Chapter 7

41 2 0
                                    

#FDFL07

Magkahawak kaming kamay na naglalakad ni Meeca sa dalampasigan. ‘Yong iba kasi, kaniya kaniya nang lumusong kaya napagdesisyunan naming maglakad-lakad muna. Mediyo malayo na kami sa cottage pero bahala na. Joke.

“Upo muna tayo, Cali! Napapagod na ako!”

Sabay kaming naupo sa buhanginan habang nakatingin sa malawak na karagatan. Maya-maya ay biglang tumunog ‘yong phone ko kaya nilabas ko agad ‘yon mula sa bulsa. Si Meeca naman ay nag-p-picture gamit phone niya.

Lana calling . . .

“Hi,” bungad ko agad nang sagutin ko ang tawag.

“Hi! I miss you! Uuwi ka ba ngayong bakasyon?”

“Miss you, too. Hindi, e. Bakit?”

“Good. Ako uuwi riyan. ‘Wag ka na umuwi dito. Alam ko naman na may inaalagaan ka na riyan na ‘di mo maiwan-iwan.”

Mahina akong natawa sa sinabi niya. Baliw talaga. “Oo na. Kelan uwi mo?”

“Next week. See you, Cali! Ipakilala mo na rin ako sa girlfriend mo pag-uwi ko!”

“Yes, sure. See you. Bye.”

In-end ko na ‘yong tawag at ibinalik ‘yon sa bulsa bago tumingin kay Meeca. Napatigil ako nang makita kong masama siyang nakatingin sa ‘kin.

"Sino 'yon?" nakakunot noong tanong sa 'kin ng girlfriend ko. Mahina naman akong natawa dahil sa bilis niyang magselos.

Pinagpagan ko muna ‘yong dress niya nang makatayo kami parehas sa buhanginan.

“Kaibigan ko, si Lana. Nasa school natin siya nung grade 10 pero lumipat ng school nung nasa senior high na.”

“Ah,” pinagpagan niya rin dress niya. “Bakit lumipat?”

“Bumalik na sila sa Pampanga.”

“Ay, galing din Pampanga tulad mo! Childhood friend mo?” Tumango ako sa tanong niya bago hinawakan braso niya.

Nagsimula ulit kaming maglakad habang nagkukwentuhan pa rin.

“Hindi kaya tayo hahanapin doon?” nag-aalangang tanong niya.

“Sila naman papagalitan ‘pag hindi tayo nahanap.”

“Baliw ka talaga!”

Natawa ako nang hampasin niya ako sa braso. “Biro lang. Nagpaalam naman ako kay Ate Kyla. Hayaan mo na.”

Lumapit siya sa ‘kin lalo para isiksik sarili niya. Napailing ako dahil doon bago mahinang natawa.

“Cali?”

“Hmm?”

“Gusto ko lang sabihin na mahal na mahal kita at thank you kasi inaalagaan mo ako palagi. Thank you kasi trinato mo ‘ko nang tama at lagi kang nandiyan para intindihin ako. Hindi ko alam ang mangyayari sa ‘kin kapag nawala ka.”

Napatigil tuloy ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya. Niyakap ko agad siya dahil doon. Ang soft na naman ng girlfriend ko. Hindi ko alam kung pinapakilig niya ako sa mga salita niya o tinatakot.

“Huwag ka matatakot. Hindi kita iiwan. Mahal na mahal din kita,” pangako ko sa kaniya.

Hindi siya nakagalaw dahil sa gulat pero maya-maya rin ay naramdaman kong niyakap niya ako pabalik . . . mas mahigpit pa kesa sa yakap ko.

“Ano ba ‘yan? Bakit ganito na naman topic natin?! Nagiging emosyonal talaga ako nitong mga nakaraang araw!” reklamo niya.

“Buntis ka ba? Bilis magbago ng mood mo!”

Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon