GELA LAYSHA POV:
As Usual Uwian nanaman. Anong oras na din pala. Balak namin pumunta sa bar pero mukhang ayaw naman nila. Nakakatamad din naman. Gusto ko munang umuwi.
"Mih, Pwedeng doon tayo muna sa bahay ngayon?" Biglang imik ni diane
"Bakit?" Panabay na tanong ni Kate at Blantch
Kahit sila Aries naka tingin lang kay diane ngayon. Even I.
"Samahan nyo lang muna ako, Nag Out of town sila mommy eh" Sabi pa ni diane
Tumingin naman sa akin ang lahat.
"Ano yan?" Tanong ko sa kanila
"Kung papayag lang mag - stay tayo kala diane" Sabi ni Kate
"Ako talaga?" Tanong ko sa kanya
Tumango - tango lang siya na parang bata.
"Okay, Fine. Wala naman tayong pasok bukas" Sabi ko
Nalang.Wala naman talaga kaming pasok bukas dahil busy ang mga teacher. Maganda din naman ang na lesson ko kanina. For sure hindi na mahihirapan si Ma'am weng na mag explain sa kanila sa susunod na araw.
Nakita kong lumawak ang ngiti nilang tatlo. Ano namang gagawin namin sa bahay nila diane? Iinom nanaman? Jusmiyo. Ayoko na baka makaisa ulit si Aries.
"Kayo sasama kayo?" Tanong ni diane kala Lance
"Kung nasan ang mga girlfriend namin, Nandoon din kami" Sagot ni rey sabay akbay kay Blantch
Si Aries naman tahimik lang habang nakahawak sa bewang ko. Favorite spot nya yan eh.
Nag simula na kaming maglakad papunta sa parking area. Kay Aries nanaman ako sasakay dahil wala ang kotse ko. Hindi na nya pinapagamit sa akin. Kesyo nandyan naman daw sya. Hindi na daw kailangan nun.
Nakarating kami sa bahay ni diane kaagad. Malapit lang kasi ang bahay nila sa school. Kung tutuusin pwedeng lakarin. Pero tamad maglakad si diane. Kahit ako din naman.
Pumasok na kami at nakita pa namin yung mayordoma nila diane. Binati lang kami nito. Bumati din naman kami. Papunta kami ngayon sa kwarto ni Diane.
Doon daw kami mag stay. Pag kapasok namin sa kwarto ni diane. As usual palaging malinis. Kesa kay kate. Jusmiyo kapag pumasok ka sa kwarto nun. Yung nga underwear nag kalat. Hindi mo nga alam kung babae pa ang natutulog doon.
"Maupo na muna kayo dyan" Sabi ni diane
Umupo naman kami. Si Blantch at Kate humiga sa kama. Parang pagod na pagod sila.
Nakita naming pumasok si diane sa cr. Magbibihis na siguro sya. Samantalang kaming tatlo nila Blantch naka uniform padin. Pwera kala Aries. Nag bihis sila kanina habang nasa kotse. Kita ko pa yung ano nya----basta yung ano.
"Hindi tayo pwedeng mag inom dito" Sabi ni Rey
"Bakit?" Tanong ni Kate
"Baka umamoy ang alak sa buong kwarto" Sagot naman ni Rey
Tumango tango nalang kami.
"We are there in our hide out" Sambit ni Aries sabay tingin sa dalawa nyang kaibigan
"Hide out?" Tanong ko
"Yes, Baby. We'll be there when Diane gets dressed" Sabi sa akin ni Aries
"May Hide out pala kayo?" Tanong naman ni Blantch
Tumango naman si Lance sa kanyang tanong.
"So, May dinadala kayong babae doon?" Wala sa wisyo kong Tanong
YOU ARE READING
My Beautiful Fiance
RomancePaano kapag nalaman mong High school ka pa lang may fiance ka na? What will Gela do when she finds out that? Magagalit ba ito sa mga magulang nya? O iisipin nyang benebenta sya ng kanyang mga magulang?