Blake POV
Nagising ako na sobrang nananakit ang aking buong katawan. Daig ko pa yata ang binubog at hinampas ng paulit-ulit ng latigo, ganoon din ang aking ulo na animo'y mabibiyak sa kirot. Ang init ng pakiramdam ko, pati na rin ang bawat paghinga ko na parang may inilalabas na apoy.
Sandaling pinakiramdaman ko pa ang aking sarili bago dahan-dahan na iminulat ang aking mga mata. Kusang napakunot ang aking noo nang magtama ang aking paningin sa magandang mukha ng babae na nakaupo sa gilid ng aking kama habang hawak-hawak ang kaliwa kong kamay.
Mahimbing na natutulog ito at medyo naririnig ko rin ang mahina niyang paghilik.
Malungkot na napangiti ako sa aking sarili nang makita na ang itsura nito ang una kong nasilayan. Ngunit hindi mapigilang malungkot ng aking puso dahil sa nakikita niya ako sa ganitong kalagayan. Susubukan ko sanang hawiin ang ilang hibla ng buhok nitong humaharang sa kanyang mukha nang iminulat nito ang kanyang mga mata.
Mabilis na napaiwas ako ng tingin mula sa kanyang mukha nang magtama ang aming mga mata.
"Blake, you're awake!" Tila ba biglang nabunutan ng tinik sa dibdib na sabi niya bago napatayo.
"A-are you okay? May masakit ba sa'yo? D-Do you need anything---"
"Tala, I'm fine." Putol ko sa kanya at hinawakan ang kamay nito upang tuluyan na siyang kumalma at para na rin maniwala siyang ayos na ako. Lalo na dahil nasa tabi ko siya.
Muli itong naupo sa kanyang upuan bago napangiti ng may pagkaalanganin.
"I'm sorry, about last night." Paghingi nito ng tawad habang nakayuko. Ako naman ay muling napaiwas ng tingin at ibinaling sa ibang direksyon ang aking mga mata.
Hindi ako kumibo at nagkunwari na wala lamang sa akin ang mga pangyayari.
Hindi ko naman kasi alam kung ano ang dapat na sabihin.
Unang-una, ayaw ko sanang makikita niya ako sa ganitong sitwasyon. Pero nangyari na at mukhang nagpuyat pa siya sa kakabantay sa akin buong gabi. Pangalawa, hindi dapat siya ang nag-so-sorry ngayon kung hindi ako.
Pero hindi ko naman alam kung anong idadahilan ko sa kanya. Kung bakit kailangan kong humingi ng tawad dahil kitang-kita ng dalawang mga mata niya na naglapat ang mga labi namin ni Faye. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ang lahat.
Hindi ko naman pwedeng sabihin ang tunay na dahilan. So I remained silent and chose to give her a cold shoulder.
Napahinga ako ng malalim bago napalunok ng mariin.
"Pwede umalis ka na?" Pakiusap ko sa kanya in a serious tone. Iyong madadama niyang ayaw ko na muna siyang nandito.
I don't know. Sa tingin ko lang ay kailangan ko siyang ipagtabuyan ngayon dahil nasasaktan ako sa sitwasyon naming dalawa ngayon.
"B-Blake." Pagbanggit nito sa pangalan ko. Halatang nabigla sa sinabi ko.
"Please." Muling pakiusap ko pa sa kanya ngunit hindi pa rin makatingin sa kanyang mga mata. Pinilit ko rin ang aking sarili na iharap ang aking katawan sa kabilang direksyon ng kama. Kasabay noon ang pagpatak ng luha sa aking mga mata.
Hindi nagtagal ay naramdaman ko na lamang din ang pagtayo nito, ang kanyang mga hakbang papalayo mula sa akin. Ang pagbukas at pagsara ng pintuan ng aking kuwarto.
Hindi ko mapigilan ang mas lalong maging emosyonal.
I don't want to push her away, but I have no choice. Bukod kasi sa nasasaktan lang ako eh hindi ko rin mapigilan ang makonsensya dahil sa hindi ko magawang sabihin sa kanya ang kondisyon na meron ako. I cannot. I just can't.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETED
RomanceIt all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Author, kumain kana?" "Ms. Author, ingat sa buong araw ha, mamahalin pa kita." "Ms. Sing ganda ng mga libro mo ang magiging love story natin."...