CHAPTER 80

43 3 0
                                    


Steven's POV

Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko ngayon, Bakit kase bumalik pa siya, Hindi ko alam kung dapat ba kame magtiwala sknya. Natatakot ako sa kaya nyang gawin..
Hayyy. Napadukdok nalang ako sa desk ko. -___-

"Ano iniisip mo bhebheko? Napangiti ako nung narinig ko nag bosses nya. Kahit anong bad day ko talaga nagagawa nya parin ako mapangiti kahit sa simpleng tanong lang nya.

"Iniisip ko lang kung makakailang anak ba tayo. Biro ko sknya. Dahilan para kumunot ang noo nya, Ang cute talaga nya..

"Ewan ko sayo. Ang manyak mo. Sabay talikod sakin. Hahahaha. Napikon ko nanaman siya.

"Joke lang. Mamaya may pupuntaha tayo. Hindi pwedeng hindi ka sasama okay? Napatingin siya sakin.

"Basta ba ibibili mo ako ng Fries sa Mcdo eh. Muka talaga siyang Mcdo,

"Oo napo. Pagsang ayon ko sknya.

Ken's POV

Ano kaya naging dahilan ng paghihiwalay ni Steven syaka nung Celina na yun. Tinitignan ko si Celina. Muka naman siya mabait. Hindi naman siguro siya gagawa ng ikapapahamak ni Audrey, Subukan lang nya.. Pero iba talaga ang pakiramdam ko eh. Maya maya may nambatok sakin. Napatayo ako agad, At tumingin ako sa likod ko para malaman kung sino gumawa nun..At nanlaki ang mata ko sa nakita ko!

"Bakit mo ginawa yun? Sinasabi ko yun habang hinihimas ko yung ulo ko.

"Bakit ka nakatingin kay Celina? Gusto mo ba siya?? Sabay talikod at lumabas siya ng room. Hinabol ko siya.

"Hindi ah. Alam mo naman na ikaw lang ang Babyloves ko diba? Pang aamo ko sknya.

"Siguraduhin mo lang. Ako lang dapat, Ayoko tumitingin ka sa iba. Seryoso nyang sabi sakin. Wow. Nagseselos ba siya? Kung Oo, Kinikilig ako.

"Wala ka dapat ikaselos, Dahil ikaw lang mahal ko. Ikaw naman kase ayaw mo pa ako sagutin eh. Pagkasabi ko nun bigla nya ako kiniss sa pisngi ko. Na kinagulat ko.

"Sinasagot na kita. Siguro naman sapat na yan, Para masabi kong akin kana? Seryoso nyang sabi sakin. Hindi ako sumagot, Pero bigla ko siya niyakap ng mahigpit.. Ang saya ko ngayon, Ang sayasaya ko....

"Tara na Baby sa room, Baka hanapin na nila tayo. Tinawag nya ako baby, Ibig sabihin nun kame na nga. Tumango nalang ako.. Habang naglalakad kame bigla ko naalala na may itatanong pala ako sknya...

"Babyloves may itatanong lang sana ako. Seryoso kong sabi sknya.

"Ano yun baby?

"Ano ba dahilan bakit naghiwalay si Steven at Celina? Pagakasabi ko nun, Bigla siya napahinto sa paglalakad .

"Si Celina ang nang iwan sa kuya ko, Pumunta siya sa Europe, Sila pa sana ni kuya nun. nalaman nalang ni kuya na boyfriend na ni Celina yung manager nya. Alam mo ba awang awa ako sa kuya ko nun, Hindi nga namen siya makausap nun dahil lage lang siya nakakulong sa kwarto. Tapos ngayon nagulat nalang kame bumalik siya dito sa pilipinas,Tapos nung Nakaraan lang sabi nya babawiin daw nya si kuya, Tapos ngayon naman nabago ang ihip ng hangin, Gusto nya makipag kaibigan satin, Lalo na kay Ate audrey, Alam kong may plano yung babae na yun. Ngayon alam ko na kung bakit malaki ang galit nya kay Celina, Dahil ginago ang kakambal nya.

"So ibig mong sabihin may masama siyang plano kay Audrey? Tanong ko.

"Ewan ko. Siguro. Basta hindi na ako magtitiwala sa babae na yun. Naka kunot na sabi ni Annika.

"Tara na nga pasok na tayo, Aya ko sknya, Nagulat nalang ako at bigla nya hinawakan ang kamay ko, Dahilan para mamula ako, Potek, Nagiging bading ata ako. Papasok na kame sa room. Pagpasok namen nagulat kame nung nakatingin samen ang lahat. Bakit kaya??

"Hoy! ano yan ha? Bakit kayo nakaholdinghands? Steven oh? Tignan mo. Nagulat ako kay Brayan napansin agad nila yun?

"Kame na bakit? Bawal ba maghawak kamay ang mag-ON? Pagtataray ni Annika.

"Wow. Congrats! Sabay na sabi ni Raven at Ate audrey.

"Hala. Mahalko oh? Tayo nalang ang napag iiwanan. Si Audrey sinagot na si Steven, Si Annika sinagot narin nya si Ken. Ako ba? Kelan mo sasagutin?? Sabi ni Nash kay Raven, Dahilan para malipat skanila ang atensyon ng lahat.

"Tigilan mo nga ako. Pagkasabi ni Raven nun, Nagtawanan kame lahat.
Kame naman ni annika, Umupo na kame sa upuan namen..

Raven's POV

Pauwi na kame. Kasabay ko si Nash ngayon, Naglalakad na kame papunta sa kotse nya. Hindi nya ako kinakausap. Bakit kaya?

"Hoy. Bakit ang tahimik mo? Tanong ko sknya.

"Wala. Tipid nyang sagot sakin. Napakunot ang noo ko, Nakakainis

"Anong wala? Hindi mo nga ako kinakausap eh. wag mo na nga lang ako ihatid. Sasakay nalang ng taxi. Sige.. Tatalikod na sana ako ng bigla nya ako hinatak at niyakap.

"Mahalko naman eh, Gusto ko lang naman kase lambingin mo ako. Galit ka naman agad. Napangiti ako sa sinabi nya. hanggang ngayon yakap yakap parin nya ako..

"Nash ano ang kaya mong gawin para sakin? Tanong ko sknya.

"Lahat mahalko lahat gagawin ko para sayo, Maniwala ka ngayon lang ako nagmahal ng ganito. Ang love at 1st sight ako sayo. Pagkasabi nya nun, Niyakap ko narin siya, Damang dama ko ang tibok ng puso nya. Ang bilis. Kasing bilis ng sakin...

"Nash mahal na nga rin ata kita.... Pagkasabi ko nun, Bigla nya ako nilayo sknya. Tapos nakita ko ang itsura nya, Nanlalaki ang mata nya.

"Talaga?? Tanong nya.. Yung itsura nya parang hindi siya naniniwala.

"Oo nga.. Pagkasabi ko nun nagtatalon siya sa tuwa. Para siyang bata.

"Ade sinasagot mo na ako?

"Kung hindi mo mamasamain Oo sinasagot na kita. Bigla nya ako binuhat. Grabe. Nagulat ako sa ginawa nya.

"Ano ba Nash ibaba mo nga ako, Nakakahiya ang dame nakatingin saten. Pagkasabi ko nun, Binaba nya ako, At humarap siya sa lahat ng studyante na nakahinto at nakatingin samen.

"Makinig kayo lahat Girlfriend ko na tong babae na to, Sinagot na nya ako.. Yessssss! Sigaw nya, Ganun ba talaga sila? Parang may mga toyo kapag nagiging masaya? Tsk.

"Tara na nga umalis na tayo. Hinatak ko na siya pasakay ng kotse. Nakakahiya na eh. -___- Baka ano pa ang isipin ng iba..

Medjo busy po ako ngayon, Nag eedit kase ako ng trailer nitong Story ko. May bago po akong Apload sa Youtube, Medjo may sablay parin po yun, Pasensya na po. Ü Spreaaaad The Love! Xoxo.💕💋✌️

The More You Hate The More You Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon