Chapter 4

38 3 0
                                    

#FDFL04

“Oh my gosh!” Tumakbo agad si Meeca papalapit sa ‘kin para mayakap ako kaya awtomatikong bumuka ang mga braso ko. “So pretty mo naman, love! Nag-color ka hair?”

Kumunot ‘yong noo ko. “Ha? Halata ba?”

“Oo kaya! Red, ‘di ba? Red na super dark?”

Tumango ako. Akala ko walang makakahalata na pinagtripan na naman ako ng nanay ko. Ako na naman napili para i-try ‘yong nabili niyang hair color. Bakit kasi wala akong kapatid, e.

Sabay kami naglakad papunta sa coffee shop ni Ate Nat kasi nag-b-book date kami ni Meeca once a month . . . kada monthsary namin. Ang weird lang sa ‘min ay hindi kami nagbabatian ng happy monthsary. Parang ordinary day lang.

“Cali? Uy, Cali! Hi, Meeca!”

Sabay kaming napalingon ni Meeca nang marinig namin ang boses ni Theo. Nakita kong umingos si Meeca nang makalingon kami kaya mahina akong natawa. Napatigil pa kami sa paglalakad.

“Uy, saan punta?” tanong ko.

“Diyan lang. ‘To naman si Meeca kung makairap parang ‘di kami tropa, ah?”

“’Di naman talaga.”

“Aray, ah!” pabirong napahawak si Theo sa dibdib niya kaya natawa ako bago ko inikot ang isang braso ko sa bewang ni Meeca. “Anyway, mauna na ako. At please, kung tinatago niyo relasyon niyo, ayusin niyo naman. Ang halata niyo, haha! Una na ako!”

Napailing na lang kami sa sinabi niya bago kami nagpatuloy sa paglalakad.

Kung oobserbahan lang ako ng mga tao, mahahalata naman agad talaga nila na may girlfriend ako. ‘Yong clear phone case ko, may 500 pesos, isang resibo tapos one by one picture ni Meeca. ‘Yong wallet ko may picture niya nung nasa pre-school siya. ‘Yong wallpaper ko sa laptop, candid photo niya tapos ‘yong password ko doon, birthday niya. ‘Yong picture namin nung Palaro, pina-polaroid ko at nasa likod siya ng ID ko ngayon, wala nang takip na papel. ‘Yong twitter header ko, siya. Tapos ‘yong scrunchie niya, ako nagsusuot at natatanggal lang sa kamay ko ‘yon kapag naiiwan niya ‘yong scrunchie na madalas niya gamitin.

Hindi ako in love na in love sa girlfriend ko. Oo, hindi talaga.

Tapos pinagkakalat lang namin na best friends kami at normal ang lahat nang ‘yon sa magkaibigan. Pambihira.

“Ngumingiti ka mag-isa,” narinig kong sabi ni Meeca sa tabi ko kaya mabilis akong napalingon sa kaniya. Nakita ko siyang nakasimangot. “Siguro dahil nakita mo si Theo, ‘no?!”

“Hindi, ah. Na-realize ko lang na sobrang swerte kong naging girlfriend kita.”

“Ewan ko sa ‘yo! Nababaliw ka na naman!” Marahan niya akong tinulak kaya natawa ako. Hinawakan ko naman siya sa pulsuhan bago kami naglakad ulit.

Now that I’ve forgiven myself, the reminders of him only make me smile . . . Cali, ang sakit.” Inabot ko ang tissue kasi naiiyak na siya sa binabasa niya. Binaba ko muna ‘yong libro ko sabay tinanggal ‘yong salamin para punasan ‘yong mga luha niya. “Bakit mo ba ‘to ni-recommend sa ‘kin?!”

“Ginusto mo ‘yan. Sabi sa ‘yo, try ka naman ng ibang genre, e.”

“Tatapusin ko muna lahat ng romance book na nasa listahan ko,” sabi niya kaya tumango ako. “Matatapos ka na?”

Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon