Isha's POV
"Oh, nandito na tayo. Hime ha? Yung bilin ko. Wag masyadong magpagod, kakalabas mo lang ng ospital."
Ayan. Pang ilang ulit na nya yang sinasabi. Rinding rindi na nga ako eh -.-
"Opo na po Kuya. Ang kulit mo, paulit ulit ka."
Sagot ko naman. Actually, kanina pa rin ako paulit ulit sa sagot kong yan. Kaya nga rinding rindi na ako eh -.-
"Eh kasi naman napaka---"
"Kuya, kami ng bahala sa kanya, uulitin mo nanaman yung sinasabi mo kanina eh."
Pffft. Sabi na eh. Rinding rindi na rin si Kazuki kay Kuya haha.
"Oo na. Basta dito lang ako ha? Mahirap na, bago lang tong kotse ko."
"Oo na Kuya. Sige dun lang kami."
Sabi ko at bumaba na. Pati si Kazuki at Kazue, bumaba na rin at sumunod sakin.
Para naman akong batang nagtatakbo papunta sa swing.
"Isha! Wag kang tumakbo!"
Sigaw ni Kazue. Nilingon ko naman sya at nagbelat, pagharap ko sa harap ko eh bigla na lang akong napaupo.
Bumangga ako sa kung sino.
"Aray!" Sabi ko sabay hawak sa pwet ko. Nyetek. Ang sakit non ah.
"Isha!" Sigaw nung dalawang kakambal ko.
Nakangiwi lang ako doon at nakahawak sa pwet ko. Lintek, ang sakit talaga.
"Miss, okay ka lang ba?"
Tanong nung nabangga ko.
Aba. Hindi na nga maipinta tong muka ko itatanong nya pa kung okay lang ako?! Yung totoo??!
"Bulag ka ba?! Kita mong ngiwing ngiwi na ako rito tas itatanong mo kung okay lang ako?! Eh kung ikaw kaya dito ng maramdaman mo kung gano kasakit sa pwet?!"
Sigaw ko sa kanya sabay angat ng ulo ko. Lalaki.
Inalalayan naman nya akong tumayo.
"Sorry. Hindi kasi kita napansin."
Tinabig ko sya. Pagkatabig ko sa kanya, napansin kong may black syang wrist band sa kanang kamay nya. Wrist band pero ganun kalaki? Hindi kasi yung normal size ng wrist band ang meron sya eh. Ay ewan. Tsk. -.-
"Wow naman ha? Sa laki kong to, di mo pa ko napansin."
"Isha." Hinawakan naman ako sa braso ni Kazuki.
"Maupo ka muna dun." Sabi naman ni Kazue at inalalayan nila akong maglakad at maupo sa isa sa bench dito sa playground.
"Ang sakit talaga. Kainis."
"Hime!" Si Kuya, nagtatatakbo syang lumapit samin.
"Anong nangyari??!'
Oh ha? Kuya ko yan. Wag kayo.
Napangiwi na lang ako at napahawak sa may pwet ko. Takteng yan. Ang sakit talaga eh. Lakas nung impact ng pagkakaupo ko.
Napatingin naman si Kuya dun sa lalaki at napansin kong natigilan sya.
Eh? Anyare? Nababakla na ba Kuya ko? -.-
"Kuya." Tawag ko sa kanya.
Si Kazuki at Kazue naman, tahimik lang silang nakatingin dun kay Kuya at dun sa lalaki.
"Ipasok nyo na si Kerina sa kotse. John, Mark."
Nagulat naman ako dun. Bibihira nya lang kaming tawagin sa mga first name namin.
Tumango naman yung dalawa at inalalayan na nila akong tumayo, naglakad na kami pabalik sa kotse pero ako, nakatingin lang ako kay Kuya tas dun sa lalaki, nakatingin din pala sakin yung lalaki.
Hindi ko alam pero, nakaramdam ako ng sakit sa paraan ng pagkakatingin nya sakin.
Blanko at napakalamig.
Bakit ganun? Ngayon lang naman kami nagkita pero pakiramdam ko, ang tagal tagal na naming magkakilala.
Ang weird. -.-
BINABASA MO ANG
Memories of You
Teen FictionA story of a girl who eventually fall in love with someone. They share love, they share memories, they treasure it so much... But what if one day, something takes her memories of him away from her? Can love make a way for them to be together again?