Chapter 1: Her Own Introduction (All About Isha)

80 2 0
                                    

"Kuya? Asan ka ba? Bakit hindi kita makita?"

"Try mo kaya munang dumilat no? Para makita mo ako."

Napadilat naman ako bigla at ayun, nakita ko ang gwapong mukha ng kuya ko <did I say gwapo? yuck x)>. Pero seriously, gwapo talaga tong kuya ko.

"Ayan, eh di nakita mo na ako. Grabe ka matulog Isha, tulog mantika! Kanina pa kita ginigising. Hay nako ang mga polar bear talaga, wagas mag hibernate, tsk tsk tsk."

Tapos ngumisi pa siya! Aba't, makakatikim talaga sakin to eh!

"Hoy! Grabe ka! Kung-----" Naputol ang sasabihin ko nang marinig ko ang boses ni Papa.

"Dave! Isha! Choushoku ga dekite."

(O/N: Choushoku ga dekite means Breakfast is ready.)

"Bababa na!" Sigaw ni Kuya.

"Aray naman, sakit sa tenga ah" pagrereklamo ko naman sa kanya. Tumingin sya sakin at ngumiti ng nakakaloko. Uh-oh, hindi maganda to. I really knew that smile. Nagmadali na akong bumangon, pero mas mabilis siya kaya...

"Ahahahaha! Kuya ano ba?! Ahahaha, tama na hahahaha! Oniisan! ahahaha! Masakit na tiyan ko huy! Ahahahaha!"

Wala na, nakiliti na nya ko. Malakas pa naman kiliti ko sa tagiliran.

"Ahahahaha! Oniisan eh! Tama na huy! Hahahahaha! Dozo! Ahahahaha! Dozo! Hahaha!"

Wala, kahit anong pakiusap ko, sundot pa rin siya ng sundot sa tagiliran ko. Napatigil lang siya nung may dumamba sa kanya, napatingin naman ako sa taong yun.

"Savior talaga kita Kazuki!" sabi ko sa kakambal ko habang kinakapos pa ako ng hininga dahil sa katatawa ko kanina. Bigla na lang lumapit sakin si Kazue at hinawakan ako sa kamay sabay hatak patayo. Di ko sya napansing pumasok sa kwarto ko ah? Actually silang dalawa =.=, may lahi ata silang kabute o bula eh.

"Tumigil na nga kayong dalawa dyan, bumaba na tayo. Lalamig ang pagkain." sabi ni Kazue at umalis na.

Tumingin naman ako sa kanilang dalawa.

"Narinig nyo? Chupi na dali, aayusin ko pa yang ginulo nyo na kama KO." sabi ko sa kanila sabay ngiti ng mapang asar.

"Tsk. Napaka PL talaga nun." sabi ni Kuya.

Napakunot naman ako nang noo.

"PL?" Tanong ko sa kanya.

"Pamatay ligaya, you know? Kill joy? Haha." sagot nya sakin at take note ah? Nagmamalaki pa =.= Jusme, napaka mais eh.

Inilahad naman ni Kazuki ang kamay nya sa harap ko. Napatingin naman ako sa kanya.

"Gagawin ko dyan?"

"Pili ka" sagot nya naman sakin.

Ako naman si uto-uto, namili naman. Pinili ko yung hintuturo nya at tumingin sya kanya. Natawa naman ako nung sinundot sundot nya yung tagiliran nya gamit yung daliring pinili ko at tumawa sya ng tumawa.

"Lakas mo talagang mang inis noh?" sabi ni Kuya sabay nguso.

"Nainis ka naman? Haha. Syempre, ganun talaga, Kazuki pangalan ko eh, you know?" sagot nya sabay tawa.

Ngumuso tuloy lalo si Kuya, pati ako natatawa na sa pag nguso nya, si Kazuki naman ininis sya lalo.

"Haha! Weak! Asar talo ka! Haha!" sabi ni Kazuki at tinuro turo nya pa si Kuya.

Akmang tatayo si Kuya para batukan sya pero tinulak na sya agad ni Kazuki at tumakbo papunta sa pinto ng kuwarto ko.

(O/N: Oniisan means Kuya; Dozo means Please; Kazuki pronounce as "Kaz-ki"; Hime means Princess ^.^)

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon