Isha's POV
Nandito na kami sa President's Office. Kanina pa. At naiinip na ko! -.-
Pagdating namin dito eh wala naman kaming naabutang tao. As in wala talaga. Gustong gusto ko ng bumalik sa classroom. Pero pinipigilan ako ng dalawang to! Ugh. Kainis.
"Babalik na ko sa room." Sabay tayo ko.
"Hindi nga pwede eh.Upo!" Sabay hatak naman sakin ni Kazuki.
"Konting pasensya Isha."
Napatingin naman ako ke Kazue. Sya ba talaga yung nagsalita? Ano to? Personality switch nilang dalawa? O.o HAHA. Garaaa ah?
Tumahimik na lang ako. Nag mumuni muni ako ng biglang namatay yung ilaw.
"Shet! Kazuki? Kazue? Wag nyo ko iiwan ah!"
Kinapa ko sila sa tabi ko. O.O. Wala sila!
"K-Kazuki? Kazue? Nasan kayo??"
Walang sumasagot. A-ayoko na. Waaahh.
"Oy Futago brothers ko! Nasan na ba kayo? Ang d-dilim naman eh!" (Twin) nagcrack na yung boses ko. Umaatake na yung phobia ko. Nyctophobia. Fear of darkness. Alam naman nila yun pero iniwan pa rin nila ko.
Patuloy pa rin ako sa pag iyak. Nanginginig na rin ako. Tumayo ako. Susubukan ko silang hanapin! Pero wala talaga akong makita!
Nakaramdam ako ng pagkahilo. Oh no. Kailangan ko na talagang lumabas dito!
"Guys?! Quit playing please?? Buksan nyo na yung ilaw oh? I can't----"
BLAG!
Kazuki's POV
"Guys?! Quit playing please?? Buksan nyo na yung ilaw oh? I can't----"
Blag!
Napatingin naman ako ke Kazue, ganun din sya sakin. Nagmamadali kaming dalawa na buksan yung ilaw. Shete. Ang tagal kasi nya eh!
Pagkabukas namin ng ilaw, nakita namin si Isha na walang malay sa sahig. Shet! Yung phobia nya!
"Isha!" Napatakbo ako sa tabi nya.
"Surprise!" Biglang bumukas ang pinto at nakita namin si Ate Kiyoko.
"Ang tagal mo! Inatake na sya ng phobia nya! Sabi mo mabilis lang?? Eh tagal tagal mo eh!"
Sigaw ko kay Ate. Binuhat ko si Isha para dalhin sa clinic.
"Kazue. Tawagan mo si Kuya, sabihin mo dalhin dito yung gamot ni Isha. Bilisan mo ah?!"
Tumango na lang sya sabay kuha sa phone nya. Ako naman eh nagmamadaling pumuntang clinic buhat buhat si Isha.
Shete. Sumobra si Ate sa tagal nya! Alam naman nyang nyctophobic si Isha eh.
Dire diretso ako sa clinic at hiniga ko sya sa isa sa kama dun.
Wala pa rin syang malay.
"Isha?! Isha?!" Si Kuya.
"Kuya! Nasan na yung gamot??"
"Eto oh!" Sabay bigay nya sakin. Kinuha ko ang braso ni Isha at ininject ito sa kanya.
For emergency lang namin to nagagamit. Katulad na lang ngayon.
"Ano bang nangyari?? Ba't di nyo sya binantayan?!" Hala kami pa?
"Kuya----"
"Kasalanan ko Kaito. Natagalan ako sa plano kong pangsusurprise sa kanya. Pero it turns out ako pa ang nasurprise."
Nandito na pala si Ate pati si Kazue.
"Ate? Ate naman eh! Tingnan mo tuloy oh. Ugh."
"I know. I'm sorry."
Umungol si Isha.
"Lower your voice guys. Wag kayong magtalo rito." Si Kazue. Umupo sya sa kabilang side ng kama ni Isha. Kumbaga naka palibot kami sa kanya.
Nagcocollapse si Isha kapag masyado na syang matagal sa dilim. Dahil yun sa phobia nya. Haist.
Tahimik kaming lahat at nakamasid sa kanya ng unti unti syang dumilat.
"A-ate?"

BINABASA MO ANG
Memories of You
Genç KurguA story of a girl who eventually fall in love with someone. They share love, they share memories, they treasure it so much... But what if one day, something takes her memories of him away from her? Can love make a way for them to be together again?