#FDFL10
Kakarating ko lang sa bahay. Hinatid ko kasi si Meeca sa kanila, e. Mediyo late na at mukhang hinihintay ako nila Mama na sumabay sa kanila sa hapag kaya dali-dali akong pumasok ng bahay.
“Good evening po.” Naupo ako sa harap nila Mama at Papa pagkatapos ko mag-mano. “Sorry po, late.”
“Saan ka galing? Hinatid mo si Meeca, ‘nak?”
“Opo, Pa.”
Nagkatinginan bigla si Mama tsaka si Papa dahil doon. Kumunot ‘yong noo ko. Nagpaalam naman ako sa kanila kanina.
Wala pa kasi sila sa bahay kanina nang ihatid ko si Mikay sa bahay nila.
“’Nak?”
“Po?”
“Hmm . . . may gusto ka bang sabihin sa ‘min?”
Mas lalong kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Mama. Kinabahan din ako saglit pero isinawalang bahala ko ‘yon dahil imposible namang mapansin kami. ‘Di naman kami halata ‘pag nandito si Meeca.
Or nahahalata na kaya nila gaya nung kay Ate Maggie?
“Wala po, Ma? Ano po ba ‘yon?”
Matagal niya akong tinitigan bago umiling. “Kumain na lang tayo.”
Naguluhan ako bigla dahil doon. Kahit si Papa ay mukhang may hinihintay sa ‘kin. Ano ba sasabihin ko?
Nagsabi naman ako sa kanila kanina na nag-advance studying lang kami ni Meeca dito.
Totoo naman!
Umiling na lang ako sa sarili ko bago nagsimulang kumain. Masyado akong nag-o-overthink kahit wala naman dapat i-overthink.
Habang kumakain ay kinukumusta lang ako nila Mama at tinatanong kung ano raw balak ko sa college. Meron naman na talaga akong plano after senior high . . . actually, kasama si Meeca sa mga plano ko. Sakto at napag-usapan namin kanina ‘yong mga plano namin sa buhay.
Plano naming sabay mag-apply sa iba’t-ibang school kasama si Alex. Napag-usapan din namin kung ano ‘yong mga course na gusto namin i-take.
Kinuwento ko lahat ng plano ko kina Mama. Mukha naman silang interesado sa mga kwento ko kahit wala naman masyadong i-l-look forward. Ang pangarap ko lang naman talaga, kung wala si Meeca, ay makapagtapos ng pag-aaral. ‘Pag tapos na ako mag-aral, edi wala na akong pangarap.
“I’m sure kayang-kaya mo ang Marketing, ‘nak. Nakapag-plano ka na rin ba saang school mag-a-apply?”
“Yes, Papa. Actually, plinano po namin ni Meeca na sabay mag-apply–“ bigla ulit silang nagkatinginan ni Mama dahil sa sinabi ko. “k-kasama po ‘yong isa pa naming kaibigan na si Alex.”
“Hmm, okay. Good luck sa inyo, I guess?”
Natahimik kaming tatlo pagkatapos nun. Nang matapos kami kumain ay wala pa ring nagsasalita at tumatayo para umalis o magligpit ng pinagkainan. Nakatingin lang silang dalawa sa ‘kin.
Kinakabahan tuloy ako. Parang may gusto talaga silang marinig mula sa ‘kin.
Fine.
“May girlfriend po ako. ‘Yan, baka ‘yan po gusto niyong marinig sa ‘kin kanina pa,” sarcastic na sabi ko. Mahina pa akong natawa bago bumuntong hininga at yumuko.
Hindi sila makapagsalita dahil sa sinabi ko. Nanatili pa rin silang tahimik na mas lalong nakapagkaba sa ‘kin. Tangina. Dapat ‘di ko na sinabi! Ni hindi ko man lang sinabi kay Meeca na aamin ako sa mga magulang ko ngayong gabi.
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...