntong hininga nya.
"Please...." Pakiusap ko pa
"Fine, But lady's drink lang okay?" Sabi nya
Tumango tango naman ako sa kanya na parang bata.
"Here" inabot nya sa akin ang isang bote ng wine. Kinuha ko naman iyon kaagad. At tumakbo sa table namin nila kate
"Gela!" Sigaw pa ni Kuya Ghrissar
YOU ARE READING
My Beautiful Fiance
RomancePaano kapag nalaman mong High school ka pa lang may fiance ka na? What will Gela do when she finds out that? Magagalit ba ito sa mga magulang nya? O iisipin nyang benebenta sya ng kanyang mga magulang?