Audrey's POV
"Hoyyyyy Philip James Cruz! Simula ngayong araw na to, Masasabi kong wala na ako nararamdaman para sayo. Kung nasan ka man ngayon sana maging masaya kana, Kase ako ngayon masasabi kong masaya na ako. Meron ako nakilalang lalake na Handang patunayan na hindi lahat ng lalake eh manloloko gaya mo!! Lahat ng alaala mo sakin tinapon ko na. Ito na ang huli!!
Pagkasabi ko nun nilabas ko ang Picture namen at yung huling sulat ko sknya. Pinunit ko sila ng maliliit. At tinapon sa basurahan. Ito ako ngayon, nagmumuni muni, Ang sarap sa pakiramdam na nailabas ko lahat ng gusto kong sabihin. Simula ngayon hindi ko na siya iisipin. Handa na ako pakawalan ang nakaraan namen...
At si Steven? alam ko na ang tunay na nararamdaman ko para sknya..Ilang segundo lang nagulat ako biglang may yumakap sakin. Hindi ko makita kung sino kase nakatalikod ako... Pagkayakap nya sakin, Ramdam na ramdam ko ang tibok ng puso nya.. magsasalita na sana ako ng bigla siya nagsalita.
"Wag ka mag alala bhebheko, Dahil ako hinding hindi kita iiwan. Hanggang sa dulo ikaw at ikaw lang. nararamdaman mo ba ang tibok ng puso ko? Ang bilis diba? Nagiging ganyan lang naman kabilis yan kapag kasama kita.. Mahal kita Audrey, Sana bigyan mo ako ng pagkakataon para maparamdam ko sayo kung gaano kita ka mahal....
Napapikit ako sa sinabi nya, Sana nun ko pa siya nakilala, Para siya nalang ang una kong minahal. Hinayaan ko lang na yakapin nya ako, Ilang minuto rin kame ganito. Bawat tibok ng puso nya damang dama ko. Grabe ang bilis....
"Hindi kita mamadaliin bhebheko. Hihintayin ko kung kelan ka magiging handa. Nung sinabi nya yun, Inalis na nya ang pagkakayakap nya sakin. Hinarap nya ako sknya. Hindi ako makatingin sknya. Ayoko makita nya ang itsura ko. -___- Ramdam na ramdam ko ang init ng muka ko. Namumula ako.
"Tara na? Punta na tayo sa Canteen?? Tumango nalang ako sknya. Naglalakad na kame papunta sa Canteen. Ng bigla siyang nagsalita nanaman.
"Sa Birthday namen ni Annika, Hindi pwedeng wala ka nun ha? sumama ka nun, Kahit yun nalang ang regalo mo sakin ang pagsama mo. Masayang masaya na ako. Ngiti nyang sabi sakin.
Pero gusto ko parin siya bigyan ng regalo. Yung regalo na alam kong magugustuhan nya."Oo Sasama ako. Wag ka mag alala. Sagot ko sknya. Naglalakad kame ngayon, Napapatingin ako sknya, Mas lalo kong napatunayan kung ano talaga ang nararamdaman ko para sknya, Mahal ko na nga talaga siya... Siguradong sigurado na ako dun..
Steven's POV
Pinag uusapan na namen ngayon kung anong oras kame aalis next Week. Grabe. Mga excited ang mga kasama ko..
"Pre babaha ba ng alak? Tanong ni Carl na nakangiti. Magsasalita na sana ako ng biglang nagsalita si Brayan.
"Oo naman. Hindi pwedeng walang alak, At dapat may Chix. Nakangisi pa ang gago. mga gago talaga eh.
"Hey! Bawal ang chix nun, Dapat tayo lang ang andun. Okay? Pagtataray ni Annika.
"Madaya pala kayo eh, Gusto nyo kayo lang ang may kalovelife. Porke may ken ka, Si Nash may Raven, Si steven may Audrey, Paano kame dalawa ni Brayan? Hindi pwede yun. Pagrereklamo ni Carl.
"Ade kayo nalang dalawa ang mag partner? Pang aasar ni Ken sa dalawa.
"Gago. sagot naman ni Brayan. Mga pikon talaga mga to.
"Pre sa birthday mo ba ano gusto mo matanggap na regalo? Tanong sakin ni Nash'
"Hmmm. Isa lang naman ang gusto ko matanggap nun, Tinignan ko si Audrey at halatang nataranta siya nung nagkatinginan kame.
"Oy Audrey nagpaparinig na si Steven oh? Hahahaha. Pang aasar ni Carl kay Audrey.
"Wala ako naririnig. Sorry. Bleeehh! Nagtawanan kame lahat sa sinabi ni Audrey. At sa itsura nya, Kase para siyang bata.
"Nakaka excite naman talaga oh, Hahahahaha. Kaylangan ko na ata bumili ng bagong Swimsuit nun.
"Makakakita nanaman ba ako na naka swimsuit na kawayan? Pang aasar ko sknya, Ang payat kase nya eh, Pero hindi naman totaly payat. Sexy din ang kakambal ko. Mapapa WOW ka kapag makikita mong naka swimsuit.
"Ayan ka nanaman kuya eh, Duuuuh!Oy ate Audrey bukas punta ako mall, Sama kayo ni Raven? Sabay sabay na tayo bumili ng Swimsuit? Pag aaya nya kay audrey,
"Hindi ako nagsusuot nun. Hindi ako sanay sa mga ganun eh. Baka wala rin ako mapipili. Kaya kayo nalang ni raven. Halata naman kase na hindi siya sanay magsuot nun, Simple lang kase siya.
"NO! Basta sumama ka. Magtatampo ako sayo, Kapag di ka sumama. Sabay simangot ni annika. Kahit kaylan talaga ang kulit ng kakambal ko. -___-
"Bahala na. Sagot ni Audrey.
"Ikaw raven sama ka rin ha? Tayo naman mga girls ang mag bonding. Yung kapatid ko talaga, Kahit kaylan ang kulit. Para siya bata.
Ilang minuto lang nagkayayaan na maguwian. Sumabay na samen si Annika at Ken. Una namen naihatid si ken, Sunod si Audrey..
"Sige. Salamat sa paghatid. Paalam ni Audrey samen.
"Okay. Bukas ha? Mall tayo after Class. Byeeee Ate..
"Sige na bhebheko, Pasok kana sa loob. Sabi ko sknya,
"Sige. Ingat ka sa pagdadrive ha? Byeee.
Tatalikod na sana ako ng bigla nya ako tinawag.
"Hoy Kabayo. Lumingon ako sknya,
At hindi ko ineexpect na magagawa nya yun. Kiniss nya ako sa pisnge. At nagtatakbo na siya papasok sa loob nila.
O.O
LOADING...
LOADING...
LOADING..Shittt. Kinikilig ako..
Napapatalon ako ngayon sa tuwa..."Yahooooo! Sigaw ko. Hindi ko talaga kaya pigilan ang nararamdaman ko.
"Hello kuya? Baka pwede na tayo umuwi?? Kahit kaylan talaga panira ang kapatid ko. grabe. wala mapaglagyan ang kaligayahan ko. Hanggang ngayon sa pagdadrive ko napapangiti parin ako.... Hayyyyy. Hindi na ako makapag hintay na sagutin nya ako. Kaylan kaya? Hayyyyyyy.
"Ito napo oh? Sorry late ang Update ko. Spreaaaaad The Love. Xoxo! 💕😁😂
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love!
Teen FictionPleasssse! Pakibasa po ito. Importante po tong sasabihin ko. Sa lahat po ng nakabasa na ng Chapter 1 to 50 ng The More You Hate The More You Love. ito po ang Kasunod na Chapter. Nagkaproblema po kase ang isa kong Acct. Hindi ko na po siya maopen. S...