Chapter 17: The Start

7 0 0
                                    

Mishan's POV

"Uh huh. Tama ba? Dito ba talaga bahay nila?"

Binasa ko ulit yung address na nakuha ko sa pagreresearch ko. Kasi naman tong si Kuya. Ang sungit -.-

Ay. Hello nga pala. Ako nga pala si Mishan Leestine. Ang magandang bunsong kapatid ni Kean Ash Leestine :D Ehehe. Nagpakilala lang. Baka kasi i Who you nyo ko.

Nandito ko ngayon sa tapat ng magara at malaking bahay na parang wala namang tao.

Kung tinatanong nyo kung bakit ako nandito, namimiss ko na kasi si Ate Keisha, ay di pala Ate Keisha. Ate Isha pala. Gusto kasi ni Kuya, sya lang natawag kay Ate ng Keisha eh. Eh di sigi. Arte nya -.-

Hay nako. Ang daldal ko haha. Makapag doorbell na nga lang.

Saktong magdodoorbell na sana ako eh sya namang pagbukas nung gate. Napatulala ako sa kaharap ko. Tama nga ako ng napuntahan.

Kiyoko's POV

Nakailang dilat at pikit pa ko bago mag sink in sa utak ko kung sino tong kaharap ko.

Di pa ko mapapapitlag kung di ko pa narinig ang boses nya.

"A-ate Kiyoko?"

Napasinghap ako. Shocks. Ang mga tao sa nakaraan, unti unti nang nagbabalik.

"Ate Kiyoko! Ikaw nga."

Tsaka sya lumapit sakin at yinakap ako ng mahigpit. Nabitawan ko yung bag na naglalaman ng mga gamit ni Isha. Hanggang ngayon kasi, di pa sya nagigising. Haist.

Bumitiw na sya ng hawak sakin at tumitig.

"Ang ganda mo pa rin Ate. Grabe. Parang wala kang pinagbago! Ay. Teka. Si Ate Isha nga pala?? Nasan sya??"

Tsaka pa sya tumingin tingin sa likod ko.

"A-ah Mishan kasi. Wala rito si Isha eh."

Napatigil naman sya sa ginagawa nya at napatitig sakin. Kumunot pa yung noo nya.

"Nasan po sya?"

Nakatitig sya sakin. Nag aantay ng sagot.

Napabuntong hininga ako. Wala na ata ako, kaming magagawa. Pagkakataon na ang nagdidikta.

"Pupunta ako sa kanya ngayon. Gusto mo bang sumama?"

Napangiti sya ng malapad.

"Talaga Ate?? Isasama mo ko?? Opo! Gusto ko sumama. Namimiss ko na kasi talaga si Ate eh. Lalo na si Kuya. Miss na nun si Ate. Ate Kiyoko, pwede ko ba sya isama??"

Napakagat ako ng labi. Lord. Ano bang gagawin ko?

"Mishan ka---"

Napatigil ako sa pagsasalita nung narinig kong nag riring ang phone ko.

"Saglit lang Mishan ha?"

Ngumiti sya sakin at tumango. Lumayo muna ako tsaka sinagot yung tawag.

"Moshi moshi?" (Hello?)

[Nasan ka na Ate? Medyo ang tagal mong bumalik. Medyo lang naman.]

"Ay. Di ka sarcastic nyan Kaito ah? Psh. Oo na. Pabalik na ko. Nga pala. May kasama ako."

[Eh kasi naman Ate. Ang tagal mo kaya. Sino naman kasama mo?]

"Basta. Makikilala mo rin naman sya pagdating ko ryan. Sige na. Papunta na kami dyan. Bye"

Then I ended the call. Kilala ko yun. Kasing kulit ni Isha yun. Di yun titigil hangga't di nya nakikilala yung isasama ko.

Napabuntong hininga ako. Naguguilty ako, at the same time hindi. Haist. Pakiramdam ko kasi, ang selfish ko. Ang selfish namin. Pero, matatawag bang pagiging makasarili yung ginagawa naming pagtatago ng katotohanan kung ang gusto lang namin ay maging mabuti ang kapakanan ni Isha? Pero ewan ko rin. Lagi na lang akong ganito. Nahahati sa dalawang isipin.

"Ate Kiyoko. Okay ka lang po ba??"

Naramdaman kong hinawakan ni Mishan ang kamay ko at tumitig sa mata ko.

"Mishan."

Di ko na napigilan. Yinakap ko sya ng mahigpit at umiyak sa balikat nya.

Sobrang bigat na eh. Sobrang sakit na. Kailangan ko lang ilabas, para may paglalagyan ako ulit.

Mishan's POV

Nagulat na lang ako nung bigla syang umiyak. Hala. May nasabi ba akong mali??

Magsasalita sana ako nung narinig ko syang magsalita. Though nagcracrack yung boses nya, naintindihan ko naman.

"M-mishan. S-sorry ha? Nakita mo kong nagkakaganito. Sorry. H-hindi ko na kasi kaya eh. Sobrang bigat na. S-sobrang sakit na."

Tapos, napaiyak nanaman sya. Haist. Yinakap ko lang sya ng mas mahigpit pa. Kasi sa gantong sitwasyon, ang kailangan nya eh taong mayayakap, hindi taong mapapakinggan.

Maya maya lang din, tumahan na sya. Tapos bumitaw na rin sa yakap. Ngumiti sya.

"Salamat. Tara, punta na tayo kay Isha."

Sabi nya tsaka nya ko hinatak ng marahan at pinasakay sa kotse nya.

St. Mary's Hospital

Kaito's POV

*Buntong hininga*

"Hoy Polar Bear."

Sabay poke ng mahina sa pisngi nya.

"Gumising ka na nga dyan. Alam mo bang magdadalawang linggo ka nang natutulog? Aba! Mahiya ka naman. Wala ka sa bahay natin para mag hibernate ng ganyan. Kaya gumising ka na."

Poke ulit.

"Isha-chan. Douzo, okiru. Douzo?" (Isha. Please, wake up. Please?)

Hinawakan ko yung kamay nya at napayuko.

Di ko na napigilan. Tumulo na yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan. Peste.

Nakayuko lang ako nung maramdaman kong may lumapit sakin at tumapik sa balikat ko.

"Kuya."

Si Kazue. Napaangat ako ng ulo at napatingin sa kanya.

"Tara. Kumain na tayo."

Tsaka ko napansin yung mga bitbit nyang pagkain.

"Kumain na kayo ni Kazuki. Wala akong gana."

Sabay balik ng tingin kay Isha.

Hays. Hanggang kelan ka ba matutulog?

"Tara na. Sumabay ka na samin. Di matutuwa si Isha kapag nalaman nyang hindi ka kumain nang dahil sa kanya."

Napatingin ako sa kanya. Nice. Kasing kulit din sya ni Kazuki at Isha, sa ibang way nga lang. Napabuntong hininga ako. Saglit kong tiningnan si Isha at hinalikan sa noo. Tsaka ako tumayo at sumunod kay Kazue. Saktong pag tayo ko ang syang pagdating ni Ate.

"Oh Ate, bat ngayon ka lang du---M-mishan?"

Napatigil ako sa pagsasalita nung makita ko yung kasama ni Ate.

Pero parang wala syang narinig. Dire diretso syang lumapit sa kama ni Isha at tinitigan ito.

"A-ate I-Isha."

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon