Isha's POV
Aakalain mo bang 2nd week na ng July? Grabe. Sobrang busy ko ba sa school, sa pagrereview, sa pag-aaral? Kaya ngayon ko lang napansin na July 10 na ngayon.
Sabado ngayon at nandito lang ako sa bahay. Tapos na ko gumawa ng assignments, mag review at kung ano pa nang mapatingin ako sa mini calendar ko rito sa study table ko.
Napapitlag ako ng marinig kong may kumakatok sa may pinto.
Napakunot ako ng noo kasi 9 am lang ng umaga. Oh ha. Ang aga ko magising no? Ganun talaga. Haha.
Lumapit ako sa may pinto at pinagbuksan ko kung sino man yung kumakatok.
"Papa?"
May halong pagkagulat yung boses ko kasi di ko sya inaasahang nandito. Sabado ngayon eh, kaya dapat nasa office nya sya.
Ngumiti si Papa.
"Pwede ba kong pumasok, Anak?"
Napangiti naman ako at napatango, tsaka sya pinapasok sa kwarto ko.
"Bakit Pa? Pasensya na. Medyo magulo pa rito sa kwarto ko, magsisimula pa lang akong maglinis eh."
Nakatalikod ako sa kanya habang unti unting dinadampot yung mga gamit na ginamit ko kanina sa pag-aaral.
Narinig ko syang napabuntong hininga kaya napalingon ako sa kanya na nakakunot noo.
"Pa? Bakit? Ang lalim non ah. May problema ba, Pa?"
Lumapit pa ko sa kanya at pinaupo sya sa mini sofa ko rito sa kwarto at umupo rin. Nakatitig lang ako sa kanya, nag-aalala kasi ako eh.
"Isha, mawawala ako ng ilang buwan."
Napasinghap ako. Hindi kasi ako sanay na malayo sakin, samin si Papa.
"B-bakit po Pa? San kayo pupunta? Tsaka ilang buwan po kayo mawawala?"
"Sa Japan. Kulang kulang isang taon. May kailangan lang akong asikasuhin at ayusin don Hime. At, mamaya na ang flight ko papunta dun."
Napakagat ako ng labi ko. Naiiyak kasi ako. Ang babaw ko ba? Nagulat lang ako, tsaka malapit lang talaga loob ko kay Papa. Daddy's Girl din kasi ako eh.
"A-ang bilis naman Pa eh. Bakit ngayon mo lang sinabi sakin? Alam na ba nila Kuya, Ate at nung dalawang kakambal ko?"
Tumango sya.
"Nasabi ko na sa kanila, sayo na lang hindi. Anak, habang wala si Papa, mag iingat ka ha? Wag mong hayaan ang sarili mong mag isa. Lagi ka dapat may kasama. At, makikinig ka rin sa mga kapatid mo. Wag masyadong matigas ang ulo ha Anak?"
Napatango na lang ako at yumakap sa kanya. Mahigpit, wala na. Naiyak na talaga ako. Ang iyakin ko talaga kahit kelan.
Marahan lang hinahaplos ni Papa yung buhok ko at mahinang tinatapik ang likod ko. Bibitaw na sana ako ng biglang may nagflash na eksena sa isip ko.
"Hime ko, tahan na. Tumahan ka na."
Marahang hinahaplos ni Papa yung buhok nung batang babae at mahinang tinatapik ang likod nito.
"Papa, si Bestfriend ko. Pano na si Bestfriend ko? D-dugo. Dami nya dugo."
Lalo pang umiyak yung batang babae.
"Ssshhh. Tahan na. Okay lang si Bestfriend mo. Magiging okay lang si Bestfriend mo."
Sabi naman ni Papa dun sa bata.
Bumitaw yung batang babae at tumingin kay Papa.
"T-talaga po? M-magiging okay lang si Bestfriend ko?"
Tumango si Papa at ngumiti.
"Dito ka lang ha? Nakikita mo yung vending machine na yun? Pupunta lang si Papa don at bibilhan ka ng maiinom."
Napatingin yung batang babae at napatango.
Kasabay ng pag alis ni Papa ang syang paglapit ng isang batang lalaki.
"You!" Dinuro nya yung batang babae.
"This is all your fault! Because of you, my twin sister is inside that room! Why are you here?? You should go away! Stay way from my sister!"
Napabitaw na akong tuluyan kay Papa at napahawak sa ulo ko. S-sobrang sakit ng ulo ko.
Napaiyak ulit ang batang babae.
"N-no! My bestfriend needs me! I will never go anywhere! I will stay here!"
Nagpumilit yung batang babae na pumunta sa emergency room ng ospital na yun pero pinipigilan sya nung batang lalaki.
"No! You. Will. Never. See. My. Sister. Again!"
Sabay tulak sa kanya kaya sya napasalampak sa sahig. Iyak lang sya ng iyak doon.
"A-ahh." Napapikit na ako sa sobrang sakit. Parang binibiyak na ewan.
"I-isha."
Naramdaman ko yung paghawak ni Papa sa magkabilang balikat ko, pinilit kong dumilat, nakita kong alalang-alala sya sakin. Pinilit kong ngumiti para di na sya mag-alala pa.
"Isha, bakit? Ano---"
Pero, nagdilim na sakin ang lahat.
Mr. Katashi's POV
"Isha!"
Napasigaw ako sa gulat ng bigla syang bumagsak. Buti na lang at nasalo ko sya.
"I-isha, a-anak, gumising ka."
Tinapik-tapik ko nang mahina yung pisngi nya pero wala naman nangyari, nakapikit pa rin sya.
Dali-dali ko syang binuhat at lumabas ng kwarto nya.
Nakasalubong ko pa nga si Kaito.
"Pa! Bakit?? Anong nangyari??"
"Hindi ko alam! Pero sigurado akong may naalala nanaman sya. Ihanda mo yung kotse, bilisan mo!"
Dali-dali naman syang kumilos, ako naman ay dinala si Isha sa kotse at maingat na pinasok. Nakasunod naman agad si Kaito sakin at mabilis na pumasok sa kotse at nagdrive na.
Nakatingin lang ako kay Isha habang hinahaplos ang buhok nito.
Anak, unti unti na bang bumabalik sayo ang lahat? Unti unti mo na bang naaalala? Unti unti mo na bang binabalik sa sarili mo at sa sistema mo ang lahat? Unti unti mo na bang inaalala lahat? Kaya mo na ba? Kakayanin mo na ba? Kung hindi mo kaya, wag muna. Wag mo muna ipilit.
"A-anak."
Hindi ko maiwasang maluha. Dahil kada maaalala ko ang lahat ng paghihirap nya, lahat ng naranasan nya, hindi ko maiwasang maawa sa kanya. Hindi ko maiwasang masaktan para sa kanya.
Ama nya ako pero sya lahat ang nagdadala ng lahat.
Isha. Patawarin mo ko. Patawarin mo si Papa. Patawad Anak.
BINABASA MO ANG
Memories of You
Teen FictionA story of a girl who eventually fall in love with someone. They share love, they share memories, they treasure it so much... But what if one day, something takes her memories of him away from her? Can love make a way for them to be together again?