Chapter 10: So Close

20 0 0
                                    

Kaito's POV

"Okey na po ko Pa. Ano bang nangyari?"

Wala syang maalala?

"Hindi mo maalala?"

Napatingin ako kay Ate tas sa kanya. Umiling lang sya.

"Ah masyado ka kasing napagod Isha."

Tas napatingin sya sakin.

"Akina yung bracelet Kuya."

Nagulat ako. Tas napatingin ako sa tinitingnan nya. Sa kamay ko sya nakatingin at..

O.O shet! Hawak ko pa pala to! Lintek, di ko pala naibulsa.

"Ah ano kasi, Isha, ano---"

Anak ng! Tatanga tanga ka kasi Kaito!

"Akina nga, nakita ko yan sa closet ko eh. Malamang akin yan."

Eh napakulit pa naman nito! Argh.

"Ah, wag na? Bibigyan na lang kita ng bago Hime." (Princess)

Please. Please. Wag mo ng kunin.

"Akina nga sabi eh. Bat ba ayaw mo ibigay?"

Hala ayan na. Augh. Bahala na!

"Kasi---"

Napatigil ako nung hinawakan ako sa balikat ni Papa.

"Ibigay mo na Kaito. Sabi ng Doctor, wag syang papagurin di ba?"

Napatingin ako sa kanya. Nagmamakaawa na bawiin nya yung sinabi nya. Pero tumango lang sya kaya napilitan akong iabot kay Isha.

Pero kasi. Hays. Inagaw na ni Isha yung bracelet. Augh. Lintik na bracelet yan. Peste!

Nakatitig lang ako kay Isha ng biglang kumunot yung noo nya.

Hindi kaya, hindi kaya may naalala sya?

"Isha? Bakit?"

Wag naman sana.

Napatingin sya sakin. Tas kina Ate, Papa, Kazue at Kazuki.

"Kanino galing tong bracelet na to?"

Napalunok ako. Si Ate naman, narinig kong napa gasp. Nagtatanong na sya. Pano ba to? Sasabihin na ba namin?

Napatingin ako kay Papa ng bigla syang tumikhim.

Sasabihin na ba nya?

"San mo ba nakuha yan Anak?"

"Sa closet po."

"Eh di kay Closet galing yan. Dun mo nakuha eh."

Eh? Haha. Korni ni Papa. Pero kahit ganun ang sagot nya, natigilan si Isha.

"Papa naman eh. Ang ayos ayos ng tanong ko."

Tas nagpout pa sya. Haha. Galing dumiskarte ni Papa. Hayyss. Akala ko sasabihin na nya.

"Pfffft. HAHAHAHA! Grabe Isha. May pinagmanahan pala si Kuya eh. Hahaha korni mo Pa."

Napatingin ako kay Kazuki. Itong isang to, napakababaw ng kaligayahan. Tsk.

Nagpout nanaman si Isha. Alam nyang wala na syang mapapala kay Papa kapag kinulit nya pa.

"Magpahinga ka na Anak. Masama sayo ang mapagod eh. Babalik na ko sa office. Magpahinga na ha?"

"Opo Pa. Ingat ka."

Lumabas na si Papa. Sumunod ako.

"Pa."

Napatigil naman sya sa paglalakad at nilingon ako.

Lumapit ako sa kanya at yinakap sya.

"Akala ko po Pa, sasabihin nyo na sa kanya."

"Hindi ko yun gagawin, unless, hindi na natin kayang lusutan. Matalino ang kapatid mo Kaito. Hindi magtatagal at malalaman na nya."

Bumitaw sya sa pagkakayakap ko sa kanya at ngumiti sakin.

"Pero habang kaya pa nating itago, itatago natin. Pero kung dumating yung oras na naghahanap na sya ng sagot sa mga tanong nya, sasabihin natin."

"Pero Pa?"

"Karapatan nyang malaman yun Kaito. Naging parte na yun ng pagkatao nya at ng nakaraan nya."

Napabuntong hininga na lang ako. Tinapik naman nya ako sa balikat.

"Aalis na ko. Wag mo munang isipin yun. Ang mahalaga, ayos na sya ngayon. Alam kong babalik at babalik ang alaala nya. Hindi imposibleng mangyari yun."

Tas tumalikod na sya at tuluyang umalis.

Ang tanong ngayon, hanggang kelan namin itatago sa kanya ang totoo?

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon