Chapter 18: Them

10 0 0
                                    

Kaito's POV

Napalunok ako nung napatingin si Mishan sa amin, nag sisimula nang magluha yung mga mata nya.

"A-anong... Nangyari kay Ate Isha?"

Nagcracrack yung boses nya. Napakagat labi ako. Napayuko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya.

"K-kuya, A-ate?"

Papalit palit lang yung tingin nya saming dalawa. Magsasalita na sana ako nung dumating si Kazuki.

"Kazue, napilit mo ba si Kuya na kumain? Magagalit satin si Isha kapag yan di natin napakain. Nako. Alam mo na----"

Napatigil sya nung nakita nya si Mishan. Hindi ko alam kung natatandaan nya pa sya pero sa paraan ng pagkakatingin nya kay Mishan, natatandaan nya to.

"K-kuya Kazuki."

"Bakit?"

Wow. Mas malamig pa sa yelo yung sagot ni Kazuki sa kanya.

Nagulat ata si Mishan sa turan nya.

"A-anong, nangyari kay Ate Isha?"

"Hindi ko alam. Hindi naman ako yung nakausap nung Doctor na tumingin sa kanya eh."

Kazuki's POV

Pamilyar sya sakin. Kung hindi ako nagkakamali, sya yung nakababatang kapatid ni Kuya Kean.

Sa totoo lang. Sa lahat ng nangyayari ngayon, clueless ako. Wala akong alam. Ultimo si Kazue, walang alam. Pero alam namin pareho na may nangyayaring di maganda. Kaya nga tulong kaming dalawa para malaman yon. Kasi nung mga bata pa kami, napahiwalay kaming dalawa kay Isha. Hindi ko na matandaan kung ilang taon yun, basta ang alam ko, mahirap mapahiwalay sa kakambal mo. Pati si Kazue, alam ko ganun din ang nararamdaman nya noon.

Kaya ko lang naman natatandaan si Mishan at si Kuya Kean, minsan na silang nakwento samin ni Mama. At nag pakita ng picture nila. Sabi ni Mama, parte sila ng nakaraan ni Isha, na dapat, protektahan namin si Isha mula sa kanila. Pareho kami ni Kazue na hindi maintindihan dati kung bakit yun sinasabi ni Mama samin. Pero ngayon, unti unti na kaming nagkakaroon ng idea. Konting imbestigasyon pa, masasagot na rin ang mga katanungan namin.

"Kazuki."

Sabay tapik ni Kazue sa balikat ko.

Napatingin ako sa kanya.

"Bakit?"

"Tara usap muna tayo."

Napatingin sya kay Ate.

"Ate, ikaw muna bahala kay Isha. At Mishan, pati ikaw Kuya. Tara sa labas muna."

Tumango lang si Ate kay Kazue at naupo na sa tabi ng kama ni Isha. Si Mishan naman, tahimik lang na sumunod kay Kazue pati si Kuya. Sumunod na rin ako sa kanila.

Kaito's POV

Nakayuko lang si Mishan habang ako naman ay nakahalukipkip at nakatingin kay Kazue. Si Kazuki naman, pumunta sa vendo machine at bumili ng maiinom na binigay nya kay Mishan. Tinanggap naman nung isa pero hinawakan lang.

"S-salamat."

Tumango lang si Kazuki.

"Mishan."

Napatingin si Mishan kay Kazue.

"May sakit si Isha. Kaya nandito sya sa ospital. Para gumaling sya, umalis ka na. Hindi ka pwedeng makita ni Isha. Maliwanag?"

"A-ako? Aalis? Hindi! Dito lang ako, babantayan ko si Ate Isha hanggang magising sya!"

Babalik na sana sya sa loob pero pinigilan sya ni Kazuki.

"Kung ako sayo, makikinig ako sa sinasabi ni Kazue. Pagsisihan mo lang din kung hindi ka pa susunod."

"Bakit ba? Bitawan mo nga ako!"

Sabay palag nya.

"Kailangan ako ni Ate Isha. Aalagaan ko sya. Babantayan ko sya hanggang sa gumaling sya."

"Hindi ka nga pwedeng makita ni Isha! Sa oras na makilala ka nya, mas magiging delikado ang lagay nya. Please, makisama ka na lang. Please."

Pagmamakaawa ko. Hindi ko na kayang manahimik na lang dito sa isang tabi.

Napailing sya at nagsisimula na syang umiyak.

"A-ano bang nangyari kay Ate? A-ano bang sakit nya?"

"Hindi mo na kailangang malaman. Ang mahalaga ngayon ay makinig ka. Tara na."

Hinatak ko na sya papalayo sa room ni Isha. Hindi ko alam kung nasa tama pa ba kami o ano. Ang mahalaga samin ngayon ay ang kapakanan ni Isha.

Kiyoko's POV

Napabuntong hininga ako habang nakatitig kay Isha at hinahaplos ang buhok nya.

"Hime. Hanggang kelan ka matutulog? Alam mo bang alalang alala na kami sayo? Si Papa, ilang araw na syang hindi halos nakakakain. Nasa Japan sya ngayon pero sabi nya babalik sya agad. Panay nga tawag nya, kinakamusta ka. Hime. Please wake up."

Napakagat labi ako. Nagsisimula nanaman akong maiyak.

"Hime."

Hawak ko ang kamay nya at napayuko ako. Napabuntong hininga na lang ako, kelangan kong maging matatag, kelangan maging malakas ako, kapag naging mahina ako, paano na sila? Ate ako, kaya dapat ako yung magsilbing lakas nila.

Napabuntong hininga na lang ako at nag angat ng ulo. Nagulat pa ako nang makita ko si Isha na nakatingin sa akin, Ngumiti sya. Isang ngiti ng taong nanghihina.

"I-Isha."

Dali dali akong tumayo at pinindot yung intercom.

"Nurse! Nagising na yung pasyente! Tumawag kayo ng Doctor!"

Napaupo ako agad at hinawakan ng mahigpit yung kamay nya.

"Isha, anong nararamdaman mo?? May masakit ba sayo?? Sabihin mo kay Ate, magsabi ka lang huh Hime?"

"A-ate."

"Icheck nyo agad ang bp nya, bilisan nyo."

Nagmamadali yung mga nurse, yung doctor, hindi ko na narinig at naintindihan yung sinabi ni Isha. Kinuha ko ang phone ko at tinawagan si Kaito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Memories of YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon