Gino's POV
Hindi ako masyadong nakatulog, Dahil naeexcite ako dahil TUESDAY ngayon. Kaylangan kong higitan ang ginawa ni Steven kahapon. Ayoko matalo. Ipaglalaban ko si Audrey. Hanggang kaya ko. Pupunta ako ngayon kela Audrey ang plano ko sunduin siya para sabay kame papasok.. andito na ako sa harapan ng Bahay nila.. Magdodoorbell na sana ako, Ng biglang bumukas ang Gate nila..
"Hello po.Goodmorning po. andyan pa po ba si Audrey?
Bati ko sa mommy ni Audrey. Halata naman na nagulat siya.
''Goodmorning din sayo. Wala na ditto si Audrey. Kasabay na siya ng daddy nya pumasok. Sagot ng mommy sakin ni Audrey.
''Ganon po ba, Osige po, alis na po ako.
Ang aga naman ata pumasok ni Audrey? Hmm. Dapat pala mas inagahan ko pa ang pag punta. Nagdadrive na ako papunta sa School. nang biglang napansin ko ang tindahan ng mga bulaklak. Napangiti ako. Dahil alam kong mapapangiti siya sa mga bulaklak na bibilin ko.
''Sir anong klaseng bulaklak po ba ang hanap nyo? Tanong sakin ng tinder.
'Sa Girlfriend mo po ba ibibigay? Ang best seller po namen eh yung Tulips po.
Nakita ko nga maganda siya. Sure kong magugustuhan ni Audrey yun..
''Sige ate isang Bouquet ang bibilin ko.
Papunta na ako sa school. Excited na ako makarating sa dun at namimiss ko na si Audrey.
Ilang Minuto lang nakarating naako sa school. Dala dala ko ang bulaklak na bibigay ko kay Audrey. Malapit na ako room, Naririnig ko na ang tawa nya. Kahit hindi ko siya nakikita alam kong siya yun..Pumasok na ako sa room bigla sila tumahimik. nakatingin sila lahat sakin.. Binasag ko ang katahimikan.
''Hello My Princess, Goodmorning. sabay abot ko sknya ng bulaklak.
''Nag abala kapa Gino. Salamat. sabi na nga ba at magugustuhan nya ang bulaklak na binili ko.,
''Wala yun noh, Basta sayo nangingnig pa. Sinundo kita sa bahay nyo eh, sabi ng mommy mo sumabay kana daw sa daddy mo. Umupo na ako sa tabi nya, Wala pa si Steven? For sure hindi siya papasok. Dahil siguradong mapipikon lang siya. hahahaha.
''Pre bakit kaba umuwi ka agad kahapon? Tanong sakin ni Carl
''Sumama pakiramdam ko. Pero ang totoo nagseselos ako kahapon. Kase nakita kong masaya si Audrey na kasama si Steven.
''Pre ang SLOW mo naman eh, Alangan naman na makatagal siya dun eh ang kasama ni Audrey si steven. Sagot ni Brayan
''Ano ba kayo wag nyo nga asarin si Gino. Pagtatanggol ni Nash sakin.
Ilang minuto lang biglang dumating si Steven, Nakatingin siya kay Audrey.
At napansin kong hindi makatingin si Audrey kay steven. Bakit? May nangyare ba kagabe na hindi ko alam?
Audrey's POV
Grabeee. Hindi ako makahinga, pakiramdam ko ang init init. Grabe, Paano ba naman ako makakakilos ,aSa kaliwa ko si Gino sa kanan ko si Steven, Hindi ako masyado makagalaw...Hirap ng ganito..Biglang lumipat si Gino sa harap. Ade naiwan kame ni Steven dito sa likod.
Maya maya lang. May nilagay si Steven sa May notebook ko. isang papel. Binuksan ko ang papel na binigay nya. napangiti ako..
"Goodmorning bhebheko. Ang ganda ganda mo. Bukas ulit ha?
Nagmamahal: Steven Pogi. :)
Hindi ko alam kung kilig ba tong nararamdaman ko oh Kilig na kilig. Nangingiti ako ng biglang tumabi ulit si Gino sakin.
"Bakit? Tanong nya,
"Ha? Anong Bakit? Sagot ko sknya. Kunwari wala akong alam.
"Bakit ka nakangiti? Napansin pala nya yun.
"Wala. Natawa lang ako, May naalala lang ako. Sagot ko nalang sknya. hindi ko naman kase pwede sabihin na kaya ako nangingiti dahil sa sulat ni steven sakin.
"Ah.okay. Mamaya kaen tayo sa labas ha? Sabi nya sakin. Tumango nalang ako. tinignan ko ang bulaklak na binigay sakin ni gino. Ang ganda ng bulaklak. Tama ba tong ginagawa ko? na magpaligaw sa dalawang tao?
"Pree mamaya nag aaya si Nash labas daw tayo? Aya ni Carl kay Steven at Gino.
"Kayo nalang pree may pupuntahan kame ni Audrey mamaya. Enjoy nalang kayo. Sabi ni Gino.
"Ahh. Ganun ba pree. Sige. Ikaw steven? Sasama kaba? Hininhintay ko kung ano ang isasagot ni steven.
"Hindi na pree, May pupuntahan ako . Kayo nalang. Sagot ni steven. Saan kaya siya pupunta?? Tsk.
"Ate audrey? Mamaya aalis kaba? Tanong sakin ni annika.
"Oo eh, Inaya ako ni Gino kumaen sa labas. Sagot ko sknya.
"Ahh. Aayin sana kita sa mall mamaya. Pero sa susunod nalang...
After ilang oras tapos na rin ang klase. Nagsilabasan na mga classmate namen. Nakaramdam ako ng gutom.
"Tara raven kaen na tayo? Nagugutom ako eh. Aya ko kay raven.
"Eh diba ate Audrey aalis kayo ni Gino?
"Ha? Ngayon naba yun? akala ko mamayang gabi pa yun eh, Eh asan ba siya? Tapos nakita kong palapit na siya sakin.
"Alis na tayo My princess? Aya nya sakin. Tumango nalang ako...
Nakakailang naman ngayon. Bakit ganun, Parang mas sanay ako na si steven ang kasama ko? Namimiss ko ang kalokohan nya.. Ano ba tong iniisip ko. Si gino ang kasama ko, Dapat sknya muna ang oras ko. Dapat wala muna si Steven sa isip ko..
"Medjo mabagal po ang Update ko, Hanggang ngayon kase masama pa pakiramdam ko. Spreaaaad The Love!Xoxo!💕💋✌️
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love!
Teen FictionPleasssse! Pakibasa po ito. Importante po tong sasabihin ko. Sa lahat po ng nakabasa na ng Chapter 1 to 50 ng The More You Hate The More You Love. ito po ang Kasunod na Chapter. Nagkaproblema po kase ang isa kong Acct. Hindi ko na po siya maopen. S...