#FDFL03
Nakasimangot ako ngayon habang naglilinis sa buong gym. Grabe talaga. Bakit kaya kami nautusan maglinis ng gym e, bakasyon na bakasyon?
Kapag tinatanong ko naman kasi si Ate Kyla, sasabihin, e kayo lang naman gumamit at gagamit nito kapag pasukan na ulit.
Fine.
“Uy, si Kapitana, naglilinis.”
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at kaagad na napairap nang makita ko si Dominic. Parang tanga. ‘Di naman kami close.
“Lumayas ka nga. Naiinis ako sa pagmumukha mo.”
“Grabe naman 'tong si Kap– ah, oo nga pala. May nagpapatanong kung pwede raw ba manligaw?” Akmang hahampasin ko siya ng walis na hawak ko pero nakalayo agad siya habang natatawa.
“Ikaw ba? Paanong manliligaw e, kita ko mga tweets mo. Broken ka, haha.”
Napasimangot siya dahil doon kaya ako naman ‘yong natawa.
“Tsk. ‘Wag mo na ipaalala pa.”
“Nakahanap ka rin ng katapat mo.”
“Totoo. Grabe, karma ko na yata ‘yon– teka, kumusta si Meeca pala?”
Napangisi ako. “Okay lang ang girlfriend ko, Doms. Magaling ako mag-alaga, e.”
Nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko bago siya tumawa nang tumawa. Nang mapansin niyang ‘di ako tumatawa pabalik ay napatigil siya. Hanggang sa unti-unting naging gulat ‘yong mukha niya.
“’Di nga?”
“Bahala ka.”
“Totoo?”
“Oo nga! Lintek na ‘to. Ayaw maniwala.”
Inirapan ko siya bago ako tumalikod at naglinis ulit. Maya-maya ay humarap ulit ako kay Dominic.
“Doms.”
“O?”
“Paganti. Isa lang.”
Sinampal ko siya bigla kaya nagulat siya. I mean . . . hindi pa naman ‘yon ‘yong pinakamalakas kong sampal kasi baka nakakalimutan niyang volleyball player ako. Pero need ko lang talaga iganti si Meeca kahit mediyo late na.
“Woah, grabe! Dahil sa sampal mo, parang nagising ako sa katotohanan.”
“Tsk. Alis na ako. Istorbo ka, e. Naglilinis ‘yong tao. Mag-tweet ka na lang ulit kapag binalikan ka na ni Alice.”
“Napakabastos mo kausap, Cali!”
Dumiretso ako sa labas ng gym dahil mukhang okay naman na. Ako na lang talaga naiwan doon kaya malakas loob ko sampalin si Dominic, e.
“Cali.”
Napalingon ako sa tumawag sa ‘kin bago ngumiti.
“Ate Kyla.”
“Congrats. Nanalo kang 12-ABM representative sa SSG. First try.”
Mas lalong lumaki ‘yong ngiti ko dahil doon. Ganito kasi kwento nun!
Nabanggit kasi sa ‘kin ni Meeca noon na tinatanong siya ni Ate Kyla kung gusto niya raw tumakbo bilang Vice President ng SSG, tapos sa President naman si Gale, ‘yong Vice President last year. Si Ate Kyla kasi college na, e.
Edi ‘yon, in-encourage ko si Meeca na sumali kaso natatakot daw siya kasi wala pa naman daw siya masiyadong experience sa pagiging SSG officer lalo na galing siya bilang Representative lang. So, ang ginawa ko . . . tumakbo ako bilang 12-ABM Representative kapalit ng pagtakbo niya bilang SSG Vice President.
BINABASA MO ANG
Finally Dauntless For Love (HFIT BOOK 2) (COMPLETED)
Teen FictionFinally, Meeca admitted her feelings to Cali. Wala nang pangamba ngunit may takot pa rin. Cali understands her situation because she, too, went through that stage of life in order to discover more about herself . . . the stage of acceptance. Meeca a...