Chapter 14: Frustration

4 0 0
                                    

Kaito's POV

"Kuya! Nakikinig ka ba sakin ha?? Kanina pa ko dada ng dada rito. Di mo ko pinapansin."

Napapout pa siya. Nakikinig ako sa kanya. Seryoso. Pero kasi, hindi lang talaga nag sisink in sa utak ko yung mga sinasabi nya. Masyadong occupied utak ko simula nang makita ko, namin sya ulit. Bakit ngayon pa. Bakit?

"Ha? May sinasabi ka Hime?"

Sabi sa inyo nakikinig ako. Hindi ko lang talaga sya maintindihan.

"Wala Kuya. Sige. Balik na ko sa kwarto ko. Busy ka ata eh. Sorry. Nakakaistorbo pa ko."

Tumayo na sya. Pipigilan ko sana pero wag na lang. Nakatitig lang ako sa kanya hanggang sa mawala sya sa paningin ko.

Napabuntong hininga ako. Isang malalim na buntong hininga. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito.

Flashback

Ang kulit talaga ng polar bear namin. Tsk. -.-

Kinuha ko lang yung susi ng kotse ko at lumabas na. Safe naman siguro tong kotse ko rito. Malapit naman kami sa mataong lugar. Nakalabas na ko ng marinig kong sumigaw si Isha.

"Bulag ka ba?! Kita mong ngiwing ngiwi na ako rito tas itatanong mo kung okay lang ako?! Eh kung ikaw kaya dito ng maramdaman mo kung gano kasakit sa pwet?!"

Napatingin ako bigla sa direksyon nila. Nakita ko na lang sya na nakasalampak sa lapag at may lalaking nakatayo sa harap nya. Napatakbo ako bigla.

"Hime!" Tawag ko sa kanya habang tumatakbo palapit.

"Anong nangyari??!'

Nakalapit na ko sa kanya nang mapatingin ako sa lalaking nasa harap namin. Napatigil ako.

Napatitig. Hinihiling na sana isa lang syang malaking joke na nasa harap namin pero tinitigan nya lang din ako. Hindi to isang malaking biro. Nandito nga talaga sya sa harap namin.

Bakit? Bakit kailangan pang maging ganito? Bakit kailangan pang... magpakita sya? O makita sya ni Isha?

"Kuya." Tawag sakin ni Isha kaya napatingin ako. Napansin kong nakatingin din sakin sina Kazuki at Kazue.

"Ipasok nyo na si Kerina sa kotse. John, Mark."

Papangunahan ko na sya. Ayokong mapahamak ang kapatid ko. Ayokong mawala na sya ng tuluyan samin.

Pagkaalis nung tatlo. Hinarap ko sya agad.

"Umalis ka na."

Ang hard ba? Pasensya na. Iniisip ko lang ang kapakanan ni Isha. Ang kapakanan ng prinsesa namin.

Nakatitig lang sya sakin ng blangko. Ni hindi man lang sya natinag.

"Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig yung sinabi ko? Uulitin ko para malinaw. Umalis ka na."

Napamaang sya ng tingin sakin. Oo. Sobra na ako. Hindi naman ganito ang pakitungo ko sa kanya noon. Pero iba ang sitwasyon namin ngayon.

"Kuya. Bakit? Ano bang ginawa kong mali? At bakit ganon? Bakit parang hindi nya ako kilala?"

Napailing na lang ako.

"Basta umalis ka na. At nakikiusap ako. Sikapin mong wag magkrus ang landas nyong dalawa. Alam ko, hindi mo sadya yung ngayon. Pero sana. Ikaw na mismo ang umiwas. Para sa kapakanan ni Isha."

Napailing sya. At kitang kita sa mukha nya na gulong gulo sya.

"Hindi ko maintindihan? Bakit? Ang tagal tagal ko syang hinanap. Tapos ano? Nakita ko na sya, ngayon naman, papalayuin mo ako? Bakit? Ano bang meron? Kuya, sabihin mo naman sakin, dahil hindi ko maintindihan!"

"Hindi mo na kailangang maintindihan lahat, dahil wala ka namang magagawa para sa kanya."

Napabuntong hininga na lang ako ng maalala ko yung nangyari kanina.

Sa totoo lang, labas dapat sya sa problema na to pero, mahalaga kasi sya kay Isha. Sobrang halaga to the point na kapag nakilala sya ni Isha o naalala, pwede nya na ring maalala ang lahat lahat.

Sa madaling salita, pwedeng sya ang maging daan para maalala ni Isha lahat. Lahat lahat ng tungkol sa nakaraan. Sa masaklap na nakaraan na pilit naming itinatago mula sa kanya.

At ayokong mangyari yun, dahil sa oras na mangyari yun, mapapahamak si Isha.

Sa oras na mangyari yun, may malaking posibilidad na mawala samin si Isha. At hindi namin yun kakayanin.

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon