Audrey's POVHanggang ngayon hindi parin ako mapakale, Mukang napasobra ang pagiging toyo ko kanina. Kawawa naman si Steven. Tawagan ko kaya siya? Sigurado naman na kapag tinawagan ko siya sasabihin hindi ko siya matiis. -___- Eh bahala na nga.. Desidido na ako. Dinadial ko na ang number ni Steven. Ring lang siya ng ring? Ayaw nya sagutin? Bahala na nga siya. Pipindutin ko na sana yung Endcall. ng biglang may sumagot.
"Hello? Boses ng isang babae ang sumagot. Sino naman kaya yun?
"Hello po. Pwede po ba kay Steven? Tanong ko sknya.
"Ahh. Naiwan kase nya yung cellphone nya dito sa sala, Asa kwarto na siya. Sino ba to? Tanong nya sakin. Siguro mommy nya yung kausap ko.
"Audrey po to, Kaibigan nya po.
"Kaibigan? Bakit Bhebheko ang nakalagay na name dito sa cellphone? Hala. Yun ang nakalagay na name ko sa cp nya? Samantalang siya ang naka name sa number nya eh "Kabayo" Nangiti tuloy ako.
"Ah eh. Hindi ko alam ang isasagot ko, Tapos bigla natawa yung babae na kausap ko? baliw na ata.
"Ikaw siguro yung sinasabi ng anak ko na si Annika na nililigawan ng kapatid nya. Sabi na nga ba eh, Mommy nila kausap ko.
"Ah siguro po. Pag aalinlangan kong sagot, Baka kase meron pang nililigawan yung kabayo ka yun maliban sakin.
"Wag ka matakot, Mommy nila to. Sige sasabihin ko nalang kay steven na tumawag yung bhebhe nya. Nangiti ako kase habang sinasabi ng mommy nila yung bhebhe nakatawa.
"Sige po. Salamat po. Ieendcall ko na sana bigla nagsalita yung mommy nila.
"Baka free ka bukas ng gabe? Dito ka mag hapunan? Para naman makilala ka namen ng daddy ni steven? Hindi ko alam ang isasagot ko. Ano ba Audrey, Magdesisyon kana. Bilisan mo. Loading..Loading...
"Hello? Meron paba ako kausap?
"Opo. Meron pa po. Sige po. Magpapaalam po muna ako. Sagot ko sknya.
"Okay. Asahan kita bukas ha? Naeexcite na ako makilala ka. Byee.
Pagkasabi ng mommy ni steven yun,inendcall ko na. Hanggang ngayon kinakabahan na ako. -____- Bakit kase tumawag pa ako eh. Ayan tuloyyyyy. Haaaayyyy.Steven's POV
Kakatapos ko lang maligo, Hihiga na sana ako sa kama ko ng maalala ko yung cellphone ko tatawagan ko sana si Audrey para mag goodnight. Hinanap ko sa bag ko sa pantalon ko. Wala hindi ko makita. Naalala ko asa sala nga pala ako kanina nanonood ako ng TV. Bumaba na ako nakita ko si mommy nakatalikod. Pagka harap nakita kong may kausap siya sa phone ko sino naman kaya kausap nya?
"Okay. Asahan kita bukas ha? Naeexcite na ako makilala ka. Byee. Pagkalapit ko kay mommy inabot na nya sakin ang phone ko.
"Sino yung kausap mo sa phone ko? Seryoso kong tanong kay mommy.
"Inaya ko siya bukas ng gabe dito mag dinner, Pilitin mo siyang sumama sayo ha? Gusto ko na siya makilala. Pagkasabi ni mommy nun, Napakunot ang noo ko, Sino ba ang sinasabi nya?
"Sino nga mom? Tanong ko ulit sknya,
"Edi si bhebhe mo. Narinig ko kase kanina na nagriring yang cp mo, Eh sinagot ko na.alam mo anak Gusto ko siya, bosses palang nya pakiramdam ko ang ganda at ang bait na nya, Ano pa kaya sa personal? Natatawa nyang sabi. Sabay talikod na at iniwan na ako dito sa sala. Tumawag siya? Bakit kaya? Siguro magsosorry dahil ang sungit nya kanina.. Habang tinatawagan ko siya naglalakad ako papunta sa may pool.Nakakailang ring palang sinagot na nya agad.
"Bakit? Yun agad ang tanong nya? May toyo nanaman ba siya?
"Namiss lang kita. Galit ka parin ba? Tanong ko sknya, Pero hindi siya sumasagot.
"May kausap paba ako? Tanong ko ulit sknya.
"Hindi na ako galit sayo. Sorry kanina ha? Nakausap ko nga pala mommy mo. Inaaya nya ako dyan mag dinner bukas.
"Oo nga daw, Susunduin nalang kita nun, Para ako na magsasabi kela tito at tita. Sabi ko sknya, Halatang kinakabahan siya, Kahit di ko siya nakikita, Nararamdaman kong hindi siya mapakale.
"Nahihiya ako eh, Parang ang panget naman kase tignan, Magpupunta dyan yung anak nung nagtatrabaho sakanila. Syaka hindi pa naman tayo diba? Sabi na nga ba at kinakabahan siya eh.
"Wag ka mag alala mabait ang pamilya ko. Inaya ka ni mommy ibig sabihin gusto ka nya.
"Paano mo naman nasabi na gusto nya ako hindi pa naman nya ako nakikita.
"Basta. Magtiwala kalang sakin. Okay? Sige na bhebheko, Matutulog na ako ikaw rin matulog kana. Goodnight. Pagkasabi ko nun endcall na. Naeexcite na ako para bukas. Papasok na sana ako ng bahay biglang may nag doorbell. Sino naman kaya magpupunta dito? binuksan ko ang gate, Nanlaki ang mata ko nung makita ko si Celina na lasing na lasing..
"Steven? Please bumalik kana sakin. Nagmamakaawa ako sayo. Umiiyak siya habang sinasabi nya yun sakin.
"Celina umuwi kana sainyo, Lasing kana. Pagtataboy ko sknya.
"Hindi ako aalis dito hanggang hindi ka bumabalik sakin. Mahal na mahal kita steven. Maha... Hindi na nya naituloy ang sasabihin nya bigla siya nabuwal. Nawalan na siya ng malay sa sobrang kalasingan nya. Kahit ayoko binuhat ko siya papasok sa bahay, Hindi ko naman siya pwede pabayaan.
"Manang..manang. Sigaw ko pagpasok ko sa bahay
"Bakit sir?
"Ayusin mo yung guestroom ngayon na. Pagkasabi ko nun nagmamadali na yung dalawang katulong namen. Hiniga ko na si celina sa kama.
"Manang ikaw na bahala saknya. Bihisan mo siya may damet dyan na pwede sknya. Pagkasabi ko nun lumabas na ako ng kwarto, Pagkalabas ko nagulat ako andun si mommy at daddy at kararating lang ni Annika.
"Sino yun? Tanong ni Daddy.
"Si Celina dad, Lasing na lasing siya, Nawalan na siya ng malay sa sobrang kalasingan, Kaya pinasok ko na siya dito.
"Bakit mo siya pinasok dito kuya? Paalisin mo na siya. Sigaw ni annika. Talagang malaki ang galit niya kay celina.
"Annika? Tamana yan, Wag kang ganyan, Malapit na Kaibigan ko parin ang magulang ni celina kaya hindi natin siya dapat ipagtabuyan ng ganun ganun lang.
"Pero dad? Magsasalita pa sana si Annika. Ng biglang tumalikod si daddy.
"Matulog na kayo, si manang na ang bahala kay Celina. Goodnight. Pagkasabi ko nun umalis na sila. at ako nagpunta na ako sa kwarto ko.
nakahiga na ako sa kama ko pero hindi ako makaramdam ng pagkaantok. Kapag pumipikit ako nakikita ko ang muka ni Audrey, Tapos ilang segundo lang, Nakikita ko naman ang muka ni Celina.. -____- Ano ba ang nangyayari sakin? Alam kong wala na ako nararamdaman para sknya. Wala na talaga. Si audrey na talaga ang mahal ko. Wala na ako nararamdaman para sknya.. Walang wala na.... Sigurado ako dun.
Ito muna ulit ang Update ko ngayon ha? Thankyouuuuu. Spread The love. Xoxo! 💕😂💕💋
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love!
Teen FictionPleasssse! Pakibasa po ito. Importante po tong sasabihin ko. Sa lahat po ng nakabasa na ng Chapter 1 to 50 ng The More You Hate The More You Love. ito po ang Kasunod na Chapter. Nagkaproblema po kase ang isa kong Acct. Hindi ko na po siya maopen. S...