#FDFL09
“Tube ba ‘yan?” tanong ko nang makalabas si Meeca sa banyo, kakatapos lang magbihis. Sobrang aga naming nagising para abangan ‘yong pagsikat ng araw gaya ng ipinangako ko sa kaniya.
“Hindi. Eto ‘yong strap, o.” Hinawakan niya ‘yong sobrang nipis na strap, mas manipis pa sa pasensiya ko, para ipakita sa ‘kin. Ah, kaya naman. ‘Di ko napansin. Beige kasi kulay nung top niya, e.
“Ayaw mo mag-jacket? Malamig pa sa labas.”
“Okay lang! Lalabas din ‘yong araw mamaya.”
Kahit sinabi niyang okay lang ay nagdala pa rin ako ng balabal para sa kaniya. Tahimik kaming lumabas ng beach house lalo na’t halos lahat ng tao sa loob ay tulog pa. Maski si Alex ay tulog pa.
Magkahawak kamay kaming naglalakad sa tabi ng dagat. Hay, ang fresh ng hangin sa umaga!
“Saan natin hihintayin ‘yong pagsikat ng araw, Cali?”
“Sa pinuntahan natin kahapon. Mediyo malayo sa beach house pero nakapag-paalam naman na ako kina Ate Kyla kahapon pa lang pagkarating natin dito.”
“Okay, okay.”
Nang makarating kami ay naupo lang kami sa buhanginan habang nakatingin sa dagat. Walang nagsasalita sa amin.
“Love?” tawag niya sa ‘kin. Napatingin ako agad. “Pwede magtanong?”
“Of course. Ano ‘yon?”
“About kay Theo . . .”
Kaagad na nalukot ang mukha ko. “O? Ano meron doon?”
“Gusto ko malaman kung paano mo nalaman na gusto ka niya?”
Umayos ako ng upo bago nagkwento. “Nung Grade 9 ko lang nalaman na gusto niya ako. Actually, sa ibang tao ko lang nalaman ‘yon tsaka ‘yong mga barkada niya, napaka-obvious na inaasar si Theo kapag nakikita nila ako. Nung Grade 11 lang si Theo naglakas loob na kausapin ako dahil doon sa kaibigan niya raw na ‘di na siya pinapansin na kasali sa team ko. Kinukumusta niya ‘yon sa ‘kin minsan. Nung mediyo naging close na kami, umamin siya sa ‘kin.”
“Totoong crush ka talaga niya nung Grade 9 pa lang?”
“Noong una talaga ay hindi raw talaga ako. Kinukulit daw kasi siya ng mga kaibigan niya kaya ang sinabi niya na lang na clue ay volleyball player dahil nag-v-volleyball din daw talaga ‘yong crush niya. Kaso sa sobrang taranta niya raw nung kinukulit na naman siya mag-drop name, ako raw ‘yong naturo niya para na rin daw pagtakpan ‘yong totoo niyang crush. Bale, hindi niya naman dapat talaga ako crush kaso nung tumagal, naging crush din. Ganon.”
Umingos si Meeca sa kwento ko bago napilitang magtanong kung ano na nangyari pagkatapos. Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa.
“Bakit ka ba natatawa?!” galit niyang tanong.
“Sure ka bang itutuloy ko pa? Mukhang galit ka na, e,” pang-aasar ko kaya inirapan niya ako.
“Oo. Dali.”
“’Yong last convo namin ni Theo, ‘yong nakita mong ni-reply-an niya ‘yong good morning ko, kinuwento niya lang sa akin noon na pinapansin na raw siya nung kaibigan niya tsaka meron pa siyang kinuwento pagkatapos nun. Nabasa mo na siguro, ‘no?” Tumango siya. “Ayon lang. Hindi ako nagkagusto kay Theo kahit dati pa. Siya lang ‘yong nagkagusto sa ‘kin.”
Umingos ulit siya kaya natatawang hinila ko siya papalapit sa ‘kin. Nakaupo siya ngayon sa tabi ko habang nakakulong sa mga braso ko. Sinandal niya naman ang ulo niya sa balikat ko.
“Babae lang talaga nagustuhan mo?” narinig kong tanong niya.
“Hmm. Pero nung Grade 10 ko lang ‘yon nalaman. Basta dati, never talaga ako nagkagusto sa lalaki.”
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...