Tala POV
Nagising na lamang ako na wala si Blake sa tabi ko. Agad na kinabahan ako at binalot ng pag-aalala ang aking dibdib sa dahilang baka napano na siya habang natutulog ako.
Mabilis na bumangon ako mula sa higaan habang hinahanap siya ng aking mga mata sa buong silid. At gayon na lamang ang aking pagkagulat noong makita ko itong nakahandusay sa sahig malapit sa entrance ng kuwarto.
"Oh God! Blake!" Nanlalaki ang mga mata at naginginig ang mga tuhod na mabilis akong lumapit sa kanya.
Awtomatikong bumuhos ang mga luha mula sa aking mga mata noong makita ko itong wala nang malay. Lalo na nang makita ko pa na mayroong dugo sa magkabilaang kamay nito at mula sa gilid ng kanyang labi.
"B-Blake please wake up!" Nanginginig ang boses at ang buo kong katawan habang ginigising siya.
Hindi ko alam ang gagawin sa mga sandaling ito. Alam ko kasi na iba ang sitwasyon ngayon kumpara noong nawalan siya ng malay sa ulanan.
Natatakot ako. Natatakot ako para sa babaeng mahal ko.
"Baby, please wake up! Please, stay with me." Umiiyak sa pakiusap ko habang yakap siya ngunit walang sign na ito ay magigising pa sa mga sandaling ito. Medyo mahina na rin ang pulse niya kaya wala na akong choice kundi ang sumigaw para makahingi ng tulong.
Hindi nagtagal ay may dalawang guard ang agad pumasok sa loob at binuhat ng mga ito si Blake. Para bang alam na alam na agad ng mga ito ang gagawin at kung saan dapat siya itatakbo.
Habang iyong isang guard naman ay pinindot ang alarm ng na connected sa kwarto ng mga magulang ni Blake.
Hindi ko tuloy maiwasan na hindi rin sisihin ang sarili ko sa mga sandaling ito. Bakit ko hinayaan na makatulog ako at nagpadala sa antok nang hindi sinisigurado muna kung okay ba siya. Edi sana nasamahan at naagapan agad. Edi sana natulungan ko siya o nabigyan ng kamot na kailangan niya.
Bakit kung kailan doon siya nahihirapan at kailangan niya ng tulong ko, doon ako walang kamay-malay at mahimbing na natutulog pa.
Yes! I know everything about Blake's condition. I know what illness she has and I also know how much time she has left in this world.
Kaya ganoon na lamang ang takot ko palagi na mawala at alisin siya sa paningin ko. Except for that one day na pinili kong irespeto ang gusto niya na umalis ako sa harapan niya, dahil ayokong mag-cause pa ng stress para sa kanya.
At napakasakit sa akin na pinipili niyang ilihim ang lahat mula sa akin. Naghihintay lang naman ako na sabihin nito sa akin ang totoo. Na sa tuwing magkasama kami, umaasa ako na ipagtatapat na niya sa akin ang lahat.
Pero hindi niya ginawa.
Hindi n'ya magawa.
Ngunit kahit na ganun ay pinili ko pa ring intindihin ang side n'ya. At ilihim mula sa kanya na matagal ko nang alam ang tungkol sa kalagayan niya.
*Flashback*
"C-Come again? Anong sinabi mo? W-What about Blake?" Nangingilid ang luha na tanong ko sa aking PI matapos nitong sabihin sa akin na si Blake at ang secret admirer ko na madalas nagsesend ng messages sa akin ay iisa.
"I'm afraid to say but Ms. Salor is now suffering from cancer." Pag-ulit nito na siyang ikinalambot ng mga tuhod ko. Dahan-dahan na naupo ako sa pinakamalapit na bench dahil sa pakiramdam ko kusa na lamang naubos ang lakas na meron ako sa aking buong katawan.

BINABASA MO ANG
I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceIt all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Author, kumain kana?" "Ms. Author, ingat sa buong araw ha, mamahalin pa kita." "Ms. Sing ganda ng mga libro mo ang magiging love story natin."...