(Continuation of chapter 34)
Tala POV
"The End!"
Pagkatapos kong maisara ang libro ay isang masigabong palakpakan at napakalakas na hiyawan ang maririnig sa buong paligid. Habang ako naman ay hindi maitago ang saya na nararamdaman habang isa-isang naglalaglagan ang aking mga luha dahil sa saya.
Finally, I finished my book again successfully.
"What a beautiful story!"
"You nailed it again, Author. Ang galing!"
"Fantastic! Congratulations, Ms. Author!"
Wala akong ibang marinig kundi ang sari-saring papuri sa akin mula sa mga tahanga at mambabasa ko, na dumalo ngayon sa aking book signing event.
Hindi ko ini-expect na ganito karaming tao ang dadalo para masaksihan ang kwento na muli ko na namang natapos. Of course, hindi magiging ganito ka-succesful ang event na ito kung wala ang tulong nga mga magulang ni Blake.
Masaya rin akong nakadalo ang mga magulang ko at pati na rin si Lexie kasama sina Eli at Faye.
Pagkatapos ng book signing event at noong matapos na ang lahat nang magpapa-signature ng kanilang mga libro ay agad na umexit na ako sa bookstore, kung saan ginanap ang event. Agad na lumapit sa akin ang aking assistant at ini-abot ang aking mga gamit.
Nakakailang hakbang pa lamang ako mula sa bookstore nang biglang may humarang sa aking dinadaanan at ini-abot nito ang isang medium size bouquet.
"Para sa nag-iisang misis ng buhay ko!" Nakangiting pag-abot niya akin ng kanyang hawak.
Agad naman na lumiwanag ang mukha ko at patalon na niyakap siya na parang bata. Isiniksik ko ang aking mukha sa kanyang leeg at pinuno ng halik ang kanyang mukha habang tumatawa na ibinaba ako nitong muli.
Napapanguso na kinuha ko sa kanya ng tuluyan ang bouquet.
"Nakakainis ka! Sabi mo hindi ka makakarating! Hmp!" Nagtatampo na wika ko ngunit ang totoo eh ang saya-saya ko dahil kahit na huli na ay nakarating pa rin siya.
Lumapit ito sa akin, marahan na hinapit ako sa aking beywang bago ako hinalikan sa aking noo.
"Pwede ba yun? Mawawala ba ako? Eh misis ko kaya 'yung writer." Malambing na sabi niya at agad na iginaya na ako patungo sa parking lot.
Kinuha nito mula sa akin ang susi ng sasakyan. Siya na raw kasi ang magmamaneho papunta sa kung saan may inihanda siyang dinner para sa aming dalawa.
Naluluha na napasulyap ako sa kanya habang binabaybay na namin ang daan.
"What's wrong?" Nag-aalala na tanong nito bago kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon. Habang ang isang kamay naman n'ya ay abala sa pagmamaneho.
"Eh kasi kahit na ang busy mong tao, nakukuha mo pa ring i-manage ang oras mo. Kahit na minsan, hindi mo kinalimutan ang mga special event na meron katulad na lang nitong book signing ko." Pahayag ko. Napangiti lamang ito.
"Tala, even though I'm a busy person, remember that you are still my priority. And I have no plans to fail as your wife. Besides, I worked hard for our future, for us." Pagkatapos ay napasulyap ito sa aking hindi pa lumulubong t'yan, "for our future baby." Dagdag pa niya habang nakangiti at hindi maitago ang kislap ng mga mata niya.
Sobrang excited na kasi siya sa magiging baby namin. Mas excited pa sa mga magiging lolo at lola.
And yes, I am three months pregnant. That's why I'm so moody right now. At napaka-swerte ko sa aking asawa dahil kahit na minsan ay bigla na lamang umiinit ang ulo ko, ay never niyang sinabayan ito. Para bang napakadali lamang sa kanya na i-handle ako.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceIt all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Author, kumain kana?" "Ms. Author, ingat sa buong araw ha, mamahalin pa kita." "Ms. Sing ganda ng mga libro mo ang magiging love story natin."...