#FDFL12
“Mikay, nasaan ka na?”
“Wait, on the way na ako.”
“Okay. Ingat ka.” Binaba ko na ‘yong tawag habang hinihintay siya sa labas ng gate ng school namin. Sabay kasi kaming mag-e-enroll. Nandito na rin si Alex at si Meeca na lang hinihintay namin.
Aksidente akong napatingin kay Alex. Nakita ko siyang weird na nakatitig sa ‘kin pero kaagad din umiwas ng tingin nang makitang nakatingin ako pabalik.
“Ano ‘yon?” tanong ko dahil mukhang may gusto siyang itanong.
“Okay lang ba kayo ni Meeca?”
“Ha? Oo naman?”
“Sabi mo, e.” Nagkibit balikat pa siya kaya kumunot ang noo ko. Okay naman talaga kami?
Pagkarating ni Meeca ay ngumiti siya sa ‘kin kaya ngumiti na lang ako pabalik pagkatapos ay sumabay siya kay Alex maglakad habang nasa likod nila ako. Mas lalong naging weird ‘yong tingin sa ‘min ni Alex dahil doon.
Mahigit ilang araw na rin kaming ganito. Hindi na masyadong nag-uusap sa call o sa text tapos minsan, palagi pa siyang galit kausap. Tapos hindi na rin kami madalas bumisita sa bahay ng isa’t-isa. Hindi na rin kami lumalabas.
Pero okay naman kami.
Bati na kami.
Pero siguro may mga nagbago talaga.
Nadaanan pa namin si Theo na may ka-call din. Nang maibaba niya ang tawag ay napatingin siya sa ‘min at kumaway. Umirap ako bago umiwas ng tingin habang kumaway naman pabalik si Alex.
“Grabe si Cali, o! Parang galit pa sa ‘kin! Parang nung isang buwan si Meeca lang naman ‘yong galit tapos ngayon, kasama ka na?!” madramang sabi niya. ‘Di ko na lang pinansin.
“Hayaan mo na ‘yan si Cali! Masama lang siguro gising, hehe. Una na kami, Theo!”
“Sige, Alex. Ingat kayo!”
Nang makalayo kami kay Theo ay humarap sa ‘min si Alex.
“Ano ba’ng problema niyong dalawa?”
“Wala,” sabay naming sagot.
“Kung nag-aaway kayo, ‘wag niyo idamay ‘yong mga taong nasa paligid niyo. Pati ako, balak niyo idamay! Hindi kayo nag-uusap, o! At na-a-awkward-an ako sa katahimikan niyo!” Lumayo siya bahagya kay Meeca. “Pupunta muna ako kina Andrea. Kayo na magsama mag-enroll. See you na lang mamaya!”
Tumakbo na siya papalayo sa ‘min kaya napanganga ako saglit. Ang galing.
“Tara na.” Kumapit ako sa braso ni Meeca para sabay kaming maglakad papuntang registrar para maka-enroll.
Hindi kami masyado nag-uusap pero unlike last time, pinapansin niya na ako. Kagaya kanina, naglalakad kami sa gitna ng maraming estudyante, nung mabitiwan ko ‘yong braso niya ay tumigil siya agad para tignan kung nasaan ako.
“Dito ako pipila. Dito ‘yong HUMSS.” Tumango ako sa sinabi niya. “Ikaw? Saan ka?”
“Doon ako sa kabila. See you later, love.”
Sabay kaming natigilan sa sinabi ko. Tatalikod na sana ako nang yakapin niya ako bago bumulong. “See you later.”
Tumango ako bago tumalikod at pinipigilan ang sariling ngumiti. Kinagat ko pa ang pang-ibabang labi ko. Tangina, tanggal lahat ng tampo ko sa katawan dahil sa lintek na yakap na ‘yan!
Pagkatapos kong mag-enroll ay dumiretso agad ako sa pinag-iwanan ko kanina kay Meeca. Nakita kong kausap niya ‘yong iba niyang classmates kaya kumaway lang ako nang lumingon siya sa ‘kin. Sumenyas naman siya na pwede akong makalapit.
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...