Chapter 16: Unspoken words

13 0 0
                                    

Kazuki's POV

Napatigil ako sa pagdridribble ng bola ng bigla akong nakaramdam ng kabog ng dibdib.

Napakunot ako ng noo at pinakiramdaman, nanlaki ang mata ko at napatingin kay Kazue na nakatingin na rin pala sakin.

"Isha!" Sabay pa naming tawag sa kakambal namin kasabay ng pagtakbo namin pauwi sa bahay.

Nang makarating kami sa bahay, walang tao, bukas pa ang gate namin.

"Tawagan mo si Kuya! Bilisan mo! Kukunin ko lang yung motor."

Sabi ko sa kanya at dali dali ng pumasok sa loob para kunin ang susi at ang motor ko, pagkakuha ko, dire diretso na akong lumabas ng bahay at sumakay sa motor. Sinara naman muna ni Kazue ang gate bago sya umangkas.

"Sa St. Mary's ulit Kazuki."

Di na ako sumagot. Mabilis ko na lang pinaharurot yung motor ko, nagbabakasaling matangay ng hangin yung mga emosyong nararamdaman ko ngayon.

Isha.

St. Mary's Hospital

Kazue's POV

Pagkarating na pagkarating namin sa ospital, at pagkapark na pagkapark nung motor, dali dali na akong bumaba pati na rin si Kazuki. At patakbo kaming pumasok sa ospital.

"Where's the room of Isha Kinimoto?"

Sabi ko dun sa nurse na nasa information desk. Napakunot pa ko ng noo ng makita ko syang napatulala sakin. Tsk.

"Miss." I snap a finger infront of her face.

"Again. Where. Is. The. Room. Of. Isha. Kinimoto?"

Mababa pero may diin na pagkakasabi ko.
Nawawalan na ako ng pasensya sa babaeng to.

"R-room 0818."

Pagkarinig na pagkarinig ko sa room number, napatakbo na ako papasok para pumunta don. Same room. Kasunod ko lang si Kazuki sa likuran ko. At tulad ko, di na rin sya mapalagay.

Kaito's POV

*Buntong hininga*

Sa totoo lang, nakakailang buntong hininga na ako mula kanina habang tahimik na nakamasid kay Isha na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Si Papa naman, kausap nya ung doktor ni Isha. Parang nung nakaraang araw lang, nandito rin kami. At nandito nanaman kami.

Napalingon ako sa may pinto ng bigla yun bumukas ng walang kumakatok.

"Isha."

Sabay na sabi ni Kazuki at Kazue habang lumalapit sila kay Isha. Tumayo muna ako. Tamang tama lang ang dating nila.

"Kazuki, Kazue. Pupuntahan ko lang si Papa. Kayo munang bahala sa kanya."

Tango lang ang sinagot sakin nung dalawa. Napabuntong hininga ako.

Hime.

Someone's POV

"Kuya, hindi ka ba kakain? Kanina pa kita tinatawag pero di ka naman sumasagot. Kanina pa ko katok ng katok dito, kaya wag kang magagalit kung pumasok na ako. Nakakapagod kayang kumatok!"

Ngumuso pa sya. Hay. Kahit kelan talaga tong kapatid ko eh. Daming reklamo sa buhay.

Napatingin ako sa kanya at nagkibit balikat na lang. Wala ako sa mood na makipagkulitan sa kanya eh.

Napatingin ako sa frame na hawak ko.

At napangiti ng mapait.

"Nakita na kita. Nakausap. Pero parang kinalimutan mo na ako."

Sabi ko habang nakatitig sa batang babae na nakangiti at nakapeace sign habang nakaakbay ang isang kamay sa batang lalaki na katabi nya. Madami sila sa picture kung tutuusin, pero nakapako ang tingin ko sa batang babae. Naramdaman kong may umupo sa tabi ko at yumakap sa bewang ko.

"Kuya, alam mo bang ang pangit mo kapag umiiyak ka? Mukha kang unggoy, kaya pwede ba. Tumahan ka na. Ayokong sabihin ng ibang tao na may Kuya akong tsonggo. Hindi ko yun matatanggap. Sa ganda kong to? Never!"

Binaba ko muna yung picture frame at ginulo ang buhok ng kapatid ko.

"Ikaw talaga. Wala kang kupas."

"Ganun talaga. Wala ka ring kupas eh. Kumusta? Nahanap mo na ba sya?"

Napabuntong hininga ako at tumango.

Nanlaki naman ang mata nya at pumalakpak

"Talaga??! Buti naman! Nako Kuya, balak ko na ngang mag hire ng private investigator o detective para hanapin sya eh. Kelan? Saan?? at Pano mo sya nahanap???"

Sunod sunod na tanong nya habang hinahatak ang manggas ng damit ko.

"Magkwento ka nga Kuya! Dali na. Miss na miss ko na si Ate. Alam mo ba yun!"

Napatitig ako sa kanya ng matagal at nakagat ang labi ko. Kitang kita ko kung gano sya kaexcited na makita ulit si Keisha. Pero alam ko, alam na alam kong sa oras na malaman nya na hindi ako kilala ni Keisha. Masasaktan sya. Masasaktan sya para sakin. Kilala ko yang kapatid ko eh. Ganun sya. Mapasamin mang pamilya nya o kahit sa mga malalapit nyang kaibigan. Kaugali nya si Keisha. Kaya nga magkasundong magkasundo sila eh.

"Kuya! Magsalita ka naman. Ano? Payag ka ba sa plano ko? Dadalawin natin si Ate. Pwede naman siguro yun, miss na rin tayo non malamang. Lalo na ikaw. Yiee."

Napailing na lang ako.

"Hindi pwede. Wag ka na makulit. Lumabas ka na muna. Mag liligpit pa ko."

"Pe---"

Wala na syang magawa nung itayo ko syang sapilitan at sapilitang pinalabas ng kwarto ko sabay lock ng pinto. Masakit. Sobra.

Keisha.

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon