Kaito's POV
"Oniichannnnn. Dali na kasi eh.. Pleaseeeee".
Sabay hawak nya sa kamay ko at hinatak hatak pa.
"Isha naman eh. Hindi nga pwede eh. Wag ka na makulit Hime please?"
"Saglit lang naman eh. Tsaka okay naman na ako oh? Pleaseeee. Namimiss ko na kasi talagang magpunta doon eh. Please??"
Paawa nya pa. Kanina pa kami nagmamakawaan dito. Pinipilit nya kasing pumuntang playground eh hindi nga pwede dahil kalalabas pa lang nya ng ospital. Ang kulit kulit talaga nitong bunso namin eh. Haysss.
"Hay nako Kuya. Goodluck sa inyong dalawa talaga. Hanggang mamaya kayo dyan kung hindi mo yan pagbibigyan." Singit naman nitong si Kazuki.
"Kuya, malapit lang naman dito yung playground, tsaka may kotse ka diba? Pati sabi nya, saglit lang daw. Pagbigyan mo na." Segunda naman ni Kazue.
Palibhasa kasi wala pa silang alam eh. Kung alam lang nila kung bakit ayoko syang dalhin sa playground haist.
Napatingin sya dun sa dalawa tas tumingin ulit sakin. Nagpuppy eyes ulit sya. Jusko naman. T-T
"Oniichan.. Sige na please?? Please?? Saglit lang talaga tayo please..."
Tas yumakap pa sya sakin. Ano ba yan. Bakit ba ang kulit nitong polar bear namin T-T.
Tiningnan ko sya. Lalo pa syang nagpuppy eyes at yumakap sakin. Napakagat labi na lang ako kasi wala na kong magagawa, napakamot na lang ako sa batok at napabuntong hininga.
"Oo na. Oo na. Basta saglit lang tayo ha? Wag ng kumontra."
Nanlaki naman bigla yung mata nya at ngumiti ng pagkalawak lawak.
"Sabi mo yan Oniichan ah?? Wala ng bawian!"
Tumango na lang ako. Dibale, babantayan ko na lang sya maige. Haist. Ang hirap na ngang maging gwapo, ang hirap ring maging kuya sa makulit na to. Ang kumontra, hahalikan ko. ;)
"Oh tara na. Para makabalik tayo agad. Tutulungan mo pa si Ate na magbake pero kaya mo na ba ha?"
Tanong ko sa kanya habang naglalakad kami papalabas ng bahay.
Tumingin sya sakin at ngumiti tas tumango.
"Ako pa ba Kuya? Okay na ko no, kayo lang tong makulit eh."
Ginulo ko naman yung buhok nya.
"Oo na. Mahal ka lang namin sobra kaya ganto kami mag-alala."
Napangiti naman sya dun.
"Mahal ko rin kayo Kuya. Hehe. Sobra. Pero teka? Nasan ba si Ate? Di natin sya kasabay umuwi kanina pagkalabas ko ng ospital."
Pout pa sya. Ang kyot talaga nitong bunso namin eh. Pinisil ko yung ilong nya.
"Wag na magtampo. May aasikasuhin lang daw sya saglit".
Tinabig naman nya yung kamay ko gamit yung kanang kamay nya at napansin kong suot nya yung bracelet.
"Yung ilong ko Kuya kainis to. Mamumula yan eh."
Sabi nya pa habang hinihimas nya yung ilong nya.
"Suot mo pala yung bracelet." Sabi ko na lang.
Napatingin naman sya at napangiti.
"Ang ganda kasi eh. Tsaka pakiramdam ko, importante to sakin."
Hindi na lang ako sumagot. Pinagbuksan ko na lang sya ng pinto ng kotse.
"Oh sakay na. At kayong dalawa, sasama ba kayo?"
Tanong ko kay Kazue at Kazuki na nakasunod saming dalawa. Sumakay naman na si Isha sa passenger's seat.
Tumango silang pareho.
"Oo Kuya. Matagal tagal na rin nung huli akong nakapunta sa playground eh." Sabi ni Kazuki.
"Tsaka maganda na yung tatlo tayong bantay nya." Si Kazue sabay tingin kay Isha.
Nakaupo lang si Isha at kitang kita mo na napakasaya nya.
"Kung ganun, sumakay na kayo."
Umikot na ko at sumakay sa driver's seat. Pagkasakay nilang dalawa eh inistart ko na yung makina at nagdrive na papuntang playground.
BINABASA MO ANG
Memories of You
Ficção AdolescenteA story of a girl who eventually fall in love with someone. They share love, they share memories, they treasure it so much... But what if one day, something takes her memories of him away from her? Can love make a way for them to be together again?