Chapter 9: Clueless

9 0 0
                                    

Isha's POV

"Ang polar bear namin. Hoy Isha, gumising ka nga dyan. Wag ka dito maghibernate."

Augh. Medyo masakit pa ang ulo ko. Tas ang ingay ingay pa ni Kuya -.-

Napadilat na ko. Magtatalak nanaman yan kapag di pa ko dumilat.

"Ang ingay mo Kuya. Tsk. Teka, Papa?"

Saturday ngayon ah? Supposed to be dapat nasa office sya.

"Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?"

"Okey na po ko Pa. Ano bang nangyari?"

Ang naaalala ko lang, hawak ko yung bracelet tas yung mini treasure chest tapos bigla na lang sumakit yung ulo ko ng sobra. Then pagkagising ko, andito na ko.

"Hindi mo maalala?"

Napatingin ako kay Ate at umiling.

"Ah masyado ka kasing napagod Isha." Napatingin ako kay Kuya.

Teka. Yung bracelet. Hawak hawak nya.

"Akina yung bracelet Kuya."

Mukha namang nagulat sya at napatingin sya sa tinitingnan ko. Tas bigla na lang nanlaki ang mga mata nya.

Hala? Problema nito?

"Ah ano kasi, Isha, ano---"

"Akina nga, nakita ko yan sa closet ko eh. Malamang akin yan."

"Ah, wag na? Bibigyan na lang kita ng bago Hime." (Princess)

Problema nito? Nabakla na? -.-

"Akina nga sabi eh. Bat ba ayaw mo ibigay?"

"Kasi---"

"Ibigay mo na Kaito. Sabi ng Doctor, wag syang papagurin di ba?"

Napatingin ako kay Papa. Tas kay Kuya. Yung mukha nya, hopeless? Eh ano ba kasing meron sa bracelet na yun? Augh. Gulo -.-

Inabot na sakin ni Kuya. Parang ayaw pa ngang bitawan eh. Tsk.

Tas biglang may nag flash sa isip ko.

"Here! I made that! Only me. Hihi. Suki desu ka?" (Do you like it?) Then she smiled at me. A very sweet one.

"Hai! I really like it! Arigatou gozaimasu!" (Yes!) (Thank you!) Then she hugged the girl.

Napakunot yung noo ko. Sila yung mga bata sa panaginip ko eh. Anong koneksyon ko sa kanila?

"Isha? Bakit?"

Napatingin ako kay Kuya. Tapos kay Papa na nakatingin din sakin. Kay Ate na nag aabang ng sagot ko. Kay Kazuki na clueless sa mga nangyayari. At kay Kazue na nakatitig lang sakin.

"Kanino galing tong bracelet na to?"

Si Kuya, napalunok. Si Ate naman napa gasp. Tas yung dalawa kong kakambal eh napatingin kay Papa nung bigla syang tumikhim.

"San mo ba nakuha yan Anak?"

"Sa closet po."

"Eh di kay Closet galing yan. Dun mo nakuha eh."

Eh????

"Papa naman eh. Ang ayos ayos ng tanong ko."

"Pfffft. HAHAHAHA! Grabe Isha. May pinagmanahan pala si Kuya eh. Hahaha korni mo Pa." Tatawa tawang sabi ni Kazuki.

Oo nga no? Korni -.-

Napatawa na lang din si Ate at Kazue. Pati si Kuya, natatawa na lang din.

Ngumiti sakin si Papa.

"Magpahinga ka na Anak. Masama sayo ang mapagod eh. Babalik na ko sa office. Magpahinga na ha?"

"Opo Pa. Ingat ka."

Tas lumabas sya. Sumunod naman si Kuya sa kanya.

Hays. Makapagpahinga na nga lang.

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon