Chapter 13

34 2 1
                                    

#FDFL13

Hindi ako mapakali.

Kanina pa ako pabalik-balik na naglalakad sa kwarto ko habang hinihintay ang tawag ni Meeca.

Sabi niya sa ‘kin kanina bago sila mag-dinner ay sasabihin niya na raw sa Mama niya ngayon. Shit! Ako pa ‘yong mas kinakabahan kesa sa kaniya!

“Please, please. Sana hindi matuloy si Meeca,” bulong ko sa sarili ko.

Kanina pa ako nag-o-overthink. Paano kapag inutusan niya si Meeca na hiwalayan ako kasi baka hindi naman talaga pwede magka-partner si Meeca? I mean, si Dominic nga, ‘di ba, ang tagal din nila pero hindi pa rin sila naging legal sa side ni Meeca.

Or baka naman, hindi open-minded ‘yong Mama niya tungkol sa same sex relationship? Baka pandirihan niya kami! Oh my god, ‘wag naman. Kinikilabutan ako iniisip ko pa lang na tinataboy ako ng Mama niya paalis doon kung pupuntahan ko man si Meeca ngayon.

“Ah, shit. Bakit ba ako nag-o-overthink?!”

Pabagsak akong humiga ako sa kama bago tumitig sa kisame. Mga isang oras na pero hindi pa rin tumatawag si Meeca. Sabi niya ay tatawagan niya ako para sabihin kung ano’ng sasabihin ng Mama niya.

Lord, kahit ano man magiging kalabasan nito, sana ay ‘di maka-apekto sa relasyon naming dalawa. Wala akong balak bitawan si Meeca kahit iutos pa ng magulang niya! Masyado ko ‘yong mahal para hiwalayan na lang basta-basta.

Kung sino-sino nang santo ang dinasalan ko nang maka-receive ako ng tawag kay Meeca kaya dali-dali ko ‘yong sinagot.

Buntong hininga niya agad ang narinig ko kaya bumagsak ang mga balikat ko.

“Nagalit sa ‘kin.”

Pinilit ko ang sarili kong ngumiti pero nawala rin agad ‘yon. “O-Okay lang ‘yan, love. Baka nabigla lang Mama mo.”

“Sabi niya ay baka raw ako lang ang nabibigla tsaka ano . . . uh . . .”

“Ano raw ‘yon?”

“Hindi ko alam kung paano sabihin sa ‘yo.”

“Kung alin lang ang kaya mong sabihin.”

“Nakakadiri raw ang relasyon natin kung totoo man daw ang sinasabi ko. H-Hanggang ngayon ay pinipilit niya pa rin ang sarili niyang kumbinsihin na nagbibiro lang ako. I’m sorry, love.”

Bumuntong hininga ako dahil doon bago tumango. Wala naman kaming magagawa. Baka nga hindi open-minded Mama niya sa ganito.

“Baka need lang ng time ng Mama mo, love. Okay lang. Naiintindihan ko naman.”

“Love, sorry.”

“Shh, okay lang. Promise.”

Nagkwentuhan lang kami ni Meeca hanggang sa ma-low battery ang phone niya kaya nagpaalam na rin siyang matutulog. Sinubukan ko na rin matulog pagkatapos nung tawag na ‘yon kaso hindi mawala sa utak ko ‘yong mga sinabi nung Mama niya.

Pandidirihan niya nga . . . gaya lang ng in-o-overthink ko kanina.

Bumuntong hininga ulit ako. Inabot ko naman ‘yong phone ko para tawagan si Lana.

“Hello? Okay ka lang?”

“Okay lang. Bakit?”

“Feeling ko hindi dahil 11 PM na ho, o. Tapos bigla-bigla kang tatawag. Ano’ng problema?”

Huminga ako nang malalim bago kinuwento sa kaniya ‘yong pag-come out ni Meeca sa magulang niya, tsaka ‘yong mga sinabi ng Mama niya at kung gaano ako naapektuhan dahil doon.

Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon