Chapter 20

800 46 0
                                    

Tala POV


"Are you that happy?" Tanong ko kay Tala nang makita ko itong mayroong malawak na ngiti sa kanyang mga labi habang nakatitig sa aking mukha.

Napahinto kami sandali sa paglalakad. Nag-insist kasi ito na ihatid na ako pauwi kina Mang Berto kahit nasa likuran naman namin sina Lexie at Eli na sobrang na-miss agad ang isa't isa.

"Yes." Sagot nito bago napakagat sa kanyang labi. Hinawi rin nito ang ilang hibla ng buhok na humaharang sa mukha ko atsaka iniipit iyon sa likod ng tenga ko.

Hindi naman kasi talaga maitatago ng mga mata niya ang saya na nararamdaman niya ngayon. Dahil doon ay napangiti na rin ako ng malawak.

I am glad that I am the reason for her smiles now.

"Sa sobrang saya na nararamdaman ko, I feel like I'm just dreaming." Wika nito bago hinaplos ng marahan ang pisngi ko. "At masaya akong hindi lang ako basta nananaginip, masaya akong bumalik ka para sa akin." Dagdag pa niya.

Awtomatiko naman napakagat labi ako para pigilan ang sarili sa muling pag ngiti.

"Your eyes are smiling." Nakangiting sabi niya. "What is it?" Tanong pa niya. "Care to share, my lady?"

Napailing ako pagkatapos ay hinawakan ang magkabilaan niyang pisngi. Mas inilapit ko pa ang katawan ko sa kanya pati na rin ang aking mukha. Napalunok ito habang bumababa ang kanyang mga mata sa aking labi, habang ako naman ay unti-unting inilapat ang aking labi sa kanya.

Kapwa kami napasinghap nang maramdaman naming muli ang lambot ng labi ng bawat isa. Awtomatiko ko ring naramdaman ang dumadaloy na kuryente na bigay ni Blake sa akin, kuryenteng sa kanya ko lamang naramdaman ng ganito.

Hindi nagtagal ang halik na iyon dahil sa pang-aasar nina Eli at Lexie mula sa likuran namin.

"You know guys, pwede kayong pumwesto sa may likod ng punong kahoy, sa kasukalan o kung hindi naman kahit saan na wala pwedeng makakakita sa inyo, wag lang dito sa gitna ng daanan." Sarcastic na sabi ni Eli pagkatapos ay napatawa ng malutong si Lexie.

"Mga baliw!" Natatawa na saway naman ni Blake sa kanyang kaibigan bago nito kinuha ang kamay ko at hinawakan iyon.

Habang ako naman hindi pa rin mapigilan ang kilig na nararamdaman.

Hanggang yata sa pagtulog ay naka ngiti pa rin ako. At swear, hindi ko magawang isarado ang aking labi mula sa pag ngiti dahil hindi ko kaya. Masyado akong masaya para mapigilan nang ganun lang ang malawak kong pag ngiti.

Maging ang aking puso, hanggang ngayon ang lakas-lakas ng kabog nito na animo'y may kung anong pasabog sa loob ng aking dibdib.

Ganito pala ang feeling kapag tuluyang pinakawalan mo ang pinipigilang nararamdaman mo para sa isang tao. Iyong tipo na kahit na ilang beses mo pang ikulong ito sa iyong sarili dahil sa takot na baka masaktan ka, takot na sumugal, takot sa walang kasiguraduhan, pero magiging worth it pala talaga ang lahat kapag natutunan mong harapin ang lahat ng takot na iyon.

Minsan, kinakailangan lang talaga natin ng trigger point para magkaroon ng lakas ng loob para sumugal sa pag-ibig. Nakakatakot naman kasi talaga ang sumugal sa pag-ibig, di ba? Isa kasi talaga ito sa mga bagay na hindi hawak at pwedeng makontrol.

Pero walang mangyayari kung hindi susubukan. Mas maigi nang sumugal sa ngayon, matalo man o manalo, atleast sinubukan, atleast walang pagsisisi sa huli.

Atleast sinubukan ko, para kay Blake, hindi ba? Dahil ayokong mabuhay sa maraming what ifs na sana ay ginawa ko na lang lalo na at may pagkakataon naman na ibinibigay ang mundo para sa akin.

I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon