Kaito's POV
"Kaito, si Isha? Nasan na?" Si Papa. Nandito kami ngayon sa ospital. Tinawagan ko sya agad pagkatapos kong isugod si Isha dito.
"Nasa loob po. Chinicheck na sya ng doktor."
Lakad ako ng lakad. Pabalik balik. Haist. Hindi ako mapanatag!
"Kuya! Si Isha?? Kumusta??" Humahangos si Kazuki papunta sakin. Si Kazue naman, tahimik pa rin. Mukhang shock na shock.
"Sa loob." Tinuro ko yung pinto ng kwarto ni Isha.
"Kaito." Napapitlag ako ng tawagin ako ni Ate. Napatingin ako sa kanya.
"Halika." Sumunod naman ako sa kanya. Medyo lumayo kami kina Papa.
"Bakit Ate?"
May kinuha sya sa bulsa nya at binigay sakin. Halos lumuwa mata ko sa nakita ko.
"Nakita ko yan kanina. Nung pumasok ako sa kwarto nya. Tingin ko, may naalala sya."
"Pero panong napunta to sa kanya?! Akala ko ba lahat ng bagay na magpapaalala sa kanya sa nakaraan eh sinunog at itinapon na?!"
"Hindi ko alam."
Napasabunot ako sa buhok ko sa sobrang frustration. My God. Please po. Wag nyo pong papabayaan si Isha na maalala ang lahat.
"Patient's relatives?" Napatakbo ako palapit kina Papa.
"I'm the father of the patient. Doc, what happened to her?"
"Mr., your daughter have some vision attack awhile ago. And yun ang naging dahilan para sumakit ang ulo nya ng sobra at mag faint."
Shet. Ito na ang kinakatakutan namin.
"Thank you Doc. Pwede na ba namin syang makita?" Singit ko.
"Ah yeah. Pwede na kayong pumasok. Wag nyo lang sya pagurin masyado. Sige, I have to go."
Pumasok na agad ako sa kwarto ni Isha. Kasunod ko si Ate, Kazuki, Kazue at Papa.
"Ang polar bear namin. Hoy Isha, gumising ka nga dyan. Wag ka dito maghibernate."
Sa totoo lang, natetensyon pa rin ako. Ayoko lang ipahalata sa kanila. Haist.
Unti unti syang dumilat.
"Ang ingay mo Kuya. Tsk. Teka, Papa?"
"Anak, kumusta na pakiramdam mo?"
"Okey na po ko Pa. Ano bang nangyari?"
BINABASA MO ANG
Memories of You
Teen FictionA story of a girl who eventually fall in love with someone. They share love, they share memories, they treasure it so much... But what if one day, something takes her memories of him away from her? Can love make a way for them to be together again?