Chapter 13: Who?

4 0 0
                                    

Isha's POV

*Buntong hininga*

Napahawi ako ng buhok. Kanina ko pa iniisip kung sino yung lalaking yun pero wala. Sinasakitan lang ako ng ulo. Panay kalabit na nga ni Kazue sakin dahil siguro napapansin nya akong panay hilot sa sentido ko.

"Isha." Mataman syang nakatitig sakin.

"Umm Kazue? Bakit?" Nilingon ko sya habang pilit ko pa ring inaalala yung lalaking yun.

"Ayos ka lang ba? Ano bang iniisip mo? Kanina mo pa hinihilot yang sentido mo. Masakit ba ulo mo?"

For the first time in eternity, de joke lang. First time kasi talaga nyang magtanong ng ganyan sakin. Yun bang sunod sunod. Karaniwan kasing ganyan eh si Kazuki. Napangiti ako. Kitang kita kasi sa kanya na alalang alala sya sakin.

"Ah. Hindi naman. Trip ko lang na hilutin. Nakakarelax eh. Ang tagal kasi ni Kuya. Kilala nya ba yung lalaking yun?"

Napatingin naman sya sa labas. Tas napakamot sa ulo.

"H-hindi ko alam Isha eh. Tanong mo na lang si Kuya mamaya."

Napatitig naman ako sa kanya. Ba't ganun? I feel something weird.

"Ang tagal naman ni Kuya."

Napatingin ako kay Kazuki. Halata mong naiinip na sya.

"Wait lang ah? Pupuntahan ko na sya. Nagugutom na ko eh. Kanina nya pa kausap yung lalaking yun."

Napatango na lang ako at napaayos ng sandal sa kinauupuan ko. Si Kazue naman, tahimik na lang din sya sa pwesto nya. Nakita ko namang nakalapit na si Kazuki kay Kuya at dun sa lalaki.

Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa bracelet na suot ko. Di ko alam pero napangiti ako at the same time, may sakit akong naramdaman.

Napabuntong hininga ako ulit, ang weird talaga. Pinilig ko na lang ang ulo ko, wala naman akong napapala sa kakaisip kung bakit ganto ang nararamdaman ko kada napapatingin ako sa bracelet na to.

KINIMOTO RESIDENCE

"Kuya! Nakikinig ka ba sakin ha?? Kanina pa ko dada ng dada rito. Di mo ko pinapansin."

Napapout pa ko. Kasi naman. Parang ewan to si Kuya. Kanina pa sya. Para syang lutang na bangag na sabog na ewan. Ay ewan.

"Ha? May sinasabi ka Hime?"

Kita nyo na? Hanggang mamaya kakaltukan ko na to eh. Pero syempre, joke lang yun. Napabuntong hininga na lang ako.

"Wala Kuya. Sige. Balik na ko sa kwarto ko. Busy ka ata eh. Sorry. Nakakaistorbo pa ko."

Tumayo na ko. Nandito kasi ako sa kwarto nya. Sa office nya. Taray no? May sarili syang office sa loob ng kwarto nya. Alam ko kasi may sarili syang business eh. Yun lang alam ko. Di ko lang alam kung anong klaseng business.

Hay. Makabalik na nga lang sa kwarto ko. Makapag review na lang para bukas.

Pagkabalik ko sa kwarto ko eh napasalampak ako ng upo sa kama ko at humiga.

Nakatitig ako sa may kisame nang marinig ko yung mahinang pagkatok sa pinto. Dahil tinatamad akong bumangon.

"Bukas yan. Pasok ka na lang."

Sabay tagilid ko ng higa paharap sa may terrace ng kwarto ko. Naramdaman kong bumukas ang pinto at may kung sinong lumapit sa pwesto ko at umupo sa tabi ko.

"Isha."

Napaharap ako sa direksyon nung nagsalita.

"Oh, Kazue. Bakit?"

Nakatitig lang sya sakin at napabuntong hininga.

Napakunot noo naman ako. Problema nito?

"Medyo malalim yun ah. Bakit? May problema ba?"

Napabangon ako at umupo ng maayos paharap sa kanya.

Tumitig sya sa mata ko. Parang may binabasa sya dun na kung ano.

"Isha. Baka nakakalimutan mong may kakambal ka? Dalawa pa. At baka nakakalimutan mo yung koneksyon nating tatlo sa isa't isa."

Natahimik ako sa sinabi ni Kazue. Maya maya lang, napansin kong pumasok si Kazuki at umupo naman sa kaliwa ko. Nasa gitna ako nilang dalawa.

Lakas talaga makaramdam ng dalawang to. Sabagay. Triplets kami. At may special connection kaming tatlo sa isa't isa. Ito ata yung tinatawag na, triplets connection. Hindi twin connection, tatlo kami eh. Nye nye, korni ko -,-

Napatingin ako kay Kazuki. Yung tingin na nagtatanong kung bakit sya nandito sa kwarto ko.

Pinoke ba naman noo ko! Kahit kelan talaga -.-

"Tama si Kazue, Isha. Baka nakakalimutan mo kaya pinaalala ko lang. "

Tinapunan ko na lang sya ng masamang tingin at napabuntong hininga. Pabagsak akong humiga sa kama ko at tumitig sa kisame.

"Ewan ko ba. Hindi ko kasi maintindihan eh. Hindi ko maintindihan si Kuya. Magmula nung nakita nya yung lalaking yun kanina sa playground, para syang lutang. Bakla ba si Kuya? O nabakla na? Pati, ewan ko ba. May mga bagay at tao na pamilyar sakin pero ngayon ko lang naman sila nakita. Na kada pilit kong inaalala kung anong meron sa kanila, wala naman akong maalala. Hay."

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon