CHAPTER 72

64 5 0
                                    


Steven's POV

Aalis na sana kame ni Audrey ng biglang may humarang sa kotse ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Celina. Ano nanaman ang kaylangan nya..

"Dito kalang ha? Kakausapin ko lang siya.. Sabi ko kay Audrey, Tumango naman siya.

"Ano nanaman ginagawa mo dito ha? Sigaw kong sabi sknya.

"Steven please naman oh? Nagmamakaawa ako sayo. Patawarin mo na ako sa nagawa ko. Sabi nya sakin, imbis na maawa ako sknya, Lalo pa ako naiinis sknya.

"Wala kana babalikan Celina, Masaya na ako sa buhay ko ngayon, Please lang din, Tigilan mo na ako.. Pagkasabi ko nun tumalikod na ako papasok na sana ako sa kotse, Bigla nya ako niyakapa. Nanlaki ang mata ko, Bigla ko naisip baka nakita ni Audrey yun.

"Bitawan mo ako. Layuan mo na ako. Umalis kana. Tulak ko sknya,

"Ayoko. Hindi ako titigil hanggat hindi ka bumabalik sakin. Sigaw nya. Magsasalita na sana ako ng biglang bumaba sa kotse si Audrey at nakita kong nakatingin siya samen ni Celina..

"May problema ba Steven? Tanong nya, Biglang lumapit sknya si Celina.

"Sino ka naman ha? Ikaw ba ang lumandi kay steven habang wala ako?Sigaw nya kay Audrey,

"Sino kaba ha??Wag mo nga akong sinisigawan. Pagtataray ni Audrey kay Celina.

"Ako lang naman si Celina ang Girlfriend ni Steven. Nagulat ako sa sinabi nya, Girlfriend ko siya? Eh niloko nga nya ako.

"Wow. Girlfriend ka pala nya, Sa pagkakatanda ko kase May Girlfriend siya DATE? Na pumunta sa Europe at hindi na binalikan si Steven? Tapos habang andun ka nakikipag landian ka sa Manager mo? So sabihin mo nga sakin asan yung sinasabi mong GIRLFRIEND ka ni steven? Wow. Talagang hindi magpapatalo si Audrey.

"How dare you! Sasampalin na sana nya si Audrey pero nasangga ko ang kamay nya..

"Subukan mong saktan siya, Ako ang makakalaban mo. Sabi ko sknya, Sabay tulak ko sknya. Inaya ko na si Audrey sumakay sa kotse. Para makaalis na kame. Sasakay narin sana ako ng bigla siyang sumigaw..

"Tandaan mo steven babalik karin sakin, Hindi ka mapupunta sa iba. Sakin kalang... Hindi ko nalang siya pinansin. Pinaandar ko na ang kotse ko. Hanggang ngayon tahimik si Audrey. Galit ba siya sakin dahil hindi ko sinabi sknya na andito na si Celina??

"Bhebheko galit kaba sakin? Pagkatanong ko nun bigla siya tumingin sakin.

"Kaylan pa siya dumating? Seryoso nyang tanong sakin. Bigla ako kinabahan.

"Nung isang araw pa. Sorry kung di ko agad nasabi sayo. Sorry. Pagkasabi ko nun tumahimik na siya..

Audrey's POV

Hanggang ngayon hindi parin ako makamove on sa nangyari kanina.Hindi talaga ako makapag pigil kanina eh. nakakagigil.. Kaya pala familiar siya sakin. Siya pala si Celina. Siya yung nakita kong kasama ni Steven sa picture.Kaylan pa kaya dumating yung babae na yun?? Hayyyy.. Hindi pa man din kame nitong kabayo na to mukang magkakaroon na kame agad ng problema.. Maya maya lang biglang nagsalita si Steven.

"Bhebheko galit kaba sakin. tanong nya sakin.

"Kaylan pa siya dumating? Seryoso kong tanong sknya, Gusto ko lang malaman kung nun pa nya alam na dumating yung babae na yun.

"Nung isang araw pa. Sorry kung di ko agad nasabi sayo. Sorry. So? Tama nga ako, Nun pa nya alam. Bakit di nya sinasabi sakin? Nakakainis.. Bakit nga naman nya sasabihin hindi pa naman kame. Wala ako karapatan magalit.. Relax lang audrey.. Wag kang magalit. Baka sabihin nitong kabayo nito nagseselos ako.. -___- Buti nalang andito na kame sa labas ny bahay namen. Bababa na ako. Ng bigla nyang hinawakan ang kamay ko.

"Bhebheko wag mong isipin na mahal ko parin siya. Ikaw na ang tinitibok nitong puso ko. ikaw na ang mahal ko. Pagkasabi nya nun, Hindi ko alam kung bakit biglang may kuryenteng dumaloy sa katawan ko.

"Sige umuwi kana. Mag ingat ka sa pag uwi mo ha. Bumaba na ako sa kotse nya. At hinintay ko muna siya makalayo bago ako pumasok sa loob ng bahay namen. Hanggang ngayon yung nangyare parin kanina ang nasa isip ko. Hindi ko maalis sa isip ko yung nangyari kanina. Yung pagyakap ni Celina kay Steven. Nakakainis. Nakakaramdam ako ng inis ngayon. Kung pwede ko lang talaga sabunutan yung babae na yun ginawa ko na. Kaso naisip ko kanina na hindi pa kame ni Steven, So wala pa ako karapatan magalit.. Napapikit ako. bigla ko naisip kung itutuloy ko paba ang plano ko sa Birthday nya.. Parang nagdadalawang isip na ako ituloy... Paano ba gagawin ko??
Kaylangan ko ulit ang payo ng BestFriend ko.. Hinanap ko ang cellphone ko. Then Call agad kay Ken.. Nakaka dalawang ring palang sagot na nya agad..

"Bakit?

"Wow. Bakit agad? Diba pwedeng Hello muna?? Sabi ko sknya.

"Alam ko kase na may kaylangan ka. Hindi ka naman kase tatawag ng ganitong oras kung wala kang kaylangan. Kilalang kilala na talaga nya ako.

"Kase best, Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Gagawin?? Saan?

"Dumating na kase ang Ex ni Steven, Yung Celina. Hindi ko alam kung ano ba gagawin ko, Magpapaligaw paba ako oh hindi na?

"Ikaw na nga may sabing Ex na diba? Bakit magpapaepekto kapa?

"Oo nga, Kaso baka sabihin ng iba na kontrabida ako sa lovelife ni celina at steven.Seryoso kong sagot sknya.

"Eh paano ka magiging masaya kung lage mo nalang iisipin ang sasabihin ng ibang tao? Nung sinabi ni Ken yun, Bigla ako natahimik. Hindi ko na alam ang isasagot ko.

"Hello may kausap paba ako?? Tanong ni ken

"Sorry best. Napaisip lang ako sa sinabi mo.

"Basta lage mo tatandaan na mas sundin mo ang puso mo kesa ang isip mo. Okay? Sige bye na. Matulog na ako. Ikaw rin matulog kana. Pagkasabi ni ken nun, Inendcall na nya ang call ko.

Oo nga tama si Ken, Hindi ako magiging masaya kung iisipin ko ang iba. Basta ang mahalaga yung nararamdaman ko at nararamdaman ng taong mahal ko... At si steven yun. Walang duda.. Mahal ko na talaga ang kabayo na yun... Hayyy. Nakakaramdam na ako ng antok..Napapapikit na ako...Bago ako tuluyang makatulog niyakap ko na muna si Bruno.. Dahilan para mapangiti ako..

Ooooopps sorry kung ngayon lang ang Update ulit. Spreaaaad The love. Xoxo! 😊💋💕

The More You Hate The More You Love!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon