Chapter 6

40 2 0
                                    

#FDFL06

Mukhang favorite na rin ako ng Mama ni Meeca dahil pinayagan siyang mag-overnight sa beach kasama ako! Well, sinabi ko naman na parang celebration ‘yon ng SSG . . . pero still?!

“Love, mediyo revealing kaya ‘to kung susuotin ko bukas pagpunta?”

Inangat ko ng tingin ko kay Meeca nang magsalita siya . . . kakalabas niya lang ng banyo kasi nagbihis siya. Tumaas naman dalawang kilay ko habang tinitignan siyang nakatayo sa harap ko bago tumalikod para ipakita sa ‘kin dress niya.

Orange sun dress ito na mediyo backless.

“Okay naman, love. Baka nakakalimutan mo, volleyball player ako. Kayang-kaya ko silang sapukin kung pagtitripan ka nila.”

Tumawa siya bigla dahil sa sinabi ko. Napailing na lang ako dahil doon.

“Okay! Ito na lang. Naka-ready na rin mga dadalhin ko bukas. Ikaw ba?”

“Aayusin ko mamaya pag-uwi.”

Nandito kami ngayon sa kwarto niya kasi tinulungan ko siya mag-ayos ng mga gamit na dadalhin bukas. Mediyo paranoid kasi si Meeca. ‘Kala mo e ilang taon kaming mananatili doon. Isang gabi lang naman tsaka dalawang araw.

“Kinakabahan naman ako bukas.”

“Bakit?” tanong ko bago siya hinila papaupo sa binti ko. “Natatakot ka bang tumuloy tayo? Pwede naman tayo mag-cancel.”

“Hindi naman! Kinakabahan lang siguro talaga ako.”

“Aah. Okay lang 'yan. Kasama mo naman ako.”

“Manunuod tayo sunrise doon, ah!” na-e-excite niyang sabi kaya tumango ako bago ngumiti sa kaniya.

Kinabukasan, maaga akong dumiretso sa bahay nila Meeca para doon na lang kami daanan nung jeep na service ng SSG.

Napahawak ulit si Meeca sa magkabilang pisngi niya, na palagi niyang ginagawa kapag nagugulat siya sa ‘kin, bago lumapit.

“Oh my gosh, ang ganda-ganda mo!”

“Hindi ka ba galit sa suot ko?” bulong ko sa kaniya. Nawala naman agad ‘yong ngiti niya bago umiling na parang walang ideya kung bakit natanong ko ‘yon.

Naka-orange spaghetti strap kasi ako plus trouser na white.

“Hindi! Nagulat lang ako kasi weird pa rin sa ‘kin kapag hindi ka nakikitang naka-white, beige or black. Ang ganda mo!”

“Maganda rin kasi nag-aalaga, e. Naka-ready na ba dadalhin mo?” Mahina siyang natawa sa sinabi ko bago tumango. “Nasaan na raw si Alex?”

“Nandito ako, mahaharot na bitch. Umagang-umaga, please. Mamaya na landian.”

Sinenyasan agad siya ni Meeca na manahimik dahil nasa tapat pa rin kami ng bahay nila at baka marinig si Alex. Nagsimula na naman silang mag-asaran dahil doon.

“Mamaya na ‘yan. Nandito na ‘yong jeep.”

Sabay ko silang inakbayan at iginiya papasok ng service. Pagkaupo namin ay nakita kong sila Ate Kyla, Ate Les tsaka apat pa lang ang nasa loob. Mukhang may mga susunduin pa kami.

Halos tatlong oras din ‘yong byahe. Gustuhin ko man magpahinga muna ay hindi pa rin naman ako makakatulog sa sobrang ingay sa loob. Si Meeca naman ay ‘di masiyado nagsasalita dahil bukod sa kasama si Theo ay kasama rin pala si Dominic. Si Alex naman ay kausap ‘yong iba niyang kakilala.

Nakasandal naman ako sa likod ni Meeca habang nakatingin siya sa labas ng bintana.

“Meeca!” Parehas kaming napa-angat ng tingin nang may tumawag sa kaniya. Si Lucio pala, ‘yong isang kaibigan ni Dominic. “Ganda mo raw ngayon. Nagpapatanong si Garrett kung naghahanap ka raw ng ka-talking stage– aray!”

Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon