Chapter 5

41 3 0
                                    

#FDFL05

“Hindi ka man lang ba kinakabahan na maaabutan tayo ng mga magulang mo sa ganitong posisyon?”

“Hindi naman.” Siniksik ko pa lalo ‘yong mukha ko sa leeg niya kaya natawa siya. Lumapat naman ‘yong kamay niya sa buhok ko. “Maririnig naman natin ‘yong sasakyan kapag nandiyan na sila.”

“Parang nahihiya ako sa Papa mo. Strict ba siya?”

“Hindi. Mas strict nga si Mama kesa sa kaniya. Mabait si Papa.”

Pagkatapos ay wala na sa ‘min nagsalita. Gusto ko na matulog! Nakakaramdam na ako ng antok. Ang bango ni Meeca.

“Huy, Cali! ‘Wag ka matulog!”

“Ha?”

“’Wag ka matulog!”

Hindi ako nakinig at nakapikit lang. Ang komportable naman dito.

Pinilit niya akong tumayo para makapag-handa kami ng dinner para raw kakain na lang parents ko pag-uwi. Sabi ko naman ay bibili lang sila ng dinner namin kaso sabi ni Meeca, pigilan ko raw. Kami na raw magluto. Nakakainis, papatulog na ako, e!

Pero sinunod ko pa rin naman siya.

Pagka-text ko kay Mama ay dumiretso kaming kusina para magluto. At dahil, dakilang chef talaga ang girlfriend ko, nakaupo lang ako sa mesa habang nakatingin sa kaniya.

Sinilip ko ‘yong niluluto niya at nakita kong ginataang kalabasa ‘yon at pritong tilapia. Tinulungan ko naman siya kanina na i-ready ‘yong mga ingredients tapos tinulungan ko rin siya mag-chop nung kalabasa.

Marunong din naman ako magluto!

“Love.”

“O?” tanong niya nang ‘di lumilingon sa ‘kin. Napanguso naman ako bago tumayo at dumiretso sa likod niya para yakapin siya. Naramdaman kong natigilan siya dahil doon. “Ang landi landi mo talaga! Ano na naman kailangan mo?!”

“Luh, nangyayakap lang, e.”

“Tapos ako lagi mo inaasar na clingy?!”

“Totoo naman.” Umingos si Meeca bago ako hinayaan at nagpatuloy siya sa pagluluto. Natawa ako dahil sa kaniya. “Excited na ako.”

“Saan?”

“Sa swimming. Sana payagan tayo parehas.”

“Baka gusto mo lang sumama doon kasi kasama si Theo.” Umingos pa siya kaya pinigilan kong tumawa nang malakas. Selosa talaga kahit kelan.

“Nananahimik si Theo, e.” Hindi ko na napigilan ang sarili kong matawa. Hinigpitan ko na lang ‘yong yakap ko sa kaniya nang magsimula na siyang maasar sa ‘kin. “I love you, ganda.”

“I love you. Alam mo ba ‘yang ganda na ‘yan, na-dare ko lang ‘yan sa ‘yo noon kasi natalo kita sa pustahan tapos ngayon, ginawa mo na talagang nickname sa ‘kin.”

“Okay lang. Bagay naman sa ‘yo.”

Nang mapatay niya ‘yong stove ay humarap siya sa ‘kin kaya napalayo ako nang konti. Niyakap niya naman ako sa bewang kaya niyakap ko siya agad pabalik. “I love you, Cali. Thank you kasi pinaramdam mo sa 'kin na 'di ko kailangan mag-settle sa kung ano lang ang meron para mahalin. Tapos lagi mo ‘kong iniintindi. Tapos feeling ko spoiled ako sa ‘yo. Tsaka sorry kung–“

“Wala dapat ako maririnig na sorry mula sa 'yo. At thank you rin. Ginagawa mo rin naman ‘yon sa ‘kin kaya patas tayo.”

“I love you.”

“I–“ narinig namin ‘yong busina ng sasakyan sa labas kaya sabay kaming napalingon sa pinto bago binalik ang tingin sa isa’t-isa. Mahina kaming natawa bago kumalas ng yakap. “Sama ka sa ‘kin? Open ko gate.”

Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon