#FDFLEpilogue (Acceptance)
“Meeca, feeling ko talaga bagay kayo ni Kapitana. Ang cute niyo tignan ‘pag magkasama kayo, kainis.”
Mahina akong natawa sa sinabi ni Jiara. Tsk, girlfriend ko na nga, e. Late na sila sa balita.
“Hoy, Jia. ‘Pag ikaw nahuli ni Cali na ‘di nag-t-training, malalagot ka doon. Puro pakikipag-chismis kay Meeca ang inaatupag mo!” sigaw ni Andrea mula sa kalayuan.
“Sorry na nga! Bye, Meeca!” Humarap siya sa ‘kin saglit bago tumayo na at tumakbo papalayo.
Hinintay kong matapos ang training nila Cali para sabay kaming makauwi. Kahit bakasyon, nasa school pa rin siya para mag-training. Kawawa naman baby ko.
“Nandito na ako.”
Tumayo ako agad para mayakap siya nang makita kong kakabihis niya lang. Niyakap niya naman ako agad pabalik.
“Uwi na tayo?”
“Yeah. Tara na?”
Kumaway-kaway pa ako sa teammates ni Cali na parang close ko sila nang matagal na habang papalabas kaming gymnasium. Mahina akong napahagikhik sa mga iniisip ko.
Nakakapit lang si Cali sa backpack ko kasi hindi pa ako ready makipag-holding hands. Kwento lang ako nang kwento sa kaniya habang naglalakad kami. Kahit nga yata kwento ng ninuno ko, nabanggit ko na sa kaniya, e.
“Daan tayo 7/11,” sabi ko. Tumango naman agad siya bago siya nagsimulang magkwento at tulad ng palagi niyang ginagawa ay nakikinig ako sa kaniya attentively. Gusto ko lang na iparamdam sa kaniya ‘yong mutual feelings namin kaya kung ano ang ginagawa niya ay ginagawa ko rin.
Bumili ako sa 7/11 ng siopao tsaka nung gulp habang siya naman ay bumili ng malaking potato chips tsaka softdrinks na nasa can.
Ah, kung may magtatanong ano’ng best date para sa ‘kin, ‘yon ay ang book date syempre, pero isusunod ko ‘tong convenience store date.
Hindi naging madali ang pagiging girlfriend ni Cali dahil bukod sa pagiging clingy niya 24/7, ang weird din ng mga naririnig ko sa mga tao kapag nakakatunog sila sa relasyon namin. Kunwari na lang si Baron, kaklase ko dati, nakita niya kami ni Cali na magkasama, nakaakbay sa ‘kin si Cali tapos one time, lumapit siya sa ‘kin para magtanong.
“Kayo ba nung captain sa volleyball team?”
“Bakit?” tanong ko.
“Kayo ba? Sayang naman. Ganda mo sana kaso pumatol ka sa babae.”
“Bakit, sino ba dapat patulan ko? Mga tulad mo? ‘Wag na lang.”
Mukhang nahiya si Baron sa sinabi ko kaya na-guilty ako bigla kaso pinilit ko ang sarili kong manahimik na lang. I have to start somewhere. Hindi pwedeng lagi lang akong takot sa mga tao.
Simula rin nang maging girlfriend ko si Cali, lumalakas na loob ko tapos natututo na rin akong makipag-socialize sa maraming tao. Nawawala na ‘yong hiya ko minsan pero siguro, mabuti na rin ‘yon. Hindi naman pwedeng lagi lang akong nahihiya.
Doon ko na-realize kung gaano kalaking parte si Cali sa rason ng pagbabago ko. Alam kong nagiging better person ako everyday at habang dumadaan ang mga araw, nakakaramdam ako ng confidence at motivation para magpatuloy sa buhay.
“Alex? Sasama ka sa overnight?”
“Overnight. Overnight saan?!” Nilayo ko agad phone ko sa may tenga nang sumigaw siya. Pwede namang sumagot nang maayos, bakit kailangang sumigaw?!
“Sa beach. Niyaya kami nina Pres. Kilala ka naman ni Pres. kaya ‘di ‘yon magagalit kapag sumama ka.”
“Sure, ipapaalam mo ba ako?!”
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...