Gino's POV
Dito na kame sa isang Restaurant. Kumakaen na kame ni Audrey. Nagkkwento siya about sa pamilya nya, Ganun din ako. Nagkkwento din ako sknya.
After namen kumaen, Dinala ko siya sa mall. aayain ko sana siya manood ng sine, Kaso wala naman magandang palabas, Nakakainis. Ade ngayon, lakad lang kame ng lakad dito sa loob ng Mall. Halatang naiinip na si Audrey. Dapat makaisip ako ng magandang gawin, Para mag enjoy si Audrey. Isip ako ng isip. Bigla ko nakita ang DQ
"Gusto mo ng Ice cream? Tanong ko sknya. Tumango naman siya.
"Mahilig ka sa Ice cream noh? Tanong ko sknya.
"Oo. pakiramdam ko kase kapag malungkot ako, At ice cream ang kinaen ko, nawawala ang lungkot ko, Ewan ko ba. ikaw ba mahilig karin ba dito? Tanong nya sakin. Halatang mahilig siya sa Ice cream. Dahil napapangalahate na nya yung binili ko sknya.
"Medjo. Kumakaen lang ako nito kapag naisipan. Pero ngayon mukang mapapadalas ang pagkaen ko ng Ice cream. Nangiti siya sa sinabi ko. Sa wakas, Napangiti ko narin siya.
"After nito saan na tayo pupunta? Tanong nya sakin. Napaisip ako. Kung saan ko siya dadalin. Alam ko na kung saan.
"Basta. Sumama ka nalang sakin. Marami pa naman tayong oras.
Papunta na kame sa naisip kong lugar na pwede kong pagdalhan kay Audrey. Sana magustuhan nya. Dapat mga 5 andun na kame para maabutan namen ang paglubog ng araw...
Napansin ko na nakatulog na si Audrey. Hinayaan ko nalang siya makatulog. para mamaya may lakas siya, Mukang napagod siya kakalakad kanina eh.Isang oras at kalahati ang binyahe namen.
"My princess andito na tayo. Gising kana. pagkasabi ko nun nagising narin siya agad..
"Saan lugar to?! Tanong nya,
"Isa sa mga properties ng magulang ko tong Resort na to. Ito ang pinaka paborito kong Lugar. Tapos inaya ko na siya dun sa may dagat...
Audrey's POV
Naglalakad na kame papunta sa dagat. Wow. Ang ganda nga ng lugar na to. Nakakarelax. lakad lang kame ng lakad. hanggang sa huminto si Gino at humarap siya sa dagat. Ganun din ako. Umupo kame dalawa,
"Alam mo bang ikaw lang ang babaeng dinala ko dito. Seryosong sabi ni Gino sakin.
"Wala naman kase akong ibang nagustuhan na babae ikaw lang. Dagdag pa nya.
"Kaya sana mapasagot kita. 1st time ko rin manligaw. at sayo yun. Lahat ng nararamdam ko ngayon, 1st time ko lang naramdaman. 1st time kong mag mahal. Totoo ba tong mga sinasabi nya? Ako ang 1st love nya? Hindi ako makapaniwala... Magsasalita na sana ako, Bigla napansin kong palubog na ang araw. Ang ganda. Ang gandang panoorin habang lumulubog ang araw...
"Mahal kita Audrey, Sana maramdaman mo yun, Sana kung ano man ang naibibigay ni steven na kaligayan sayo, Sana naibibigay ko rin sayo. Kahapon kaya ako umuwi, Dahil nagseselos ako, Kase nakikita ko na masayang masaya ka kasama siya.. Nagulat ako sa sinabi ni Gino na yun. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi nya.
"Wag ka mag alala, Hindi naman kita pipilitin na ako ang piliin mo, Lalaban parin naman ako, Hanggat alam kong may pag asa pa. Lalaban ako. Sabihin mo lang sakin kung kaylan ako dapat sumuko. Bakit ganun? Parang nakokonsensya ako? Hindi ko alam kung bakit.
"Gino sa ngayon talaga hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sayo. Dahil naguguluhan pa ako. Sorry. Hindi ko pa natatapos ang sasabihin ko bigla na nya ako niyakap
"Wag kang magsorry, Hayaan mo lang ako mahalin ka, Hindi ko naman hinihiling sayo na suklian mo agad. Bibigyan kita ng panahon. Para makapag isip.
Lalo na ako naguluhan. Hindi ko na talaga alam gagawin ko. Parehas akong masaya na kasama si Gino, Pero ganun din ang pakiramdam ko kay Steven. Litong lito na ako. -____- Mukang kaylangan ko na humingi ng payo sa BestFriend ko....
Kaylangan ko na makapag desisyon agad. Para wala na ako masaktan, At para wala na akong paasahin. Nakakaguilty lalo na't alam mong may taong umaasa sayo......"Uwi na tayo? Aya sakin ni Gino.
Buti naman at nag aya na siyamg umuwi. Gusto ko na kase makapag isip ng mabuti.... Nakakalito na...."Sorry kung maiksi lang ang Update ko. Pinilit ko lang po kase mag update ngayon, Kahit 2 Chapter lang. Para hindi kayo mabitin sa pagbabasa. Sana magustuhan nyo ang Update ko. 💕💋✌️
BINABASA MO ANG
The More You Hate The More You Love!
Ficțiune adolescențiPleasssse! Pakibasa po ito. Importante po tong sasabihin ko. Sa lahat po ng nakabasa na ng Chapter 1 to 50 ng The More You Hate The More You Love. ito po ang Kasunod na Chapter. Nagkaproblema po kase ang isa kong Acct. Hindi ko na po siya maopen. S...