PROLOGUE

2.1K 77 6
                                    

Ang kapal niya para lokohin ako!

Hindi naman siya gaanong kagwapuhan ah.

Pero minahal mo? Tuyo ng aking isipan.

Fuck! Lahat na lang ng lalaki nagloloko!

Ano pa bang hinahanap nila eh pare-parehas lang namang may perlas ang mga babae. Pare-parehas lang naman ng taste and mukha! Iba-iba man ang kulay pero parehas lang na perlas 'yon. Hmp!

Kung ipagpapalit niya ako sana man lang sa mas maganda at sexy na sa akin, pero bakit hindi ko maintindihan at mas minabuti nito na pumatol sa isang mas matanda sa kanya at may mga anak pa?

Okay lang naman na ipagpalit niya ako pero hindi ko matanggap bakit sa ganoon pa?!

Hindi ko na naman tuloy mapigilan ang mapalagok sa iniinom kong alak. Nandito ako ngayon sa isang sikat na bar kung saan maraming sikat na celebrity minsan ang pumupunta. Hindi kasi ako pwede pagala-gala sa ibang bar dahil kukuyugin ako ng ibang readers kong makakakilala sa akin.

Kasalanan ng lalaking yun bakit ako nandito ngayon eh! An kapal pa na tinangay ang ibang pera ko. Kung mambababae na lang siya, sana naman sariling pera ang igagastos niya.

Well, ano pa nga bang dapat asahan ko sa mundong ito?

Iisipin ko na lang na may natulungan akong hampas lupa.

Iyon na lang ang iisipin ko sa kanya ngayon para mabilis akong makalimot.

Arrrggghhh!!!

Hindi ko na namalayan kung gaano na ako katagal na nandito. Medyo nahihilo na rin ako at alam kong namumungay na sa mga sandaling ito ang mga mata ko. Alam ko rin na namumula na ako. Kilala ko kasi ang sarili ko kapag ganitong lasing na ako, kaya kailangan ko ng umalis bago pa may mapahamak.

Nararamdaman ko kasi na umiinit na pati ang katawan ko.

Nagbayad ako sa bartender at pagkatapos ay medyo pagiwang giwang na lumabas na ng tuluyan. May mga nakakabanggan pa akong mga tao but who cares? Right?

Dumiretso ako sa sasakyan ko. Ngunit kukunin ko pa lamang sana ang susi ko mula sa loob ng pouch ko, nang makaramdam ako ng matinding pagkahilo.

"Ah shit!" Napakapit ako sa aking gulo.

Kaya ko pa kayang magmaneho? I mean, paano kapag naaksidente ako?

Letse kasing lalaki yun! Kasalanan niya lahat ng ito eh!

Pero ang kapal pa lalo ng mukha niya kung iiyakan ko siya. Duh! Ako? Si Kristala Olarte? Iiyak dahil sa pag-ibig? Duh! Iiyak lang ako sa mga librong sinusulat ko pero hindi sa totoong buhay.

Ang swerte naman niya para iyakan ko. Simula noon, hanggang ngayon, may nag-iisa akong rule sa buhay ko, iibig lang ako pero hinding-hindi iiyak sa kahit na sinong mamahalin ko.

"Ms. Are you okay?" Narinig kong pagtanong sa aking ng isang lalaki bago ito lumapit at inalalayan ako.

Mabilis na tinanggal ko ang pagkapit nito sa beywang ko at lumayo sa kanya.

"What the hell? Lumayo ka nga sakin!" Pagtatabuyan ko sa kanya.

"What? Am just trying to be kind here. Kasi mukhang hindi ka na---"

"I'm fine. Kaya ko kaya pwede ba? Shoo!" Bastos na kung bastos pero sa ngayon wala akong tiwala sa kahit na sino.

Iiling-iling naman ang lalaki na umalis na lamang. Wala siyang magagawa kung ayokong kumilala ngayon ng kahit sino. Lahat naman sila pare-pareho eh! Mga magagaling lang sa umpisa.

Napabuga ako ng hangin sa ere. Pilit na kinakalma ko lang talaga ang aking sarili because it's better safe than sorry. Ayokong madisgrasya, ano?

Pero habang tumatagal yata, nag-iiba rin ang init ng katawan na nararamdaman ko. Para bang may hinahanap ito na hindi ko mawari kung ano.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon