#FDFLPrologue
"Sino 'yon?" nakakunot noong tanong sa 'kin ng girlfriend ko. Mahina naman akong natawa dahil sa bilis niyang magselos.
Pinagpagan ko muna 'yong dress niya nang makatayo kami parehas sa buhanginan.
"Kaibigan ko, si Lana. Nasa school natin siya nung grade 10 pero lumipat ng school nung nasa senior high na."
"Ah," pinagpagan niya rin dress niya. "Bakit lumipat?"
"Bumalik na sila sa Pampanga."
"Ay, galing din Pampanga tulad mo! Childhood friend mo?" Tumango ako sa tanong niya bago hinawakan braso niya.
Nagsimula na kaming maglakad habang nagkukwentuhan pa rin. Hindi na ako 'yong nakahawak sa braso niya kung 'di, siya na 'yong nakakapit sa braso ko.
Naglalakad lang kami sa tabi ng karagatan, hindi alam kung saan kami dadalhin ng mga paa namin. Ang importante lang naman sa 'kin ngayon ay ang kasama at kausap ko siya.
"Hindi kaya tayo hahanapin doon?" nag-aalangang tanong niya dahil malayo na talaga kami sa cottage namin.
"Sila naman papagalitan 'pag hindi tayo nahanap."
"Baliw ka talaga!"
Natawa ako nang hampasin niya ako sa braso. "Biro lang. Nagpaalam naman ako kay Ate Kyla. Hayaan mo na."
Eto 'yong mga scenarios na hindi ko na in-e-expect na mararanasan kasama si Meeca– walang iniisip na nakakatakot na mundo at may layang lumandi sa isa't-isa. Naiintindihan ko naman kung bakit hindi pa handa si Meeca na sabihin sa lahat na kami. Pero 'di bale, at least, girlfriend ko siya.
"Cali?"
"Hmm?"
"Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita at thank you kasi inaalagaan mo ako palagi. Thank you kasi trinato mo 'ko nang tama at lagi kang nandiyan para intindihin ako. Hindi ko alam ang mangyayari sa 'kin kapag nawala ka."
Napatigil tuloy ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Niyakap ko agad siya dahil doon.
"Huwag ka matatakot. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal din kita."
Hindi siya nakagalaw dahil sa gulat pero maya-maya rin ay naramdaman kong niyakap niya ako pabalik . . . mas mahigpit pa kesa sa yakap ko.
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...