Chapter 2

55 3 1
                                    

#FDFL02

“Good afternoon, Ate Maggie.” Pumasok ako sa bahay nina Meeca habang may dalang tinapay– peace offerings sa Ate niya. Naabutan ko naman itong nag-aayos sa harap ng salamin bago siya napatingin sa akin.

“Hi, Cali! Mag-isa ka yata? Wala si Alex?”

“Wala, Ate. Nagpapasama raw Mama niya sa munisipyo.”

“Ah.” Nilagay niya ‘yong bag niya sa balikat bago dumiretso sa may pinto. “Iwan na kita dito, ah? Nakatulog kasi si Meeca sa taas pero maya-maya rin, gigising na ‘yon.”

“Okay, Ate. Ingat kayo!”

Kumaway ito sa ‘kin bago tuluyang lumabas. O, ‘di ba?! Pinagkakatiwalaan niya ako para kay Meeca. Hindi ba siya natatakot na baka suntukin ko bigla kapatid niya sa kwarto nito?

Komportable akong naupo sa sofa nila habang naka-open ‘yong TV. Actually, kanina pa open ‘yong TV, bago pa umalis si Ate Maggie. Grabe, kita niyo? Pati sa pagpatay ng TV, pinagkakatiwalaan nila ako.

“Cali?”

“Hmm? Good afternoon, ganda. May dala ako tinapay,” sagot ko nang ‘di lumilingon sa kaniya. Nakatingin lang ako sa TV habang kumakain ng tinapay . . . tapos may kape. Nagtimpla ako, e.

Pangalawang bahay ko na talaga ‘to. Pero sa totoo, hindi pa ako masyado kilala ng Mama niya. Bahala na lang talaga kapag naabutan ako dito sa ganitong sitwasyon.

Napatingin ako kay Meeca na nakatayo na pala sa harapan ko. Sinusundan ko lang siya ng tingin habang umaakyat siya ng sofa para yumakap sa ‘kin.

Binaba ko muna ‘yong tinapay sa plastik na nasa mesa katabi nung kape bago ko binuka ‘yong mga braso ko. Sabay kaming natawa nang mahiga ako sa sofa at nakayakap naman siya sa ‘kin habang nakahiga sa tabi ko, malapit na ako makubabawan.

“Clingy,” bulong ko habang hinahaplos buhok niya. Hinalikan ko naman ‘yong tuktok ng ulo niya pagkatapos nun.

“I missed you. Ano’ng ginagawa mo dito?”

“Na-miss kasi kita.”

“Hmm. Nasaan si Ate?”

“Umalis na. May pupuntahan ata.”

Hindi siya nagsalita pagkatapos nun. Hinayaan ko na lang siya habang hinahaplos ko pa rin buhok niya. Nanunuod lang ako ng TV habang ginagawa ko ‘yon.

“Potek! May multo sa likod nung kabinet, o!”

Naramdaman kong natatawa sa tabi ko si Meeca pero hindi ko na siya pinansin. Ang gago naman nung bida! Pumasok pa ng banyo e, nasa likod na nga ng kabinet ‘yong multo, o! Baka ikulong siya sa banyo!

“Love, tignan mo kasi!”

“Oo na! Nanunuod ako. ‘Wag ka maingay,” reklamo niya.

Sunod-sunod ‘yong tunog nung messenger sa phone ko kaya bumangon si Meeca para abutin ‘yon. Hinayaan ko naman siyang i-open ‘yon since wala naman akong tinatago.

“Ano password nito, Cali?”

“May face recognition mo ‘yan,” sagot ko habang nakatutok pa rin ‘yong tingin sa TV.

“Hmm.” Hindi siya nagsalita pagkatapos nun kaya tumingin ako sa kaniya. “Nag-uusap pala kayo ni Theo.”

“Ha? Ah, oo. Nag-chat kami kagabi. Sino ‘yong nag-chat?”

“Si Theo. Nag-reply sa good morning mo.”

“Luh, tatampo na naman.” Bumangon ako para yakapin siya. Inirapan niya pa ako tapos hindi ako niyakap pabalik, amp. “Sorry na. Nagkwento kasi kagabi, e. ‘Di na ako makikipag-usap diyan. Kakausapin ko na lang kapag kailangang-kailangan talaga.”

Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon