Blake
"Faye, am begging you. Please." Nakikiusap na sabi ko kay Faye habang hinahawakan siya ng mahigpit sa kanyang braso.
Nakita ko na lang kasi itong papunta sa kusina kung nasaan si Tala. Sa tagal na naming magkakilala at magkaibigan, alam ko na ang takbo ng utak niya. Alam kong sasabihin at sasabihin niya ang totoo kay Tala. Alam kong darating ang araw na hindi ko siya mababantayan para pigilan pa.
Kaya naman wala akong nagawa kundi mabilis na nilapitan siya para pigilan. At kahit na ilang beses pa akong magmakaawa kay Faye, gagawin ko, huwag lamang malaman ni Tala ang tungkol sa sakit ko.
Pilit na napaharap ito sa akin bago napahinga ng malalim. Napailing ito habang nakatingin ng diretso sa mga mata ko.
Ang lakas lakas ng kabog ng dibdib ko sa takot na malaman ng girlfriend ko ang tungkol sa bagay na itinatago ko sa kanya. Sa bagay na hindi niya kailangang malaman.
Mas nag-aalala pa nga ako kay Tala oras na malaman niya ang tungkol sa kondisyon ko, kaysa sa sarili ko eh. Kasi hindi ko kaya, hindi ko kayang madudurog at masasaktan siya nang dahil sakin.
"Blake, ilang beses ko bang kailangang sabihin sa'yo, malalaman at malalaman din naman ni Tala ang totoo, bakit hindi na lang ngayon?" Wika nito.
Napalunok ako bago napailing.
"Hindi niya kailangang malaman---"
"At kailan mo gustong malaman niya, k-kapag n-nawala ka na?" Naluluha at utal na sabi nito sa akin. "Blake, do you really think mas magiging magaan ang lahat para sa kanya kapag ganun? Na sana ay nalaman n'ya agad ang tungkol sa sakit mo, so she can do everything for you. Dahil mas maaalagaan ka niya, alam niya kung ano ang mga pwede niyang gawin at hindi, at mas magiging handa siya." Tuloy-tuloy na sabi at paliwanag nito sa akin.
Natigilan ako sandali at napaisip. May punto rin naman talaga si Faye.
"At hindi ko sinasabi ang lahat ng ito dahil gusto ko na siya para sa'yo ha? I'm just telling you this dahil inilalagay ko rin ang sarili ko sa sitwasyon ni Tala. Dahil mas masasaktan siya kapag nalaman n'ya pero huli na ang lahat. Isa pa, she really cares for you, Blake. Ano sa tingin mo ang mararamdaman niya na sa lahat ng taong nakapaligid sa'yo, siya lang ang bukod tanging hindi nakakaalam ng tungkol sa kondisyon mo." Dagdag pa nito.
Hindi ako makapagsalita. Kasi totoo namang mas masasaktan ko lang ng lubusan si Tala. Lalong-lalo na at girlfriend ko siya. Pero, hindi ko pa rin kasi talaga kaya.
Hindi ngayon.
"Kahit naman malaman niya, ganun pa rin naman, Faye eh. Kahit naman gawin ni Tala ang lahat para sa akin, alagaan niya ako at ingatan na huwag mangyari ang kinakatakutan ninyong lahat, ang mawala ako dito sa mundo--- ganun pa rin." Napahinto ako sandali bago nagpatuloy. "I-I will still die and Tala's efforts will be useless."
Napakagat sa kanyang labi si Faye. "At least she will be ready for anything that can happen. Hindi magiging useless ang alagaan ka kasi alam niya sa sarili niyang nagawa n'ya ang best n'ya para alagaan ka! Mas matatanggap n'ya ng magaa. Hindi 'yung mabibigla na lang s'ya, w-wala ka na!" Naluluha na muling tugon nito.
Napapikit ako ng mariin. "Faye...please. Just don't do this. Hayaan mong ako na ang mag-handle nito." Muling pakiusap ko pa. "Ano ba ang pwede kong gawin para---"
"Kiss me or I will tell her."
"WHAT?!" Tila ba nabingi ako sa sinabing iyon ni Faye. Napatawa ako ng mapait. I know she's just bluffing.
Ngunit bigla na lamang nitong muling inihakbang ang kanyang mga paa papasok ng bahay. Noon rin ay namataan kong papalabas na si Tala galing kusina habang mayroong dalang alak na iinumin nila. Kaya naman mabilis kong muling pinigilan si Faye sa pamamagitan ng mahigpit na paghawak sa kanyang braso.
"Faye, don't you dare---"
"Tala---"
I shut her up using my mouth.
Yes!
I kissed Faye. I kissed her kahit sobrang labag sa loob ko. Kahit na ang bigat bigat ng dibdib kong gawin iyon para lamang hindi na ito makapagsalita pa.
Noon naman may marinig kaming isang nasagi at nabasag na flower base. Mabilis kong itinulak papalayo si Faye mula sa aking katawan.
Para akong tanga na nakatayo lamang sa kanyang harapan ngayon. Sa mga sandaling ito alam kong nag-iisip na siya ng kung anu-ano.
Lakas loob na tinignan ako ni Tala sa aking mga mata. At nasasaktan ako kung paano niya ako tignan ngayon. Nasasaktan akong makita na nasasaktan ko siya.
Pagkatapos ay napailing ito ng mariin habang isa-isang nagpapatakan ang kanyang mga luha. Hindi ko naman mapigilan ang mapamura ng palihim at paulit-ulit na sinisisi ang sarili. Kasabay ang pagtulo na rin ng mga luha mula sa aking mga mata.
Maingat na inilapag nito ang hawak na bote ng alak sa ibabaw ng malapit na lamesa at walang sabi na tinalikuran na kami ni Faye.
Hindi naman ako nagdalawang isip na agad na sundan siya.
"Tala!" Pagtawag ko sa kanyang pangalan upang pigilan siya. Ngunit tila ba wala itong naririnig at dire-diretso na lumabas lamang ng bahay at gate kahit na napakalakas ng ulan.
Hindi ako papayag na hindi man lang nasasabi ang side ko sa kanya. Lulusong na rin sana ako sa ulanan nang may biglang humila sa akin para ako ay pigilan.
"Magpapakamatay ka ba talaga?!" Galit na singhal sa akin ni Faye at hinila akong muli papasok ng bahay ngunit nagmatigas ako. Mabilis na nagpumiglas ako sa pagkakahawak nito sa akin.
"Mamamatay na rin naman ako, 'di ba? So doon ko na gagawin sa worth it pagbigyan at paglaanan." Wika ko at walang sabi na iniwanan siya roong nakatayo mag-isa.
Hinabol ko si Tala hanggang sa makakaya ko. Ilang beses ko siyang tinatawag sa pangalan n'ya pero masyadong malakas ang buhos ng ulan yata para marinig ako.
Madilim na rin kasi ang paligid kaya hindi nito napapansing may sumusunod sa kanya. Nakita ko ito na dire-direstsong pumasok sa loob ng bahay nina mang Berto. Alam kong papasok siya agad sa loob ng kanwayng kuwarto kaya doon na ako dumiretso sa may bintana kung saan ako madalas dumaan kapag sinusurpresa ko siya sa umaga.
Ngunit bigo akong makita at maabutang nakabukas ito. Kumatok ako ng maraming beses na halos kulang na lang eh mabasag ko ito.
"Tala, please open up. Please!" Nanginginig ang boses na pakiusap ko sa kanya.
Dahil sa totoo lang nakakaginaw ang lamig ng simoy ng hangin kasabay ang malakas na buhos ng ulan.
"Tala! Please! Open this goddamn window!" Muling pagtawag ko pa sa kanya bago napayakap sa aking sarili. Para na rin akong basang sisiw dahil basang-basa na talaga ako ng ulan.
Ngunit sa muling pagkatok ko sa bintana ay basta na lamang ako nakaramdam ng panghihilo kaya sandaling napasandal ako sa pader at kinalma ang aking sarili.
"T-Tala. Please! Please, l-let me e-explain..." Medyo nahihirapan na rin ako sa aking paghinga at nanghihina ang mga tuhod.
Pilit na kinakalma ko ang aking sarili. At bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay rito at makita ni Tala sa ganitong kalagayan ay dahan-dahan na inihakbang ko na ang aking mga paa papaalis, palayo sa bahay nina Mang Berto.
Ngunit kalalabas ko pa lamang ng gate ng kanilang bahay ay kusang natumba ako at tuluyang napahiga sa lupa. Naramdaman ko rin ang pagtama ng aking ulo sa matigas na bagay at gustuhin ko mang indain ang sakit na natamo, ay hindi ko magawa.
Para bang hindi ko na makontrol pa ang aking isipan at katawan. My mind wants to fight so hard, so I can stand up again and walk away, but it seems like I don't have the strength anymore until my vision goes dark and I lose consciousness.
Ngunit bago pa man ako tuluyang mawalan ng malay, habang unti-unting pumupikit ang aking mga mata, I saw Tala running towards me with worry in her eyes.
Oh, please! Tell me am just dreaming. I don't want her to see me in this kind of situation.
BINABASA MO ANG
I'm In Love With Ms. Author (GirlxGirl) COMPLETED
Lãng mạnIt all started with a 'Hi Miss!' Until followed by many messages that until now I still do not reply. "Ms. Author, kumain kana?" "Ms. Author, ingat sa buong araw ha, mamahalin pa kita." "Ms. Sing ganda ng mga libro mo ang magiging love story natin."...