Chapter 6: Pain

20 0 0
                                    

Isha's POV

Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko. Napaka iyakin ko talaga kahit kailan.

Knock. Knock.

Kunwari tulog ako. Para di na ko nila istorbohin.

"Isha?" Boses ni Papa yun ah?

"Isha, tulog ka ba?" Boses yun ni.. Mama?

"Papasok kami ni Papa, anak ha?" Boses talaga yun ni Mama.

Bumukas yung pinto at iniluwa nun si Papa at Mama na magkahawak ang kamay.

"Ma-mama." Wala na. Napahagulgol na talaga ako.

Lumapit sakin si Mama at yinakap ako.

"Sshhh. Wag ka ng umiyak Isha. Andito lang si Mama."

Pero hindi ko talaga mapigilan, napaiyak lang lalo ako.

Naramdaman kong humigpit ang yakap sakin ni Mama.

"Tahan na Isha. Andito lang si Ate."

Napadilat akong bigla. Panaginip lang pala. Panaginip lang.

"A-ate."

"Shhh. Tahan na. Tahan na."

"Miss na miss ko na sya Ate. Miss na miss ko na sya."

"Shhh. Ako rin naman eh. Malulungkot si Mama kapag nakita nyang umiiyak ka."

Pinilit kong tumahan. Sa sobrang pag iisip ko sa nangyari noon at kay Mama, nakatulog ako at napanaginipan sya. Kahit sa panaginip ko, ang ganda ganda nya.

"Twist oh." May binatong tissue sakin si Kazuki.

"Punasan mo yang uhog mo. Mukha kang polar bear na sinisipon." Sabi naman ni Kuya. Anak ng, nanlait pa talaga?!

"Napakaiyakin mo talaga Isha. Anak ka ba talaga ni Mama?" Ang hard naman nitong si Kazue -.- Kahit kelan talaga tong mga kapatid ko eh.

"Oo Kazue. Kamukhang kamukha ko nga sya di ba? Tsk. Sabi kaya ni Papa, ako lang nakakuha ng mukha nya." Sabay belat ko sa kanya.

Ginulo lang nya ang buhok ko at lumabas na ng kwarto ko.

"Isha, yung kanina--"

"Oo, alam ko Ate. Napaka insensitive ko. Di ko man lang inisip mga mararamdaman nyo. Gomen Nasai." (Im Sorry.)

"Teka nga. Di pa ko tapos eh."

"Di mo na kailangang tapusin Ate kasi alam ko naman na---aray! Bakit ka ba nambabatok?!"

Binatukan ba naman ako bigla! Masakit ah? Tsk. -.-

"Kasi naman! Hindi pa ko tapos! Dada ka ng dada ryan eh. Gusto ko lang sabihin na maganda yung naisip mo. Since wala naman talaga akong maisip na ibibigay kay Papa, yun na lang."

"Tama ka dya--ha? Ano ulit yun??"

Seriously?? Di sya galit sakin??

"Ano bang akala mo? Na galit ako sayo dahil sa sinabi mo?"

Tumango na lang ako.

"Hayy nako, kahit kelan ka talaga Isha. Hindi no, di ako ganun kababaw. Tsaka panigurado ako, namimiss na ni Papa ang bake mo. Matagal tagal na rin nung huli kang nagbake eh kaya tulungan mo ko ah?"

"Sure Ate :)"

Thankful ako kasi napakaunderstanding ng Ate ko. Kaya mahal na mahal ko yan eh.

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon