Blake POV
Dahil sa gusto ko na munang maglakad-lakad at lumanghap ng preskong hangin kaya naisipan ko na muna ang pumunta sa may garden ng Hospital. Ngunit itinaon ko na gabi dahil kapag umaga ay maraming tao ang pumupunta rito.
Gusto ko kasi sana rin muna ang mapag-isa, manood at pagmasdan ang mga bituin ng mag-isa at e-enjoy ang moment na ganito dahil alam kong mamimiss ko ang mga ganitong sandali oras na mawala ako.
Sa totoo lang, ramdam ko na mas lalo akong nanghihina ngayon. Iyon bang kahit na ilang beses ko pang kumbinsihin ang sarili ko na kaya ko pa, pero 'yung katawan ko, ramdam kong pahina na ng pahina at isa iyon sa bagay na wala na akong magawa pa, kahit pa nga siguro ang pinakamagaling na Doctor pa.
Hindi ko alam kung ilang minuto na ba akong nakaupo at nakatambay dito sa garden nang dumating si Tala. Agad na binigyan ko ito ng isang matamis na ngiti bago siya tuluyang naupo sa tabi ko.
Tahimik lamang na hinawakan nito ang kamay ko, napatingala siya sa kalangitan at doon ay gumuhit ang isang ngiti sa kanyang labi. Awtomatiko na muling napangiti rin ako habang lihim na pinagmamasdan siya.
Isa kasi ito sa mga moment na natitiyak kong mamimiss ko. 'Yung makasama si Tala, maramdaman ang presensya niya, makita ang mga ngiti at magaganda niyang mga mata, marinig ang boses niyang parang musika, marinig ang salitang 'mahal kita' mula sa kanya. 'Yung mga maiinit na yakap niya, iyong init ng hininga niya sa tuwing nagtatama ito sa balat ko at higit sa lahat, 'yung walang kasing tamis na mga halik niya.
Hindi pa ako nagmahal ng ganito. Wala pa akong ibang minamahal ng ganito sa tanang buhay ko. Siya lamang ang bukod tangi at hanggang sa huling sandali ng aking buhay, masaya ako dahil binigyan kami ng pagkakataon na magkakilala, na maging masaya sa piling ng isa't isa. Masaya ako na bago pa man ako pumanaw at tuluyang lisanin itong mundo, hinayaan pa rin ni Kupido na magmahal ako at mahalin ng totoo.
Wala akong ibang gusto para kay Tala kundi ang makita siyang masaya. At kung dumating man ang araw na magmamahal siyang muli, I willingly accept that and I will be happy for her because I know someone will take care of her. After all, she won't be alone anymore, someone will stay by her side, someone who will fulfill the things that I couldn't do for her.
Wala akong ibang hangad kundi ang may taong pipiliin siya ng paulit-ulit kahit na sa pinakamahirap pa na sitwasyon. Alam ko kasi na hindi ko na magagawa ang mga iyon. Gustuhin ko man na ako ang nandiyan para sa tabi niya, sa mga oras na masaya, malungkot at nahihirapan na siya, humawak sa mga kamay niya hanggang sa pagtanda, makitang maubos ang mga ngipin niya, pumuti ang mga buhok at kumulubot ang balat niya...alam kong hindi ko na iyon masasaksihan pa.
Magiging totoo na ako ngayon sa sarili ko. Tanggap ko nang hindi ko na matutupad pa para kay Tala ang mga bagay na pinapangarap ko para sa aming dalawa, para sa kanya.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha noong maramdaman ko ang pag-agos ng luha mula sa aking mga mata at pagkatapos ay pasimpleng pinunasan iyon.
Noon din ay napalingon ito sa akin. Napalunok siya ng mariin bago tuluyang nagsalita.
"I-Itigil na natin 'to?" Biglang sabi nito sa akin at napiyok pa sa dulo. Kasabay noon ang pagtulo ng mga luha mula sa kanyang mga mata at napalunok ng mariin. Mabilis niya namang pinunasan iyon gamit ang kanyang palad.
Para bang mas lalo akong nanghina sa sinabi niya.
Nakikipaghiwalay na ba siya sa akin? Hindi ko mapigilang itanong sa aking sarili at kusang naramdaman ang kirot na gumuhit sa aking dibdib.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETED
Roman d'amourIt all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Author, kumain kana?" "Ms. Author, ingat sa buong araw ha, mamahalin pa kita." "Ms. Sing ganda ng mga libro mo ang magiging love story natin."...