GELA LAYSHA POV:
NANDITO ako sa kotse ni Aries. Pauwi na kami sa bahay. Doon muna kami dahil gaya ng sabi ni mommy kagabi.
"Baby...." Tawag sa akin ni Aries
Nilingon ko ito. Nakatingin pa din sya sa Daanan.
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya
"Baby..."
"Aries...."
"Baby..." Ani ni Aries ulit. Nakagat ko muli ang labi ko at kumuha ng lakas ng loob.
"Baby." Ani ko kaya naman nakita ko kung paano kagatin ni Aries ang labi niya at ihinto ang kotse niya sa tabi. Tumingin ito sa akin at binuhat ako saka ikinandong sa kanya. Nagulat ako dahil walang kahirap hirap para sa kanya na gawin iyon.
"I miss you." Aniya na siyang ikinakunot ng noo ko. Na-miss niya ako? Samantalang araw araw naman kaming magkasama.
"Ha? Pero lagi naman tayong magkasama---" Pinutol niya ang sasabihin ko.
"I miss your body, Baby." Sambit ni Aries. Doon ay nakuha ko ang ibig niyang sabihin. Napalunok ako at napalingon sa may bintana ng kotse na nakasara. Lalo pa yata akong kinabahan...hindi naman ito ang una pero lagi ko 'tong nararamdaman...
Lumingon ako kay Aries pero saktong paglingon ko ay pinaulanan na niya ako ng halik sa aking labi. Agad akong napahawak sa magkabilang balikat niya at tinugon ang mga halik niya.
"Uhmm." Sabay na ungol namin habang patuloy sa paghahalikan naming dalawa. Ang init kaninang nararamdaman ko ay naging apoy na ngayon.
Pero biglang tumigil si Aries at pinagmasdan ang mukha ko. Napalunok akong muli saka nilabanan ang mga titig niya.
Si Aries.....
"You drive me crazy baby....." Inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko. "Baby, I don't want to...." Tila tumigil ang mundo ko sa sinabi niya.
Anong i-ibig niyang sabihin?
"Aries? What do you mean?" Pakiramdam ko ay nabibiyak ang puso ko. Nalulusaw ang puso ko. May kirot na sobra ang sakit na idinudulot. Nangingilid ang luha sa mga mata ko.
"I don't know baby, But I don't want to" Nagsimulang manginig ang buong katawan ko. Ang kaninang apoy na nararamdaman ko ay biglang naging yelo dahil sa panginginig na ito. "I love you so much"
"But, What do you mean?" I ask again
"I really don't want to lose you. I love you baby..." Malambing na turan nya
Nawala naman ang kabang nararamdaman ko dahil sa sinabi nya. Alam kong mabilis ang pangyayare pero minahal ko na din sya.
"You're mine,right?" Biglang ani ni Aries at naramdaman ko ang paglingon niya saakin. Kaya naman napalingon din ako sa kanya.
Tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Please...just say it that you are mine." Aniyang muli at hinawakan ang pisngi ko.
Alam kong gusto niyang naririnig mula sa akin ang salita o sagot na gusto niyang sagutin ko. Ayaw niya nang tango o ngiti lang. Gusto niya na salita ang lalabas mula sa akin.
"Sayo lang ako, Aries. Sayong sayo at hindi iyon magbabago." Muli ko na namang nasilayan ang ngiting napaka-tamis sa kanyang labi.
"I really love it when you saying those words. It's really make my heart beats fast." Nakagat ko ang sariling labi para pigilan ang pagkawala ng ngiti sa aking labi.
YOU ARE READING
My Beautiful Fiance
عاطفيةPaano kapag nalaman mong High school ka pa lang may fiance ka na? What will Gela do when she finds out that? Magagalit ba ito sa mga magulang nya? O iisipin nyang benebenta sya ng kanyang mga magulang?